Cherreads

Chapter 3 - Chapter 2. "Outbreak"

Chapter 2. "Outbreak"

"Because you have kept my word about patient endurance, I will keep you from the hour of trial that is coming on the whole world, to try those who dwell on the earth."

Revelation 3:10

Day 1

Date: December 16, 2030

Time: 9:53 AM

Place: Quezon City

Nakalabas na kami ng village, mag-iisang oras na kaming naglalakad. Sa may nauna kasing convenience store ay marami nang nauna, and worst sinarado nila ang pinto. Kasabay naming naglalakad, nagdarasal na sana sa sunod na convenience store ay may stocks pa

Biglang namang nagtabuhan ang marami makita ang isang convenience store. At pagdating nga doo ay nagunahan at nagkagulo ang lahat papasok convenience store. May mga nagtutulakan, naghihilaan at nagkaroon na rin ng pisikalan. Tama nga si Froilan, nangyari nga ang sinabi niya. Napatingin naman ako sa paligid, maingay na nagsisigawan ang maraming taong taga-village habang nagsisiksikan at unahan papasok ng convenience store. May iba naman na naglalakad papunta sa ibang direksyon at hindi na nakipagsiksikan.

"They're all dumb." Napatingin kami sa nagsalita sa tabi namin at kasabay na naglalakad. Napakunot ang noo ko at nagtatakang tiningnan ang isang lalaki, kinulayan ng blonde ang buhok niya, payat na maputi at nakasuot ng puting mahabang damit na parang pang-ospital pero ang kinababahala ko ay ang hawak niyang ArmaLite.

"Krisa," mahinang tawag sa akin ni Froilan at saka nilapit ang bibig niya sa tainga ko. "I know him." Aniya na pinagtaka ko.

"Sino siya?" mahinang tanong ko. Tiningnan ko naman siya at tumango. Dumikit pa sa akin si Froilan at may binulong. Nang marinig ko ang binulong niya at nagulat ako at nanlalaki ang mga matang tiningnan siya. Seryoso ang mukha niya at kita ko rin ang pangamba.

Huminto si Froilan at ganoon din kami ni Aliyah. Nagtataka naman si Aliyah at tiningnan kami.

"Bakit guys?" walang alam na tanong ni Aliyah pero ang tingin namin ni Froilan ay nanatili sa lalaking katabi namin kanina. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang nakatingin pa rin kami sa kanya.

Maglakad ka lang, mauna ka na. Sabi ko sa isip ko.

"Hoy tara na! Ano bang problema?" tawag sa amin ni Aliyah. Inis namin siyang tiningnan ni Froilan. She's so stupid!

"What's wrong?" kinakabahan ako nang marinig ko ulit ang boses ng lalaki. Tiningnan ko siya, he is standing there about a couple of meters from us. He is smiling.

Walang sinoman ang nais na sumagot sa tanong ng lalaki. Tiningnan ko si Froilan, at kita ko rin ang takot sa kanyang mukha at ang namumuong pawis sa kanyang noo.

Muli akong napatingin sa lalaking nasa harap namin nang bigla siyang tumawa ng malakas. Isang tawang nakakatakot. Naalala ko ang bulong kanina ni Froilan tungkol sa lalaking kaharap namin.

"He's a psycho, he killed his entire family a few days ago."

"Damn humans and deads." Malakas na sigaw ng lalaki at saka tumawa pa rin ng malakas. "You're all the same, both humans and zombies!"

Napatingin ako kay Froilan nang maramdaman kong hawakan niya ang kamay ko. Seryoso lang siyang nakatingin sa lalaking baliw sa harap namin. Nagtago naman si Aliyah sa likod ni Froilan na ngayo'y nakahalata na sa nangyayari.

"And I will end this." Sabi ng lalaki saka nilabas ang isang granada. Nanlaki ang mga mata namin ni Froilan at Aliyah. "Goodbye..." sabi ng lalaki saka hinagis ang granada sa may convenience store.

Dali-dali kaming tumakbo palayo nila Froilan at Aliyah at isang malakas na pagsabog ang huli naming narinig. Malakas na apoy ang pumalibot sa buong gusali ng convenience store. Kitang-kita namin ang mga nasusunog at sumisigaw na mga buhay na tao. May ibang tao na kasabay din namin ang sumaklolo pero hindi niya magawang maligtas ang mga nasusunog na tao.

