Cherreads

Chapter 149 - Chapter 147: Wala akong sinabing girlfriend.

Nagkaroon sila ng training simula hapon at natapos sila ng madaling araw, tinraining na nila ang line-up at mga plano nila na pinag-usapan ni Coach Dang, Just at Jacian kagabi. Halos makatulog na si Lucky sa kagitnaan ng match nila ni Gem dahil pinapagawa sa kanya ni Coach Dang ang lane-pushing ng mag-isa. Tinawagan ni Coach Dang si Coach Em kung available ang second string at mabilis namang pumayag si Coach Em dahil kailangan din nilang mag-training.

Malaki ang naging improvement ni Lucky nitong nagdaang regular season at ikinabigla din iyon ni Coach Dang dahil hindi niya inaasahang magkakaroon pa ng improvement si Lucky, ngunit hindi pa sapat iyon para makuha nila ang kanilang hinahangad. Halatang mahigpit ang naging training nila kay Mrs. Sojurn dahil sa pagkakaalam ni Coach Dang, kung hindi magiging maayos ang performance ng Team nila ngayong season magrerecruit si Mrs. Sojurn ng mga pro players galing ibang region. Hindi naman hahayaan ng FTT na mapalitan sila kaya puspusan ang kanilang training, natakot din si Lucky dahil ayaw niyang mapalitan siya kaya naging masipag siya nung regular season.

Grand finals na ang susunod nilang laban at Best-of-seven ang series ng match kaya kailangan nila ng hero na hindi bababa sa pito dahil hindi na nila p'wedeng gamitin yung mga hero na ginamit nila sa mga nagdaang games.

Alam nilang mas mainit ang laban ngayon dahil parehong mid at jungler ang dumadala ng rhythm ng kanilang laro at mukhang early game palang ay may magaganap na kaagad na bakbakan. Isang araw nag-dou si Jacian at Just para magkaroon sila ng mas malalim na tacit understanding at parehong level ng hero pool, hindi naman nagkaroon ng problema si Coach Dang sa dalawa dahil maging ang pagiging agresibo ng isa't isa ay kaya nilang sabayan. Sobra pa sa malalim na tacit understanding na inaasahan niya.

Binigay niya nalang ang kanyang atensyon kay Lucky dahil sa kanilang lima si Lucky ang madalas mahuli at hindi nakakasabay. Walang problema si Coach Dang sa apat niyang players dahil nakikita niyang kaya nilang sabayan ang lakas ng GOT-G ngunit nahihila sila pababa sa tuwing hindi makakasabay si Lucky. Hindi lang ito basta playoffs kundi grand finals ng PKL kaya alam nilang mas magiging agresibo ang GOT-G at hindi hahayaang maging maayos ang laro nila, mahilig ang GOT-G sa line-up na pang mid game kaya sigurado si Coach Dang na dudurugin nila si Lucky sa early palang ng match. Kung hindi makakasabay si Lucky sa rhythm ng apat at magiging target locked ng GOT-G, mahihirapan si Jacian at Just na i-drag sa late game ang match.

Kung kaya't kinakailangan ni Lucky ng hero na pang mid game at makakapag-clear siya kahit nasa loob ng tower. Pagkatapos mag-doubles ni Jacian at Just, nag-1v1 naman silang dalawa. Inabot sila ng madaling araw at maririnig nanaman ang tahol ni Golden sa labas. Humikab si Lucky at inunat ang kanyang katawan sa gaming chair, kanina pa siya inaantok at hindi niya na makita kung saan tumatama ang mga bala, pagkatapos ng ilan pang games pinayagan narin siya ni Coach Dang na bumalik sa dorm at sumunod narin si Gem. Kanina pa bumalik sa dorm si Blue dahil hindi naman kailangan ni Blue ng puspusang training at malalim na tacit understanding sa kanyang mga teammates dahil madalas ay 1v1 lang ang nagaganap sa taas at bihira silang maglibot sa mapa. Isang top-tier clash laner din si Blue katulad ni Ning kaya hindi na siya pwersahang pinatraining ni Coach Dang dahil malalim at malakas na ang hero pool ni Blue. Kailangan niya nalang ng pahinga.

Samantala, sa loob ng training room nakaupo parin ang kanilang team jungler at mid laner sa kanilang gaming chair para tapusin ang kanilang training. Nakapatay ang ilaw sa loob ng training room at tanging liwanag lang na nanggagaling sa malaking TV at mga gaming phone ang tanging nagliliwanag.

Makalipas ang ilang sandali nang magpakawala si Jacian ng hikab, inalog niya ang kanyang ulo at mariing pumikit bago tumingin ng deritso sa gaming phone. Tiningnan naman siya ni Just bago ibinalik ulit ang tingin sa screen.

"Last na 'to." Saad ni Just nang makitang inaantok na siya.

Umiling naman si Jacian. "Kailangan ko pang mag-practice ng dalawang mage." Saad niya ngunit nag-angat siya ng mukha para tingnan si Just nang makitang nag-left ito sa lobby. "Bakit nag-left ka?"

