Chapter 68: Mga Pagsubok ng Tapang at Pag-ibig
Isang tahimik na umaga sa Cavite, ang hangin ay malamig at may bahid ng amoy ng dagat na nagmumula sa malapit na look. Dumating si Romeo sa kanyang opisina, isang simpleng kwarto sa gusali na pag mamay ari ng gobyerno.
Ang kanyang mga hakbang ay mabigat, na parang may dinadala siyang problema sa kanyang isipan. Pagbukas niya ng pinto, agad niyang nakita sina Abby at Peter na nakaupo sa mga upuan sa harap ng kanyang mesa, naghihintay nang may pag-aalala sa kanilang mga mukha. Ang loob ng opisina ay tahimik, walang ibang maririnig kundi ang tunog ng orasan sa dingding.
Tumayo agad ang dalawa at sumaludo nang may paggalang habang ang kanilang mga kamay ay tuwid at matigas.
"Magandang umaga, Heneral!" sabay nilang bati, ngunit pagkatapos noon, nabigla sila sa nakita.
Hindi maipinta ang kanilang mga mukha sa pag-aalala nang makita ang malaking band-aid sa pisngi ni Romeo, na bahagyang namamaga pa rin. Ang pamumula ng balat sa paligid nito ay nagpapakita ng sakit na naranasan niya.
"Heneral, anong nangyari sa inyo? May umatake ba sa inyo? Bakit hindi niyo agad kami tinawagan?" tanong ni Peter nang may pagkataranta, ang kanyang boses ay mataas at mabilis, na parang takot na takot. Ang kanyang mga mata ay nakapako sa band-aid.
Napabuntong-hininga si Romeo, isang malalim at pagod na hininga na nagpapakita ng kanyang pagod na damdamin. Pinapahinahon niya ang dalawa sa pamamagitan ng pag-angat ng kamay.
"Okay lang ako. Nagkaroon lang kami ng konting hindi pagkakaunawaan ni Adelina," sagot niya nang mahina, ngunit may bahid ng kahihiyan sa kanyang tono.
Nagbalik sa isip niya ang nangyari—ang biglaang halik na hindi niya inaasahan na magagawa niya, at ang malakas na sampal ng dalaga sa kanya.
Nagulat sina Abby at Peter sa nalaman. Si Abby, na palaging inaalala ang kanyang heneral, ay hindi makapaniwala.
"Hindi niyo pwedeng hayaan na gawin sa inyo 'to ng isang babae, Heneral! Wag niyong sabihin na nagpapagulpi kayo sa kanya?" sigaw niya, ang kanyang mukha ay namumula sa galit at pag-aalala.
Para sa kaniya, si Romeo ay isang matapang na sundalo na iginagalang ng lahat, hindi sya dapat sinasaktan ng sinuman, lalo na ng isang babae.
"Walang panggugulpi na nangyari, Abby. Hindi naman siya ganun kasama. At isa pa, ako rin naman ang may kasalanan kung bakit niya ako nasampal," paliwanag ni Romeo habang ang kanyang boses ay matatag ngunit may lambot, na nagpapakita ng kanyang pagtanggap sa sariling pagkakamali.
Nakakaramdam sya ng hiya para sa kanyang ginawa, ngunit ayaw niyang ipakita ito nang lubusan lalo na sa mga kapatid nya.
Biglang nagdabog si Abby, ang kanyang mga paa ay pumadyak nang malakas sa sahig. "Hindi ako makapaniwala na sasaktan ka ng babaeng iyon, Heneral! Dapat humanap kayo ng matinong babae na magiging nobya niyo!" sigaw niya, ang kanyang mga mata ay nagniningas sa selos at pag-aalala.
Agad nyang binanggit ang kapatid nilang si Flora , mas perpektong babae sya para kay Romeo—matulungin, mabait, at hindi sasaktan ang kanyang heneral.
"Wag kang OA, Abby," sagot ni Romeo habang pinipilit na ngumiti, ngunit alam niya kung saan patungo ang usapan nila dahil sa pag banggit ni abby ang pangalan ni flora.
Napabuntong-hininga siya muli, pinapahinto si Abby sa pagsasalita. "Alam ko na kung saan mapupunta 'to. Wag mo nang ipilit si Flora sa akin para maging nobya ko. "
"Ok sige hindi ko na sya ipipilit para sainyo, pero Heneral, nag-aalala lang naman ako sa inyo. Ako parin ang nakakatanda mong kapatid at nasasaktan ako sa nangyayari sayo."
