Cherreads

Chapter 150 - Chapter 148: PKL Grand finals

Sa loob ng venue, makikita sa big screen ang 5 seconds countdown bago magsimula ang ban/pick phase. Napunta sa blue side ang FTT at red side naman para sa GOT-G. Kumpara sa nagdaang match nung regular season at playoffs, mas mahirap ang ban/pick ngayon dahil maliban sa naka-apply ang global ban/pick naka-apply din ang blind pick. Ibigsabihin kapag sinabing blind pick, hindi alam ng isang team kung anong pipiliing hero ng kabilang team, ganun din sa kabila kaya pareho nilang hindi nakikita ang line-up ng isa't isa. Walang ban spot kaya walang hero na hindi nila p'wedeng kunin at malaki ang posibilidad na may pagkakapareho ng line-up ang dalawang teams.

Dahil blue side ang FTT, sila ang unang pipili at bahagyang nanibago ang FTT dahil nang tumingin sila sa jungling heroes hindi na kulay black si Augran, nasanay silang kulay black ito sa t'wing magsisimula ang ban/pick phase na animo'y lagi silang nasa funeral. Ang dalawang commentators kaagad ang unang nag-react.

Hindi mapigilan ni Commentator Zia ang hindi matawa. "Alam mo kung anong hero ang gusto kong makita?"

Commentator Waver: "Sino?"

Commentator Zia: "Si Augran." Nakangiting saad ni Commentator Zia. "Walang ban spot ngayon dahil naka-blind pick format tayo kaya kahit kunin man ng GOT-G si Augran para kay Lessen, p'wede parin naman kunin ng FTT si Augran para kay Just."

Commentator Waver: "Oo nga noh? Baka makakita tayo dito ng dalawang Augran tapos dalawang Yixing. Madalas kasi kapag Augran ang pick sinusundan din kaagad yun ng Yixing. Sabi nga nila match made in heaven daw 'tong Augran/Yixing eh."

Commentator Zia: "Yeah, pero bihira mag-Yixing si Boss noh? Hindi ko nakikita yung Yixing ni Boss nitong nagdaang playoffs, parang hindi niya ata nagamit si Yixing. Ang madalas nating makita, si Da Qiao, si Shi, Mai Shiranui." Ani Commentator Zia na agad namang sinang-ayunan ni Commentator Waver.

Nang lumabas ang first pick ng FTT hindi nga sila nagkamali gunit pare-pareho parin silang nagulat nang makita nila si Augran sa side ng FTT. Hindi na nagsayang ng opportunity ang FTT at kinuha kaagad si Augran.

Commentator Zia: "WOW! Augran para sa first pick ng FTT!" Hindi makapaniwala si Commentator Zia. "Pagkatapos ng regular season, play-ins, knockout stage, semi-finals, nakalabas din sa ban spot si Augran para sa side ng FTT." Saad niya at binalingan si Comments Waver. "Grabe Wave, ngayon nalang natin makikita ang Augran ng ating Great Demon King pagkatapos ng ilang season. Hindi naman kasi binaban si Augran tuwing hindi FTT ang kalaban dahil alam naman nating maraming pang-counter kay Augran katulad nila Lady Zhen, Princess Frost, Liang, Chano, kahit si Xiao Qiao kayang kaya i-counter si Augran, as in sobrang daming hero na p'wedeng pang-counter pero pagdating sa FTT laging binaban."

Tumawa si Commentator Waver: "Yun nga eh, kakaiba kasi kapag si God J na yung may hawak. Basta meron lang siyang assist madali lang para kay Just na maipanalo ang teamfight."

Mukhang mahihirapan ang GOT-G dito dahil makikita naman na nababahiran na agad ng pagiging seryuso ang mukha ng mga players ng GOT-G at mukhang may hinala na sila para sa first pick ng FTT. Dahil nasa red side ang GOT-G, dalawang hero ang p'wede nilang kunin. Hindi naman tumagal ang pagpili ng GOT-G dahil ilang linggo na nilang pinag-aralan ang kanilang line-up mula game 1 to game 7 dahil BO7 or Best-of-seven ang series ng grand finals, inaasahan na nila na kukunin ng FTT si Augran kahit hindi nila nakikita at kinuha kaagad si Liang at Princess Frost.

Commentator Zia: "Wow! Good answer para sa GOT-G. Hindi nila nakita yung pick ng FTT pero nakuha nila yung pang-counter kay Augran, mukhang alam na ng GOT-G na kukunin din talaga ng FTT si Augran."

