Cherreads

Chapter 35 - Chapter 34

"Sensitivity, growth, development, balance, etc. are the fundamentals of-------------"

Our teacher kept talking and talking in front. But my attention was long gone from her. Kasi ang attention ko, ay naka-centro lang sa mga braso ko na may bondage. Hindi ko talaga malimutan ang reaksyon ni Lucien noong malaman niya na napaso ako. Sobra siyang nag-aalala sa akin. Pati na rin ang gang niya at gang ng Kuya Sky ko.

When I remember what happened, I laugh silently.

EPIC!!! 

Ganito kasi yun---

FLASHBACK. . . . .

While he is kissing me, his hand holds my arms tightly.

"O-ouch!! " daing ko nang hindi sinasadya kasi naramdaman ko ulit ang kirot mula sa pagkakapaso ko.

Nang marinig ni Lucien ang daing ko, agad siyang humiwalay mula sa akin. Puno ng pag-aalala ang nakapinta sa kanyang mukha.

"What's wrong? Are you hurt? " tanong niya.

Umiling lang ako habang palihim na itinago ko ang mga braso ko sa likod. 

Baka magalit siya kapag nakita niya ang mga paso ko at tanungin pa niya ako nang malala. Ayaw ko nga na malaman niya ang nangyari, tsaka ayaw ko ring mangyari na kong malaman niya man siya ang gaganti kay Luella bitch. Ang gusto ko, ako ang gagawa.

"Don't lie, Rain. Asan ang masakit? Tell Me!! " seryosong sabi niya.

Halah!!!

Seryoso na siya. No choice.

"M-my arms. " I whispered.

Agad namang lumipad ang tingin niya sa aking mga kamay na nakatago sa aking likuran. Pagkuway, unti-unti niyang hinila ang mga ito mula sa aking likuran para makita niya ang mga ito nang tuluyan. When he saw it, his face darkened. 

I silently gulped nervously. 

SCARY!!!

"What happened to your arms?" bulong niya nang pasigaw gamit ang galit at nag-aalalang boses niya.

Umiling ako.

Ayaw kong sabihin.

"Tell Me Rain!! " madiin niyang sabi.

Ang illing ko ay dumami kaysa sa una, kaya pa-paling-paling ang ulo ko sa harap niya. Tumingin ako sa kanya while pouting, and my eyes looked at him pleadingly. Bumuntong-hininga siya at maya-maya lang, nakita ko siyang kumalma na. He now knows that I don't want to tell whoever made my arms turn like that.

Maya-maya lang, masuyo niya akong hinila papunta sa kung saan. 

Lahat ng nadadaanan na namin ay nagtataka.

Ang ilan ay nakikilig. Ang ilan ay. . . .walang pakialam. Pero ang KARAMIHAN na nakita ko ay naiinggit at naiinis na nagagalit. Ai ewan!!!

Ui!!

Pupunta pala kami sa cafeteria.

Nang makarating na kami doon, hinila niya ako papuntang table ng gang niya at ng gang ng Kuya Sky ko na kasama pala nila.

Ngayon ko din nalaman na malapit pala ang gang ng kuya ko sa side gang niya which is Novel Knights na ang lider nila ay ang boyfriend ko na ngayon.

I AM SO DEAD!!! 

Lalo na nang nakita ko ang tumatawa kong kuya.

Binitawan niya ako nang nakarating na kami sa table nila. Pinaupo niya ako nang marahan sa bakanteng upuan. Ewan ko kung guni-guni ko lang, pero pinili niya yung upuan na medyo malayo sa inuupuan ni Kuya Sky. Hindi naman siguro. Nega lang siguro ako. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na siyang pumunta sa counter para kumuha ata ng kung anong pagkain na meron sila.

"What happened? "tanong ni Kuya Sky na may paglala kasi mukhang nahulaan niyang may nangyari kasi nakabusangot si Lucien nang umalis.

Medyo itinago ko ulit yung mga braso ko para hindi niya mapansin. Tapos ay umiling lang ako.

"So? Kumusta naman kayo ni Dragon? " Kuya Kaiser asked me.

Dahil sa tanong ni Kuya Kaiser, nakalimutan ko ang kaba ko kasi naalala kong we're officially in a relationship now. 

Ngumiti ako sa kanya.

"We're fine, kuya. Thanks." masayang sagot ko.

"You know, Rain, butong-buto talaga kami sa iyo para sa Leader namin. " sabat bigla ni Kuya Kennedy.

Well, kilala ko na sila kasi pinakilala sila ni Kuya Sky using their pictures. Medyo natawa pa ako noon kasi kung anu-ano na lang ang sinasabi ni kuya. Kesyo layuan ko daw yung isa sa kanila kasi babaero daw. Yung isa naman, hindi daw ako bagay kasi medyo cold. At iba pa. 

Nagpanting ang mga tenga ko. I liked what I heard. That's good to hear. Music to my ears.

"Thanks." pagkuway, mahihiyang sagot ko sa babaerong kaibigan daw nila. Hahaha. Pero sa aking kaloob-looban, sobrang lawak ng ngiti ko, abot hanggang gilagid.

Hindi pa man ako nakapagsasalita ng gusto ko pa sanang sabihin, pero napatigil ako kasi biglang nagsalita rin si Kuya Ruark. This time, he said that seriously, "I like you to promise that you'll love him forever, Rain. "

I kinda feel offended. 