"4 a.m na. Matulog na tayo." Saad ni Just at nilapag ang gaming phone sa mesa.

Nilapag ni Jacian ang kanyang gaming phone sa kanyang kandungan at nakapikit na sumandal sa gaming chair. Gising pa ang utak niya ngunit ayaw nang dumilat ng kanyang mga mata, inaantok siya pero gusto niya pang mag-training.

"Tumayo ka na, sa dorm ka na matulog." Narinig niyang saad ni Just.

Hindi gumalaw si Jacian at nanatiling nasa ganung posisyon, parang gusto niya munang umidlip sa gaming chair dahil pakiramdam niya wala siyang lakas maglakad patungo sa kanyang dorm kung hindi siya makakatulog kahit saglit lang. Hinawakan ni Just ang kanyang ulo at ginulo ang kanyang buhok.

"Inaantok ka?" Tanong ni Just at lumapit ito kay Jacian para halikan siya sa labi. Napasinghap si Jacian dahil sa ginawa si Just at hinawakan niya ang balikat nito para ilayo ngunit hiwakan ni Just ang kanyang baba ang siniil siya ng halik.

Tuluyan nang dumilat si Jacian at bahagyang napadausdos sa gaming chair kaya tumama ang labi ni Just sa kanyang ilong, hinawakan siya ni Just sa bewang at bahagyang inangat para i-upo siya ng maayos.

Tiningnan niya si Just at kinuha ang gaming phone na nasa kanyang kandungan at nilapag iyon sa mesa.

"Babalik na ako sa dorm."

"Mn." Sagot ni Just. "Kaya mo bang maglakad?"

Tumango siya at tinapik ang balikat ni Just para magpaalam at tuluyan nang lumabas ng training room. Maya-maya lang bumukas ang pinto ng training room at pumasok si Coach Dang, tinulungan niya si Just ayusin ang mga gamit para makapagpahinga na sila. Matapos nilang ayusin yun nagpaalam na si Just na babalik sa dorm na tinanguan naman ni Coach Dang ngunit pahakbang palang si Just nang tawagin siya ni Coach Dang.

"Just." Tanging saad lang ni Coach Dang habang nakatingin kay Just. Tiningnan siya ni Just nang may pagtatanong kaya bahagya siyang napabuntong hininga. "Yung sinasabi mong girlfriend mo, si Jacian ba yun?" Tanong ni Coach Dang.

"Wala akong sinabing girlfriend." Kalmadong sagot ni Just.

Coach Dang: "..."

Oo nga pala, siya ang nagsabi na may girlfriend si Just at walang sinabi si Just tungkol doon. Idiot. Tanging saad nalang ni Coach Dang sa kanyang sarili, hindi siya nagtanong kung sino ang karelasyon ni Just. Nagpaalam na si Just at lumabas na ito ng training room.

Mabilis na lumipas ang araw at sa isang kisap ng mata grand finals na ng PKL. Maingay ang mga netizens na nasa e-sports circle ngunit hindi grand finals ang kinaiingayan nila kundi ang story ni Just na nawala na nung 24hrs. Lumipas ang isang araw na walang paramdam ang Great Demon King matapos silang bigyan ng malaking palaisipan, naghihintay sila ng bagong update ni Just ngunit hindi na nag-online ang Great Demon King.

Trending ang 'girlfriend ni God J' sa e-sports category ng isang araw habang nilalamon sila ng kuryusidad. Samantalang tahimik naman ang mga lolo ni Boss matapos nilang makita ang update ni Just. Nang makita nila ang story ni Just, hindi nila maiwasan ang hindi mapa: "???" Bakit parang kamay ng apo nila yung kamay na hawak ni Just? Halos 4 years na silang nanonood ng livestream ng kanilang apo at hindi sila p'wedeng magkamali, alam nila ang itsura ng kamay ni Boss dahil kahit bakat ng ugat ay alam nila kung saan nakalagay dahil sa ilang taon nitong paglalaro. Ngunit nanatili namang tahimik ang mga lolo ni Boss, hindi sila magsasalita tungkol doon hangga't hindi kinukumpirma ng kanilang apo.

_

Mataas pa ang sikat ng araw nang dumating ang team van ng FTT, makikita ang napakaraming supporters na nakaabang sa entrada ng venue para abangan ang dalawang team na maglalaban ngayong grand finals. Hawak nila ang kanilang mga banners at sinabayan iyon ng malalakas na sigaw nang bumukas ang team van ng FTT at isa isang lumabas ang mga players.

Makikita ang napakaraming black and gold banners habang ang mga fan girls naman ay may mga hairband na chibi. Nang dumaan ang FTT inabutan nanaman si Jacian ng lollipop na kaagad niya namang kinuha, nginitian niya ang fan girl na nag-abot nun na nakasuot pa ng kanyang merch na hairband at bahagya itong natigilan. Ilang segundo pa ang makalipas nang mabalik sa reyalidad ang fan girl at bahagya siyang kinilig.

"Ahh! Nginitian ako ni Boss!" Kinikilig na saad niya.