"Alam ko naman na matanda ka na at kahit minsan hindi ka pa nagkaka-girlfriend. Baka lang na aabuso ka ng mga babae," sagot ni Abby, ang kanyang boses ay malambot at puno ng pag-aalala.
Nauunawaan ni romeo kung bakit masyadong nag aalala si abby sa kanya pero hindi nya maiwasan masaktan ng marinig ang sinabi nito na tila ba iniisip ni abby na napakadaling maabuso ng binata ng mga babae.
Umubo si Peter upang makapansin at mapatigil si Abby, ngunit imbes na tumigil, nagtanong siya rito. "Hahayaan mo na lang bang maabuso ang Heneral natin?" Tanong niya kay Peter, ang kanyang mga mata ay nakatingin nang matalim.
"Nagmamalsakit lang ako kay romeo. Teka, Gusto niyo bang kausapin ko siya?" dagdag ni Abby, ang kanyang tono ay determinado.
Umupo si Romeo sa kanyang upuan, ang kahoy nito ay umiingit sa bigat niya.
"Wag na wag niyong gagawin 'yan," sabi niya.
Agad nyang ipinaliwanag na katulad ng sinabi ng mga kapatid, ay matanda na siya para malaman kung naaabuso ba siya o hindi.
"Kasalanan ko ang lahat kaya ako nasaktan. May nagawa akong hindi ko inaasahan na magagawa ko, at sobra na akong kinahihiya kaya ayaw ko nang pag-usapan 'to."
"Ano? Kasalanan niyo kaya niya kayo sinaktan? Teka, hindi kaya may ginawa kayong hindi maganda? Heneral?" tanong ni Peter, ang kanyang mga kilay ay nakaangat sa pagdududa.
Napahakbang si abby paatras habang hindi makapaniwala. " Wag mong sabihin may binalak kayong gawin sa babaeng iyon. "
Biglang napadabog si Romeo sa lamesa, nahihiya syang sinabi na hindi niya ginawa iyon. "Hindi! Wag niyo akong pag-isipan ng masama!" binalaan niya habang ang kanyang mukha ay namumula sa kahihiyan.
Umiling siya, bakas ang pagkailang habang sinasabi sa dalawa: "Bigla ko lang kasing hinalikan si Adelina kaya nya ako nasampal. Pero hinalikan ko lang talaga siya, yun lang ang nangyari. Pero hindi ako nagpaalam kaya siguro nagalit siya." Napapailing si romeo halata sa kanya ang pagkahiya.
Nagulat ang dalawa, hindi makapagsalita sa narinig. Tila ba hindi nila inaasahan ito sa kanilang heneral na palaging seryoso at disiplinado.
Pero nagtaka si Peter dahil alam nilang dalawa na magkasintahan nina romeo at adelina. "Bakit kailangan ka niyang sampalin dahil lang sa halik? Normal naman 'yun sa magkasintahan," tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pagkalito.
Napabuntong-hininga si Romeo at inamin: "Hindi naman talaga kami totoong magkasintahan. Isa lang 'yun kasinungalingan na ginawa namin ni Adelina dahil sa sitwasyon namin." Ang kanyang mga mata ay nakatingin sa mesa, na parang iniiwasan ang mga tingin ng dalawa.
Nagulat si Abby sa inamin ng kapatid at nagtanong: "Bakit naman kayo magpapanggap na magkasintahan?" Ngunit sinagot lang siya ni Romeo na wala siyang balak magpanggap, naipit lang sila sa sitwasyon.
Ikwinento ni Romeo ang tungkol sa relasyon nila ni Adelina—bilang gaming buddies, ang kanilang kasunduan, at kung paano niya gustong makalaro at makasama ito kaya nagkasundo silang magsinungaling sa pamilya ni adelina para hindi ito pagalitan at payagan parin na sumama kay romeo.
Habang nagsasalita siya, ang kanyang boses ay malambot habang nag papaliwanag ngunit nag sisisi sa ginawa nyang biglaang paghalik.
Ilang minuto pa ang lumipas, tila nabunutan ng tinik si Abby sa narinig. Natuwa siya na hindi totoo ang relasyon, at nagparinig kay romeo.