Rinig ko naman mula sa malayo ang tawa ng baliw na lalaking naghagis ng granada. Masama ko siyang tiningnan at saka kumuha ng arrow sa likod ko at nilagay sa bow ko at tinutok sa kanya.

"Krisa! No! What do you think you're doing?" pigil sa akin ni Froilan. Malalim ang aking paghinga habang masamang nakatingin sa baliw na lalaking 'yon at nakatapat sa kanya ang aking pana.

"Krisa, no! You're not a murderer!" paalala ni Froilan and with that, binaba ko ang aking pana.

"I'm sorry..." malungkot na sabi ko at saka tiningnan ang nasusunog na convenience store. Muli kong binalik ang tingin ko sa baliw na lalaki at saktong pagtingin ko ay nakatingin din siya sa akin habang nakangiti, ang creepy ng ngiti.

"Come on, we have to go." Tawag sa akin ni Froilan. Tinitigan ko pa ng masama ang baliw na lalaki bago alisin ang tingin ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Day 1

Date: December 16, 2030

Time: 10:27 AM

Place: Gateway Mall

Narating na namin ang tapat ng mall. Kumpara sa pinanggalingan namin ay wala na kaming nakikitang tao habang palapit sa mall at wala pa rin kaming nakakasalubong na zombie. Napalibot ako ng tingin sa lugar kung nasaan kami. Kakaiba na ang hitsura nito, kakaiba sa hitsura nito dati na maraming taong naglalakad, maingay at malinis. Ngayon ay wala kang makikitang tao, marumi ang paligid at napakatahimik, ibang-iba sa naaalala ko.

"Shall we?" tanong ni Froilan at salitan kaming tiningnan ni Aliyah.

Inilabas ko ang baril ko ganoon din si Froilan habang si Aliyah naman ay hawak ang isang martilyo. Bigla akong napatingin kay Aliyah na may halong inis at pagkadismaya. Anong gagawin niya sa martilyo?

"Really, Aliyah? A hammer?" sarkastikong sabi ko. Napapaisip naman niya akong tiningnan.

"Bakit ba? Wala akong alam gamitin na pang laban sa mga zombie." Pagdadahilan niya. Napaikot na lang ako ng mata sa inis habang si Froilan ay napabungisngis lang.

"Let's go." Sabi ko at naunang maglakad sa kanila.

Nagtago kami ni Froilan sa gilid ng pinto ng mall. Marahan niyang sinilip ang glass door ng mall na medyo tinted. Tumingin siya sa akin at nagthumbs-up. Tumango-tango ako bilang tugon sa senyas niya. Hinawakan niya ng dahan-dahan ang hawakan ng pinto at marahan itong binuksan. Naglakad naman ako palapit sa kanya. Nauna siyang pumasok sa loob at sumunod ako at saka si Aliyah. Pagpasok namin ay iniwan lang na bukas ni Froilan ang pinto ng mall. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Just in case." Mahinang sabi niya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad sa loob mall. Sobrang tahimik ng loob nito. Medyo iba na rin ang amoy ng loob, maalikabok, magulo at makalat. Medyo madilim sa loob ng mall dahil walang kuryente.

"Saan tayo?" tanong ni Froilan.

"We should get our stocks first." Sagot ko na sinang-ayunan naman niya.

"No, hanapin muna natin 'yong record store dito." Angal naman ni Aliyah. Napakunot ako ng noo at inis na tiningnan si Aliyah.

"Aliyah, that's not our priority." Asik ko. Nakita ko namang napasalubong siya ng kilay.

"Sayo hindi, pero sa akin oo!" pabalang na sagot niya. Natahimik na lang ako sa naging asal niya. "Ganito na lang, pumunta na kayo sa supermarket, and I'll go find the record store."

"What? How about your stocks? Lagot ka sa nanay mo kapag wala kang nauwing supplies sa bahay niyo!" saway ko kay Aliyah.

"Girls, lower your voice. We are not sure if there are no zombies here." Froilan reminded.

"Ito," ani Aliyah saka abot sa akin ng bag niya. "Pakilagyan na lang ng kahit anong foods, after ko sa record store, susunod ako agad sa inyo sa supermarket."

Nagkatinginan kami ni Froilan at muli kong tiningnan si Aliyah. Marahan akong tumango at ganon din siya. Tumalikod na si Aliyah at naglakad palayo sa amin ni Froilan.

"Let's go, Krisa." Tawag sa akin ni Froilan.