Tumingin ako sa kanya nang diretso. Ang ngiti ko ay hindi nawala, pero alam ko sa sarili kong ang mga ngiting iyon ay may tinatagong babala. 

Mukhang gusto pa nitong taong to na paghiwalayin kami ni Lucien ko. 

"Of course. Hindi mo 'yan kailangang sabihin. Dahil gagawin at gagawin ko yon kahit ayaw niyo pa. " I said plainly. Walang halong biro. Dahil siguradong-sigurado ako diyan. Akin na siya, kaya ano man ang gagawin niya o magagawa niya, palalagpasin ko lang iyon, with punishment, of course, but he will never escape my grasp towards him. 

Naramdaman kong may humila sa kamay ko. Pagkatapos ay nakaramdam ako ng malamig na ipinapahid sa mga braso ko. 

It feels good kasi naramdaman ko na ang init at hapdi na binibigay noon kanina ay medyo nawawala na dahil sa pinapahid niyang malamig na bagay kahit pa kaya ko silang tiisin. 

Heaven!!!!

Hindi ko pa man na-enjoy ang komportableng pakiramdaman na iyon nang marinig ko ang malakas at sabay-sabay na tanong ni Kuya Sky at ng gang members niya. 

"What The Hell Happen To Your Arms????"

Oh oh!!

Kagaya ng nauna na. Umiling lang ako. Ayaw kong sabihin. 

"Rain. Tell Us!! " Kuya John said while trying to calm himself down. 

Umiling ulit ako .

"Yan din ang ginawa niya sa akin kanina nang tinanong ko kung napaano yan. Ayaw niyang sabihin and I'm so irritated because of that." sabi ni Lucien habang ina-applyan na ng kong ano mang ointment ang mga may bandang paso ko sa mga braso.

"Tsk!! As always!! So stubborn!! " inis na sagot naman ni Kuya Sky habang makikita mo ang iritasyon sa mukha niya..

"Kasi naman. Okay lang ako. " sagot ko sa kanya, trying to calm him down. Kasi okay naman talaga ako. It's not a big deal.

"Okay? Nakikita mo ba ang mga braso mo?" tanong ni Kuya Dennis.

"Pulang-pula na sila and I'm very sure that it's painful. Trust me. I know. " Kuya Maximus.

Bumuntong hininga ako.

"Yes, masakit, but I can handle it. You know that." I said, then I looked at my brother and the Steel gang meaningfully.

"Hindi mo kami maiiwasan na hindi mag-alala." sabi naman ni Kuya Arvin.

Itinaas ko ang dalawang kamay ko na katatapos lang na talian ni Baby ko ng medical bondage.

I silently chuckled when I thought about what I silently called Lucien. 

Lumapit si Kuya Sky sa akin at niyakap niya ako. Gumanti na man ako ng yakap, siyempre. Sus, naging clingy na naman ang kapatid ko. Pero bago pa man nagiging mahaba ang yakapan namin, may humila sa akin palayo kay Kuya Sky. 

"Don't you dare touch what is mine, Skytler." Seryosong sabi ni Lucien.

I smiled amusingly while looking at Lucien.

Nagseselos siya, oh.

FLASHBACK ENDS. . . . .

And that's what happened. Walang tigil na sagutan ang nangyari. At inis na inis na man si Lucien. Paano kasi, tinutukso kasi ni Kuya Sky si Lucien at nakisali pa ang mga tukmol. 

While giggling there, I suddenly felt a soft thing on my lips. I blinked rapidly.

I blushed. 

Time na pala, indicating that my subject for that afternoon was finished. At si Lucien naman, pumasok na sa loob para sunduin ako. And well, he kissed me on my lips suddenly habang nakatulala pa lang ako.

"What are you thinking, baby? " Tanong ni Lucien.

"Nothing." sagot.

"Let's go?" aya ko sa kanya pagkatapos.

At yun nga, lumabas na kami papunta sa sasakyan niya.

"I love you, Rushell." masuyong sabi sa kanya bigla. 

Wala lang, I just want to say it to him always. And that, Rushell, I found out that no one calls him by his second name. So kinuha ko na ang pribilehiyong ako lang ang tatawag niyon sa kanya. Hindi ako kailanman mahihiya na sabihin iyon sa kanya, kahit saan, kahit kailan. Kahit pa may makarinig.

"I love you too." Sagot niya sa akin while he caressed my face.

**************************************************************************************

"What's the update?" C

"S-sir, Phoenix is not yet d-dead. " nanginginig na sabi ng lalaki.

Nakatikim ang lalaki ng sipa mula sa boss niya.

"BULLSHIT!!! THEN DO SOMETHING!!!" sabi ng lalaki habang tinabig niya ang mga nasa lamesa niya.

"Y-yes s-sir."

"And I want Phoenix dead as soon as possible. UNDERSTAND?" C

The man nodded at him.

"Good. " C

"Babe, easy lang. Tignan mo sila, nanginginig na sa takot, oh. Pagpapakalma na man ng isang balingkinitang lalaki na kapapasok lang sa room using his most seductive voice.

The man kissed the man who just entered and as usual he kissed him back.

At last . . .. . .

kunti na lang. . . .

konting-konti na lang . . .

Mamamatay KA din Phoenix or should I call you Rain Maia Smith.

More Chapters