Commentator Waver: "Yeah, antagal narin kasing hinintay ng FTT na mailabas 'tong hero na 'to at ngayong na-open na, syempre hindi pa ba nila kukunin?"

Mahirap para kay Augran ang mag-set ng pace kapag may ganitong line-up na Liang/Princess Frost dahil malakas ang CC ng dalawang hero na 'to at hindi makakababad si Augran sa teamfight dahil isa naman siyang fighter at hindi assassin. Kulang siya sa mobility at tanging skill 1 lang ang kanyang inaasahan para makatakas at tumagos sa mga bato. Kaya hindi ligtas si Augran para sa 2 picks ng GOT-G. Ngunit makikita naman sa side ng FTT na kinuha nila si Da Qiao para kay Jacian at sinundan iyon ng Yuhuan.

Parehong nagulat ang dalawang commentators dahil sa nakakabiglang pick ng FTT. Maging ang mga viewers na nanonood sa live broadcast ng PKL ay bahagyang napamura.

Commentator Zia: "Grabe, ganito na ba ang level ng mga team natin sa PKL? Parang hindi kayo mga players, parang mga babaylan na kayo." Hindi mapigilang sambit ni Commentator Zia na ikinatawa ni Commentator Waver.

Commentator Waver: "Wala eh, ganun talaga sila pagdating sa line-up. Tingnan niyo ha, kinuha ng FTT si Augran tapos kinuha naman ng GOT-G si Liang at Princess Frost na pang-counter dito kay Augran, sa side naman ng FTT sinagot nila iyon ng Da Qiao at Yuhuan. Kapag ginamitan ng combo ng Liang/Princess Frost si Augran syempre hindi siya makakagalaw nun, gagamitin ni Boss yung recall ni Da Qiao para i-recall si Augran. Kaya kahit madikitan man ng CC si Augran hindi siya kakabahan kasi nand'yan naman si Da Qiao na kapag na-CC siya ng Liang at Princess Frost kayang-kaya siyang i-recall at hindi siya mapapatay." Namamanghang saad ni Commentator Waver. "So, kung titingnan sa mga sagot ng dalawang teams parang nakikita nila yung pinipick ng isa't isa. Alam ng FTT na alam ng GOT-G na si Augran yung first pick nila kaya kinuha ng GOT-G si Liang at Princess Frost, alam ng FTT na hindi magiging safe si Augran kaya kinuha nila si Da Qiao at Yuhuan para kahit ma-CC man sila nand'yan naman si Da Qiao na taga-recall."

"Yeah." Sang-ayon ni Commentator Zia. "Pano nangyari yun? Kung makapick ng hero yung dalawang teams na 'to parang hindi blind pick yung format ng tournament natin. Parang hindi tayo naka-blind pick. Ako nga nakikita ko na pero hindi ko alam yung isasagot ko dito."

Commentator Waver: "Sobrang hirap diba? Kasi kahit walang ban spot, hindi iyon nagbawas sa pressure, mas lalo pang dumagdag kasi makakalabas yung mga hero na ayaw mo sanang makita. Atsaka hindi lang yun, kapag kinuha nila yung line-up dapat maipanalo nila yan kasi hindi na nila yan p'wedeng gamitin sa mga susunod na games, at isang paalala naka-global ban/pick parin po tayo at ang masaklap pa BO7 ang ating format."

Kinuha ng GOT-G si Arli para sa kanilang marksman na hindi naman nila ikinapagtaka dahil madalas iyong kunin ng GOT-G. Sa huling pick ng FTT, kinuha nila si Loong para kay Lucky at Mayene para kay Blue. Pagkatapos ng blind pick hindi na pinatagal ng dalawang commentators at nagsimula na ang game 1.

Nang makapasok na sila sa hero's george hindi na nagulat ang FTT nang makita ang line-up ng GOT-G, dahil alam nilang si Just ang magiging target locked nila dito. Kapag ganitong si Just ang core siya nagiging target locked ng mga teams at makikita sa side ng GOT-G na kinuha nila si Luna na siyang pang-counter kay Augran. Halos lahat ng hero na kinuha ng GOT-G ay pang-counter kay Augran kaya alam ng FTT na alam nga ng GOT-G na kukunin nila si Augran. Ngunit hindi naman na-pressure ang FTT dahil sobrang safe ni Just sa kanilang line-up, lalo na't nand'yan si Da Qiao na hawak ni Boss. Siguradong mahihirapan ang GOT-G na patayin si Augran, kung gusto mang patayin ng GOT-G si Augran kailangan muna nilang patayin si Da Qiao para walang taga-recall.