"Mabuti naman at may pag-asa pa si Flora!" Ngunit hindi ito sinang ayunan ni Peter at napangiti habang sinasabi: "Hindi ako sigurado, Abby. Kung kaibigan lang talaga ang nararamdaman ni romeo sa kanya, bakit naman nya hinalikan ang babaeng iyon?"
Nagulat si Abby at tumingin nang may pagdududa kay Romeo, na ngayon ay umiiwas ng tingin. "Teka, Heneral, bakit niyo nga ba hinalikan ang babaeng iyon?"
Napayuko si Romeo, nauutal. Pinipilit nyang ngumiti habang nagpapaliwanag.
"Normal sa mga tao ang maging padalos-dalos. Minsan nadadala tayo ng emosyon at hindi na naiisip kung tama o mali ba ang ginagawa natin." Mabilis ang tibok ng kanyang puso habang naaalala ang init ng sandali, ang biglaang atraksyon.
Nagdabog si Abby sa mesa. "Hindi! Alam ko na hindi nyo kasalanan ang nangyari, Heneral! Baka inaakit lang kayo ng babaeng iyon!" Galit niyang sabi.
"Walang pang-aakit na nangyari! Kasalanan ko talaga 'yun, tigilan mo na ang pag-iisip ng masama tungkol kay Adelina. Mabuti siyang tao," sagot ni Romeo, kinuha ang mga folder at sinimulan magbasa. " At nasa trabaho tayo diba? Mag-focus kayo sa assignment nyo."
Lumipas ang buong araw nya sa opisina sa pag aasikaso ng mga ulat at pagpa plano. Samantala, sa bahay, kagaya ng nakagawian, nagluluto si Adelina ng hapunan para sa pamilya nya at kay Romeo.
Sa loob ng kusina, kung saan napupuno ng amoy ng mga lutong ulam—adobo, prito at kanin. Habang ginagawa niya ito, biglang lumapit ang kapatid nyang si Aries upang tikman.
Nagalit si Adelina sa kanya at hinampas ang kamay niya. "Hindi ka ba marunong maghintay? Kay Romeo 'yan, wag mong kakainin!" sigaw niya, ang kanyang mukha ay namumula sa inis.
Nagtaka naman si Aries at nagalit din. "Bakit nauna mo pang inihahanda ang pagkain niya kesa sa hapunan ng pamilya?" tanong niya, ang kanyang tono ay puno ng pagdududa.
Napailing si Adelina. "Siya ang gumagastos para sa atin, nararapat lang unahin ko siya."
Pumapasok sa isip nya na mas magugustuhan ni romeo ang dalaga kung palaging espesyal ang kanyang ihahanda para dito, gusto nya rin masiguro na makakakaun ito ng maayos dahil mukha lagi itong oagod tuwing uuwi sa trabaho.
Puno ng pagdududa ang tingin ni Aries. "Mula nung tumira tayo dito, nagbago ka na. Sumisipag ka sa pagluluto, umaarte ka na parang mag-asawa na talaga kayo ni Kuya Romeo." Namula ang pisngi ni Adelina at muling hinampas ang kamay niya sa pagkain ng hotdog. "Sinabi ko na, hindi para sa'yo 'yan!"
Ilang oras ang lumipas, habang nanonood sa sala ng TV na nagpapakita ng mga balita tungkol sa politika—biglang may natanggap na mensahe si Adelina mula kay Ate Mara.
Nabasa niya ito, at hindi maipinta ang mukha niya sa takot. Nanginginig ang kanyang mga kamay ng mabasa ito, ayos sa kanyang ate ay nasa hospital ang kanyang Ate Aira at nag-aagaw-buhay.
Nanlambot ang kanyang tuhod pero kahit na natataranta, agad siyang pumunta sa hospital, ilang minuto lang ang layo mula sa condo.
Pagdating, naabutan niya ang dalawang ate nila na umiiyak sa gilid ng emergency room. Hindi nya maipaliwanag sa sarili kung ano ang nararamdaman nyang takot ng mga iras na iyon. Nanghihina sya pero alam nya dapat syang magpakatatag.
Agad nyang nilapitan ang mga ito at niyakap, nagsimulang tumulo ang kanyang luha habang nakikita ang ntatarantang mga nurse sa loob ng operating room para gamutin ang kanyang ate.