Dahan-dahan at alerto pa rin kami ni Froilan habang papunta sa supermarket. Habang naglalakad ay nadaanan namin ang isang bookstore. Nagtaka ako nang mapahinto si Froilan at nakatingin sa loob ng bookstore.

"Gusto mo ba ng bagong books?" nakangiting tanong ko at natawa naman siya.

"Huwag na, we need to hurry." Sagot lang niya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"You really love studying." Sabi ko sa kanya, narinig ko naman ang ngisi niya.

"I have to." Maikling sagot lang niya. "Bakit ikaw? You're a medical student, I'm sure you're intelligent."

"Hindi rin." Sabi ko at tiningnan siya. "I was force to take medicine by my parents, and look what happened to me now?"

"But what do you want to take?" tanong niya ulit. Natahimik ako at napatingin sa malayo.

"Engineering din, you're a chemical engineering major right?" Sabi ko at mapait na ngumiti. Natahimik si Froilan. "Pero alam mo, after what happened? I can say na para rin namang engineering ang medicine, it's just that sa engineering pwedeng building, tulay or so on sa medicine naman it's the human body, and the human body is like a building, a bridge, it should be strong."

Napangiti si Froilan at ganoon din ako pero agad na nawala 'yon nang maalala ko ang nangyari ngayon. "Actually, I am doing my study about this zombie virus, I mean how could this thing happen in just a blink of an eye? Did God made the virus to punish us?"

Seryoso kong tiningnan si Froilan nang bigla siyang huminto kaya napahinto rin ako. Tumingin siya sa akin, seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Krisa, alam mo ba na hindi lang ilaw galing sa langit ang nakita natin 100 days ago." Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Huminga siya ng malalim. "There was also a nuclear bomb." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Froilan.

"Do you remember when that light and that explosion happened? The air suddenly thinned." Froilan said.

Napaisip naman ako, if my memory is right, after that light and explosion and some people went missing, may kakaiba sa hangin. I remember that I got a wet towel that time because I can't take to breathe the air and I hid inside the shower room.

"I remember." Sabi ko kay Froilan.

"And I think, that explosion has something to do with the virus." Sabi ni Froilan. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Natahimik kaming dalawa. I got his point, but there is a lot of thing that are unexplained.

Nakarating na kami sa supermarket, agad kaming kumuha ng mga kailangan namin. Si Froilan na rin ang nagdala ng bag ni Aliyah. Nang makuha na namin ang mga dapat naming kunin at halos mapuno na ang bag ay nagkita na namin sa tapat ng supermarket.

"Ay wait!" Paalam ko kay Froilan at dali-daling hinanap kung saan ang sanitary napkin. Sa may food area lang kasi kami ni Froilan pumunta. Nang makita ko ang sanitary napkin ay kumuha ako agad at nilagay sa bag ko pero paglagay ko nito sa bag ko nakarinig ako ng yapak sa bandang gilid ko.

Agad kong tiningnan at nanlaki ang mga mata ko nang makakita ng isang zombie na papalapit sa akin. Mayroon? Mayroong zombie dito sa loob. Tiningnan ko lang ang zombie na papalapit sa akin habang nakatutok dito ang baril ko. Pero kung babarilin ko siya ay gagawa ito ng ingay, and if there is one here, I know for sure na hindi ito isa dito.

Huminga ako ng malalim at nilagay ang baril sa lalagyan at kinuha ang kutsilyo ko sa hita. Nang makalapit ang zombie ay agad ko itong sinaksak sa gilid ng ulo. Tumalsik pa ang dugo nito sa aking mukha.

Napabuntong-hininga ako nang mapatay ko ang zombie sa harap ko. Dali-dali akong naglakad pabalik ka Froilan. Pagkakita niya sa akin ay nagulat siya sa hitsura ko.

"What happened?" he asked.

"We need to hurry and pick up Aliyah, there was one here, Froilan. At kung may isa dito I'm sure hindi lang yan isa." Sabi ko habang mabilis na naglalakad.

Hinanap agad namin si Aliyah. Hinanap namin kung saan ba ang record store na 'yon banda. Hanggang sa makita namin. Papasok na sana kami ni Froilan ng record store nang mapahinto kami dahil may lumabas.

"Aliyah, thank God! We need—" hindi na natapos ni Froilan ang sasabihin niya nang humarap sa amin si Aliyah. Agad na nabuo ng luha mga mata ko nang makita ko si Aliyah.

"Help..."

More Chapters