Nagsimula na silang mag-clear ng minions sa kani-kanilang lane at pareho namang kalmado ang dalawang mid laner dahil taga-CC lang din naman ang kanilang trabaho, naka-Princess Frost si Shadow at Da Qiao naman si Boss, tamang linis lang ng minions ang trabaho nila at tagabigay ng assist habang nagpapayaman pa ang kani-kanilang mga boyfriend, este, jungler.

Makikita naman sa farm lane na tamang yakap lang muna si Lucky sa tower dahil wala naman talagang laban si Loong kay Arli kahit umabot pa man sa late game. Si Arli na ang pinakamalakas na marksman ngunit depende parin sa gumagamit kung gaano niya kagamay si Arli, sa mga hero ng FTT si Mayene lang na hawak ni Blue ang may kakayahang humabol dito kay Arli dahil meron siyang malakas na mobility.

Mabilis na nalinis ng FTT ang minions sa mid lane nang pumunta doon si Just para linisin ang minions, binigay ni Jacian ang kanyang minions kay Just dahil hindi niya naman kailangan ng maraming gold. Nagsimulang mag-invade ang FTT para nakawan ng resources si Lessen, hawak ni Lessen si Luna na sobrang takaw sa gold dahil kailangan niya ng maraming items para magkaroon siya ng damage, kung wala siyang damage hindi siya makakababad sa teamfight at mahihirapan siyang patayin si Augran lalo na kapag naka-tank build na si Augran. 

Ngunit ito naman ang gusto ni Augran, ang manakop ng jungle dahil meron siyang skill 1 na kayang mag-execute.

"Tara sa blue." Command ni Jacian.

"Kasama ba ako, Boss?" Tanong ni Gem, ngunit matapos niyang bitawan ang kanyang tanong agad na nagsisi si Gem.

"Mm, kasama ka. I-dedefend nila yan." Aniya.

Gem: "..."

Nagsimulang manakop ang FTT at sinimulan nila iyon sa blue buff, nagkaroon agad ng palitan ng skills ngunit nakuha parin ni Just ang blue buff matapos niya itong gamitan ng skill 1 at ma-execute. Hindi umuwi ang FTT dahil may heal si Gem at tinuloy lang nilang nakawan ng resources si Lessen. Sinubukan ni Little na gamitan ng CC si Just gamit ang support hero na si Liang ngunit katulad ng inaasahan ginamit lang ni Jacian ang kanyang recall kay Just para ibalik ito sa spawn point at magpa-full health bago muling bumalik doon sa jungle ng GOT-G gamit ang portal. Halos kalahati nalang ang HP ni Lessen, Shadow at Little, naubos narin ang kanilang skills para tabuyin si Just ngunit nataboy nga nila bumalik ding full health.

Commentator Zia: "Ito na nga ba yung sinasabi nating recall na hatid ni Boss. Mahilig talaga yung FTT sa ganitong play noh? Yung papasakitin nila yung ulo mo sa mga strategy nila."

Comments Waver: "Oo, gusto ko yung ginagawa ng FTT. Hindi nila hinahayaang makakuha ng mataas na gold si Luna at kitang-kita naman natin na nakuha ni Just yung blue buff ni Lessen. Naku, dapat mapigilan 'to ng GOT-G, hindi p'wedeng magtuloy-tuloy lang ang FTT sa ginagawa nilang pag-recall tapos balik ulit sa jungle ng GOT-G. Hindi makaka-item si Lessen niyan."

Pagkatapos nilang kunan ng resources ang jungle ng GOT-G, tinulungan ni Just mag-clear ng minions si Jacian at bumalik sa sariling jungle para linisin iyon. Mabilis mag-clear ng jungle si Augran dahil kaya niyang dugtong-dugtungin yung kaluluwa ng mga jungle creeps para higupin yung HP, may execution pa siya kaya mas mabilis niyang nalinis yung kanyang jungle kumpara kay Lessen.

Nang mag-spawned ang overlord/tyrant, si Jacian at Gem lang ang nakahawak doon para magbigay ng vision habang dahan-dahan iyong sinasayaw ng GOT-G. Nasa clash lane pa si Blue at nasa farm lane si Lucky para mag-clear ng minions, si Just naman ay naglilibot pa sa jungle para ubusin ang mga resources, maging ang resources ng GOT-G ay kinuha niya na dahil wala rin namang tao sa jungle, lahat ng players ng GOT-G ay sumasayaw sa tyrant kaya walang nagbabantay.

Hindi maiwasan ng mga viewers ang hindi mapamura dahil sa ginagawang play ng FTT. Holy shit! Anong klaseng strategy yung nakikita nila?!

More Chapters