Naikwento ng mga ate nila ang pananambang na naganap, isang sasakyan ang bumangga sa kanila at binaril ang jeep, kasamaang palad isa sa tinamaan si Aira. Wala silang ideya kung sino ang mastermind dahil namatay ang suspect, ngunit malakas ang kutob na may kinalaman ito sa kaso laban kay Don Felidemo.
Kinabukasan, nalaman nila na nakalaya si Don Felidemo at ang ibang honorary Spaniards. Nanginig sa takot ang mga kapatid ni Adelina. Pumayag silang tumestigo laban kay don felidemo para makapag piyansa, pumayag silang isiwalat ang ilegal na negosyo nito, ngunit ngayong malaya na ito ay alam nila na nanganganib ang buhay nila.
Napuno ng galit si Adelina ng maisip na tinangkang patayin ng mga kastila ang kanyang kapatid.
"Poprotektahan ko kayo kahit anong mangyari!" isinumpa niya sa harap ng mga kapatid, ang kanyang mga mata ay nagniningas sa poot.
Dahil comatose si Aira, namalagi sila sa hospital. Humingi naman ng tawad si Romeo sa nangyari at nangako na bibisita sa hospital pagkatapos ng trabaho.
Kinagabihan, kahit abala ay nagawang makabisita si Romeo. Naabutan niya si Adelina na natutulog, hawak ang kamay ni Aira.
Napakatahimik ng buong kwarto, maliban sa beep ng monitor. Bakas sa mukha ni Romeo ang kalungkutan at pagkadismaya sa sarili—pakiramdam niya ay kasalanan niya ito dahil pinahuli niya si Don Felidemo. Nakayukom ang kanyang mga kamao sa sobrang galit.
Nagising si Adelina ng maramdaman na may taong pumasok sa pinto. "Romeo, mabuti naman at nakarating ka na," sabi niya nang mahina, ang kanyang mga mata ay namamaga sa pag-iyak.
"Kamusta siya? Ano ang lagay niya?" tanong ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala.
"Wala na raw sa panganib, pero binabantayan pa sya para malaman kung ano ang kalagayan ng katawan nya lalo na maraming dugo ang nawala sa kanya," paliwanag ni Adelina.
Ikang saglit pa ay biglang napaluha siya, nanginginig ang mga kamay. "Natatakot ako, akala ko mawawala na si Ate Aira sa amin."
Hinawakan niya ang damit ni Romeo, nagmamakaawa. "Tulungan mo siya, please. Babayaran ko lahat ng utang ko, basta mailigtas mo lang siya. Si Ate Aira ang tumayong nakakatanda saamin. Pinoprotektahan niya kami palagi, marami pa siyang pangarap para sa amin. Ayokong mawala siya."
" Nakiki usap ako sayo, iligtas mo ang ate ko. " Naluluha nito pag mamakaawa.
Halos madurog ang puso ni Romeo habang nakikita ang pagmamakaawa sa kanya ni adelina. Napasandal ang ulo ng dalaga sa dibdib ni romeo habang umiiyak ito.
Wala syang magawa kundi pakinggan lang ito at humingi ng tawad. "Masyadong makapangyarihan si Felidemo. Marami siyang koneksyon, kaya nakalaya siya."
"Magiging mapanganib ang susunod na mangyayari. Libo-libo ang private army niya, hindi na kayo magiging ligtas sa Kawit." Hinawakan niya ang ulo ni Adelina. "Gagawin ko ang lahat para mapangalagaan kayo."
Galit na galit si Romeo. "Pagbabayaran nila 'to." Agad syang nag paalam kay adelina para asikasuhin ang mga bagay bagay.
Nag-alala naman si Adelina ng makita ang galit nitong reaksyon. "Teka, anong balak mo? Wag mong ipapahamak ang sarili mo!"
"Hindi mo kailangan mag-alala. Isa akong sundalo, kaya kong pangalagaan ang sarili ko." "Bukas, darating ang tauhan ko para ihatid kayo sa Batangas."
Kinabukasan, inilipat sila sa Batangas kasama ang lola, isa itong malaking mansion, na halos may apat na hektarya laki ng bakuran. Ilang oras pa, napanood nila sa balita ang sunog sa Kawit, nasunig ang gusali na tinitirahan ng mga tauhan ni Felidemo, at kutob nila na sinunog ito para patayin ang mga tetestigo laban sa mga negosyanteng Kastila.