Sumama naman ang mukha ng lalaking katabi niya. "Bullshit! Hindi mo ba nakita yung suot ni apo ko?!" Angil nito.

Fan girl: "..........?"

"Suot ng apo ko yung silver bracelet ni God J!"

Fan girl: "!!!!!" Fuck! Mura niya.

Malapit nang magsimula ang grand finals ng PKL at makikitang bumukas ang mga spotlight sa malaking stage kasabay ng nakaka-excite na sound. Ang malaking trophy na kulay ginto ay unti-unting umangat mula sa loob ng pinapatungan nun, maririnig ang malakas na sigawan sa audience area nang huminto ang pag-angat ng trophy at tumutok lahat doon ang mga spotlight. Kumikinang iyon sa ginto at sa isang tingin palang halatang napakabigat nun at hindi kayang iangat ng iisang tao lang, kundi lakas ng isang team para maiangat ang gintong trophy.

Gumalaw ang camera at umikot iyon para kunan ng video ang mga audience na nasa VIP row kung saan naka-upo ang mga sikat na steamers at costplayers pati narin ang buong audience area. Ilang sandali ang makalipas nang umakyat si Ms. Phara kasama ang isa pang host na lalaki na siyang nag-iinterview sa mga MVP ng match.

Pinaghandaan ng PKL ang grand finals ngayong season dahil mas lumawak at lumiwanag ang stage sa dami ng spotlight. Mas maaliwalas ang stage ng grand finals ngayon kumpara nakaraang season. Umakyat si Ms. Phara bitbit niya ang kanyang gown na kulay pink habang nakasandals ng 6 inches, inaalalayan siya ng kasama niyang host na lalaki at pareho silang naglakad patungo sa gitna ng stage para manguna sa pagsisimula ng grand finals.

Pagkatapos ng introduction, hindi na nila pinatagal pa at kaagad tinawag ang back to back champion at isa-isang pinakilala. Naglakad ang mga players ng GOT-G sa kabilang side at nanatiling tumayo doon habang isa-isang tinatawag ni Ms. Phara ang mga players ng FTT. Tumayo sa magkabilang gilid ang dalawang teams para sa trash talk segment.

Ngumiti si Ms. Phara at tumingin sa magkabilang team para tawagin ang representative.

"LS dou, Honeybam dou, step forward!" Anunsyo ni Ms. Phara na agad ikinaingay ng mga audience. Alam nilang parehong jungler at mid laner ng team ang tatawagin ni Ms. Phara dahil hindi pa man nagsisimula ay nakikita na nilang magiging mainit ang laro sa pagitan ng apat na players na ito.

Sa side ng FTT, makikitang nakangiti si Lucky at kinindatan si Jacian. Hindi naman nag-react si Jacian at kalmado lang silang naglakad ni Just patungo sa gitna kaharap ng LS dou.

Ang lalaking host ang nagsalita para simulan ang trash talk segment habang nasa tabi niya si Ms. Phara. "Grand finals na ng PKL at alam nating kung sino man ang mananalo sa inyo ay magiging domestic champion at makakakuha ng trophy na nasa taas ng stage ngayon. " Pauna ng lalaking host at maririnig sa bawat sulok ng venue ang kanyang boses dahil sa lakas ng sounds.

Nag-ingay ang mga audience na animo'y hindi makapaghintay kaya hindi narin pinatagal ng host stage at nakangiting binalingan si Just.

"Just, kaharap mo ngayon si Lessen na ilang beses ng naging MVP sa grand finals. Paano mo tutuldukan ang pagiging MVP ni Lessen, ano ang palag mo?"

Kinuha ni Just ang microphone. "Galingan mo nalang, hindi ka pa kasi magaling."

Host: "Wow!" Bulalas ng host sabay tawa. Hindi niya inaasahang makakarinig siya ng trash talk mula kay God J. Si God J na puro 'Mn' lang sa trash talk segment ay nagawa ng magbato ng trash talk.

Ngumiti naman si Ms. Phara at binalingan si Lessen. "Narinig mo tinrash talk ka ni Just, ano naman ang palag mo?"

"Goodluck din, hindi ka parin kasi magaling." Saad naman ni Lessen na ikinatawa ng mga audience.

"Boss, anong palag mo sa dalawang 'to?" Tanong ng lalaking host kay Jacian nang ituro niya sina Lessen at Shadow.

"Galingan niyo nalang, gagalingan nalang din namin." Natatawang sagot ni Jacian.

Mas lumakas ang naging tawanan sa audience area.

"Shadow, anong palag mo?"

"Ok noted."

Audience: "HAHAHAHA!" Anong nangyayari sa apat na players? Sinasabihan nila ang isa't isa ng hindi magaling? Fuck! Si Just ay isang Great Demon King, si Lessen ay isang jungle beast, may top-tier mid laner at pklmonstermage, pero sinasabihan nila ang isa't isa na hindi magaling?!

Maging ang dalawang host ay natawa din. "Okay, fist bump!" Natatawang saad ni Ms. Phara.

Nag-fist bump ang apat na players bago sila pumunta sa kanila-kanilang match area.

More Chapters