Nabago bigla ang masayang pamilya ni adelina, nababalot sila sa matinding takot lalo na ang mga nakakabatang kapatid nito. Galit na galit naman si Adelina habang isinusumpa ang mga Kastila.
Habang nakatayo sa itaas ng bubong ng mansion, dumaan ang malakas na hangin kasabay ng unti unting paglabas ng asul na enerhiya sa katawan ni adelina.
Sumasayaw ang asul na kuryente sa braso nya habang nanlilisik ang mga mata. Nagbabago ang anyo nya bilang ang sugo ng kawit na si Indang.
"Matitikman ninyong lahat ang galit ko." Naglaho siya bigla kasabay ng hangin.
Ilang oras lang ang lumipas, sa isa sa mga bahay ni Don Felidemo sa Kawit, naging bantay-sarado ito ng mga gwardiya na armado ng mga mahahabang barik.
Ikang saglit pa ay biglang lumapag si Indang mula sa langit, ikinabigla ng mga bantay ang biglaang pagsulpot nito. Nakayuko lang siya at dahan dahang tumatayo.
"Hoy, sino ka? Anong pakay mo dito?" sigaw ng isa sa mga bantay.
"Ilabas niyo ang hayop niyong boss! Kung hindi, papatayin ko kayong lahat!" galit na sagot ni Indang, ang kanyang boses ay umuugong na parang kidlat.
Nagsimula syang maghanap at wasakin ang mga oag aari ni felidemo pero hindi niya natagpuan ang hinahanao nya sa mga bahay at negosyo na pag mamay ari nito. Pinatulog na lang niya ang mga tauhan at sinunog ang mga mansyon bilang ganti, nangangalit ang apoy at sumasayaw habang tinutupok ang mga kagamitan.
Kinagabihan, umuwi si Romeo sa mansion. Kinausap nya ang pamilya ni adelina at humingi ng pasensya. "Hindi ko kayo nasamahan sa paglilipat, pero pangako ko na hanggat nandito kayo sa bahay ko ay pangangalagaan ko kayo . May bodyguards kayo at bawal na muna kayo lumabas ng hindi nag papaalam."
"Hindi ko alam hanggang kailan, pero asikasuhin ko agad ang kaso kay Felidemo. Nagsisikap akong maibalik siya sa kulungan gayunpaman maraming makapangyarihan ang pumoprotekta sa kanya."
Hinawakan niya ang nanginginig na kamay ni Aries. "Wag matakot aries. Hangga't nasa pangangalaga ko kayo, walang mananakit sa inyo." Yumakap si Aries habang umiiyak. "Ingatan mo ang mga kapatid ko, please kuya Romeo."
Pinuntahan ni Romeo si Adelina sa kwarto—malaki ito, may malambot na kama at bintana na nakaharap sa hardin.
Nagulat siya sa pagpasok ng binata sa kwarto.
"Pasensya na kung pumasok ako. Napansin ko iniiwasan mo ako. Galit ka ba sa akin? Gusto lang kitang makausap," sabi niya, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala.
Napailing si Adelina. "Hindi kita iniiwasan. Pagod lang ako, wala sa mood dahil sa nangyari. At isa pa wala naman akong karapatang magalit dahil tinutulungan mo kami." Sagot nito.
Sinubukang lumapit si Romeo sa kanya, ngunit napalakad paatras si Adelina na tila gustong dumistansya, tensiyonado syang nakiki usap dito. "Sandali, wag kang lumapit. Pwede mo akong kausapin kahit malayo ka."
Napahinto si romeo sa paki usap nito. " Bakit ba masyado kang tensyunado? Iniisip mo ba na pumasok ako dito para halikan ka ulit?" tanong niya, may ngiti.
Namula si Adelina, umamba ng suntok. "A-an-ano? Pwede ba wag mong ipaalala yung bagay na yun, gusto mo bang sapakin kita ulit?"
Ngumiti lang si Romeo. "Ayokong nagiging bayolente ka, pero natutuwa ako na nagpapakita ka ulit ng tapang. Ang katapangan mo ang kinakapitan ng mga kapatid mo.kaya dapat kang maging matatag. "
Napayuko naman si Adelina at tila may iniisip.
"Hindi maaalis ang takot ko hanggat nakakalaya parin ang demonyong si Felidemo. Natatakot ako para sa pamilya ko," sagot niya, ang boses ay nanginginig.
Naikwento bigla ni Romeo ang mga kapatid niya—inamin nya na mga sundalo rin ang mga ito, matapang sa labanan ngunit nakakaramdam din ng takot.
"Nagpapangap akong matapang para sa kanila. Tuwing nalalagay sa peligro ang buhay ko, natatakot akong mamatay, dahil kailangan kong mabuhay para sa kanila at tuparin ang pangako ko sa kanila."
Tumingin siya kay Adelina. "Katulad mo, dapat ikaw ang pinanggagalingan ng tapang ng kapatid mo."
Ibinigay niya ang kahon ng baril, ito ay isang espesyal na sandata, may kristal ang mga bala nito na gawa sa enerhiya ng diwata, kayang saktan kahit ang mga may kapangyarihan ng kalikasan.
"Gusto mong ipagamit sa akin 'to? Pero Babae ako!" sigaw ni Adelina.
Natawa si Romeo. "Hindi bagay sa tomboy mo ang mag-inarte at maging mahinhin na para bang hindi mo kayang humawak ng baril. At isa pa para sa proteksyon niyo 'to."
Kahit na nagpaliwanag ito ay hindi tinanggap ni adelina ang binibigay ng binata na baril. Sa pag-abot ni adelina para ibalik ito sa binata, hinila siya ni Romeo ng may pwersa dahilan para napatihaya sila sa kama, dinaganan siya ni romeo, hawak ang mga kamay niya upang hindi makakilos.
"Teka, anong ginagawa mo? Bitawan mo ako!" sigaw niya habang kinakabahan, mabilis ang tibok ng puso nya dahil sa takot at atraksyon.
"Ayokong mapahamak ka. Tanggapin mo na ang baril," seryoso niyang sabi, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala.
"Hindi ko kayo kayang bantayan buong araw. Mas mapapanatag ako kung tatanggapin mo 'to." Dagdag ni romeo.
"Tama na, nagiging pabigat na ako para sa'yo, hindi mo naman kailngan gawin pa ang mga bagay na ito para saakin. " sagot niya.
"Pero gusto ko itong gawin, nag-aalala ako sa'yo ng sobra dahil gusto kita," inamin niya habang ang boses ay malalim.
Namula si Adelina dahil sa narinig sa binata, sa taranta nya ay nagawa nyang itinulak si romeo hanggang mahulog sa sahig.
Nabaliktad ang sitwasyon nila dahil ngayon, siya ang nakadagan kay Romeo.
"Kaya ko ang sarili ko, wag mo akong minamaliit!"
"Pambihira, ang lakas mo nga," sabi ni Romeo habang napapabilib sa pinakitang lakas ng dalaga.
Dahil sa ingay ng pagtatalo nila, agad na pumasok ang mga kapatid ni adelina para alamin ang nangyayari, naabutan nila ang posisyon ng dalawa at hindi makapaniwala.
Halos ilang segundo rin nagkatitigan ang mga ito at hindi nagsasalita. "Magpapaliwanag ako!" sigaw ni Adelina, natataranta.
Kasabay ng pagsasalita ni adelina ay aagad na isinara nila ang pinto. Sinubukan niyang sundan ang mga kapatid nya para paliwanagan ngunit hinila siya ni Romeo pahiga muli sa lapag.
"Mas importante ang pinag uusapan natin. Tanggapin mo na ang baril."
Namula si adelina at hindi makapaniwala sa pagiging agresibo ng binata.
"Oo na, tatanggapin ko na, bitawan mo na ako, " masungit niyang sabi.
Dahil sa oagoayag ni adelina ay agad nyang binitiwan ang dalaga at tumayo.
Ipinaliwanag agad ni Romeo ang tungkol sa pag gamit ng baril,
Hinintay nyang makatayo ang dalaga at muli itong nilapitan. " Ituturo ko sayo kung paano ito gamitin. "
Sinabihan nya ito na mahalaga na marunong ang dalaga na gamitin ito at hindi maaaring magkamali.
hinawakan agad ni romeo ang mga kamay ni adelina mula sa likod na halos yakap nya na ito. . "Mahigpit mong hawakan ito at asintahin ang target gamit ang crosser."
Dahil nararamdaman ni adelina ang init ng katawan ni romeo ay hindi sya makapag konsentrate sa itinuturo sa kanya. Nanginginig ang kamay niya sa tensiyon.
Agad naman itong napansin ni romeo. "Bakit kinakabahan ka, ntatakot ka bang humawak ng baril?" tanong niya.
"Hindi ako sa baril natatakot, kundi sa hawak mo sa akin! " Pakiramdam ko Minamanyak mo ako!" sambit niya.
Napabuntong hininga naman ang binata.
"Paano kita matuturuan kung di kita hahawakan?" sagot niya.
Napangiti naman si romeo na tika may iniisip, nagbiro ito sa dalaga. " Alam mo normal saakin magturo ng pag hawak ng baril pero dahil sa sinasabi mo saakin ngayon binibigyan mo ako ng ideya kung paano kita mayayakap ng libre.
Tinutukan bigla ni adelina ng baril si romeo. "Wag mong susubukan na yakapin ulit ako!"
Naglakad palabas si Romeo. "Tigilan mo ang pagiging praning. Hindi ibig sabihin may gusto ako sa'yo ay palagi na akong may masama balak sayo."
Napangiti si Romeo. " Hindi ko alam na napaka conservative mong tomboy at masyado ring malawak ang imahinasyon . " Dagdag ni romeo.
Kinabukasan, pumasok si Romeo sa trabaho.
Habang nasa kwarto si Adelina, maigi nyang pinagmamasdan ang baril na binigay ni romeo. "Kung ganun totoo ngang sundalo siya, pero sunod sunuran lang din sya sa Kastila. Paano niya lalabanan si Felidemo?."
Napaisip sya na maaaring inilalagay ni romeo sa kapahamakan ang sarili nito dahil lang sa pagtulong nya sa dalaga at hindi mapakali si adelina sa pag iisip ng masama lalo na kung mabaling sa kanya ang galit ni Felidemo at ipapatay si romeo.
"Hindi ko sya pwedeng basta hayaan mapahamak. Paano kung ipapatay sya ni Felidemo? Kakasabi nya lang na gusto nya ako at kailangan nyang mabuhay para pakasalan ako. " Sambit nya.
Biglang napahinto sya at nabutawan ang baril na hawak ng biglang napansin nya na lumabas mismo sa bibig nya ang mga salita.
Namuka sya at hindi makapaniwala, agad syang tumalon sa kama at dumapa dito habang hiyang hiya sa kanyang iniisip.
" Bakit ko ba naiisip ang mga bagay na katulad nun? Ano bang nangyayari saakin? "
Habang kinikilig at gumugulong sa kama ay hindi nya napansin na nasa dulo na sya dahilan para mahulog sya sa kama.
Dito ay napahinto sya at tumihaya na nakahiga at nakatingin sa kisame.
" Kailangan kong gumawa ng paraan para matapos na ito. "
Ilang oras ang lumipas ay pumunta siya sa base militar sa Cavite bilang si Indang. Madali lang siyang nakapasok gamit ang kanyang kapangyarihan, nagagawa nyang tumalon sa gate.
Nasalubong nya ang ilang sundalo at sinipa para patulugin ito
Sa ikalimang palapag, nakita nya ang opisina ni General Apyong, oinasok nya ito at doon nakita ang naka-wheelchair na heneral, kalmado lang itong nakatitig sa kanya.
"Hindi ko alam bakit ka nandito, pero sana wala kang ginawang masama sa tauhan ko. Marami sa kanila ay Pilipino na kagaya mo," sabi niya.
"Wag kang mag alala wala akong oras para sa kanila. Ikaw ang pakay ko kaya ako nandito," sagot ni Indang, galit.
"Inakala ko na hindi ka mangangahas muli na magpakita dito dahil gusto mo ng payapang buhay, bakit mo sinisira ang kasunduan natin?" tanong ni Apyong.
Lumapit sya sa mesa ni apyong bakas ang pagkairita sa kanyang mukha.
"Pinakawalan niyo si Don Felidemo! Kahit na malakas ang ebidensya na may ilegal syang negosyo, kaya nandito ako para magtanong kung bakit?" sigaw niya habang nagdabog sa mesa.
Napabuntong hininga si aptong at ikinabigla na nagounta si indang para lang sa bagay na iyon. Gayunpaman, inamin nya dito ang sitwasyon nila.
"Hindi namin gusto, pero maraming pulitiko ang pumoprotekta sa kanya at napapasunod ang ilan sa mga opisyal ng mga pulis," paliwanag niya.
"Isinusumpa ko siya! Maraming Pilipino ang nasira ang buhay dahil sa kanya!" galit ni Indang.
Ipinaalala niya ang mga pangako ni Apyong para sa Pilipino at para sa kanya kung totoong seryoso ito sa sinabi nito ay dapat mahuli nila si Felidemo. Maraming beses na itong nabibigo at nadidismaya si indang na muli itong nagiging walang silbi bilang gobernador-heneral ng Cavite.
"Humihingi ako ng tawad sa hindi ko nagawa," sabi ni Apyong habang nakapikit.
"Matagal na akong nagtitiis maniwala sa isang kasinungalingan na kapayapaan pero wala akong maasahan sayo. Kung hindi mo kayang pigilan sila gumawa ng mga krimen ako na lang ang pipigil sa kanila. Papatayin ko silang lahat!" sigaw ni Indang, naglabas ng malakas na aura.
"Ngayon sabihin mo saakin kung nasaan si Felidemo?" tanong niya.
Umiiling si apyong para ipakita ang hindi pag sang-ayon sa hinihiling ng dalaga.
"Hindi ko sasabihin. Walang mabuti idudulot sayo at sa iba ang plano mong yan," sagot ni Apyong.
Ipinaliwanag ni apyong sa dalaga na mas palalalain lang ni indang ang lahat lalo na kapag hinabol sya ng gobyerno. Ipinaalala nya na hindi nya kayang kontrolin ang pwersa militar na nagmumula sa central kaya hindi sya nakakasiguro kung mabubuhay pa ng payapa si indang sa oras na ituring syang terorista ng mga kastila.
" Nauunawaan kita sa gusto mong sabihin at nakikisimpatya sa itong kalungkutan na pinagdadaanan ngunit hindi yan sapat para hayaan ko na pumatay ka at isakripisyo ang buhay ng maraming pulis at sundalo. " Sambit ni apyong.
"Traitor ka talaga! Mas pinili mo pang pangalagaan ang mga hayop na Kastila kesa sa kapwa Pilipino!" sigaw niya.
"Sinusubukan ko ang magagawa ko kay..." hindi pa natatapos sa pagsasalita si apyong ay pinagdabugan siya ni Indang para patahimikin.
" Tama na! Husto na. Kung ayaw mong matapos ang usapan na ito ng payapa .pwes, Pipilitin ko na lang makuha sayo ang sagot gamit ang marahas na paraan. "
Sumabog ang opisina at nagkalat ang mga bato at makapal na usok sa paligid. Ilang sandali pa ay nakalutang si Apyong sa itaas sakay ng kanyang lumulutang na wheelchair, protektado rin sya ng anim na higanteng kamay.
"Hindi mo ako kaaway, indang, paki usap pag isipan mo mabuti ang binabalak mo," sabi niya.
" Patunayan mong kakampi kita, sabihin mo kung nasaan si Felidemo! " Sigaw ni Indang..
Nanahimik lang si apyong at hindi nagbigay ng sagot. Bakas sa kanya ang pag aalinlangan. Alam nya na sa oras na malaman ni indang ang kinaroroonan nito ay mang gugulo ito sa cavite at makakalaban nito ang pwersa ng gobyerno.
" Kung ganun pinipili mong manahimik para pangalagaan sila, Tama. kung ganun magmula ngayon wala ng silbi saakin ang ano mang sasabihin mo, malinaw na ngayon saakin na tuluyan ka ng naging tuta ka ng mga kastila!" Tumalon si Indang,
Nagsimulang umatake ito at sumuntok,agad naman itong sinalag ng mga higanteng mga kamay na gawa sa kapangyarihan ni apyong.
Nagagawa ni indang na matapatan ang mga suntok na ginagawa ng mga higanteng kamay. Labis naman itong kinamangha ni apyong.
" Pambihira, nagagawa nyang tapatan ang atake ng mga sandata ko na halos kasing lakas ng pagbanga ng isang truck.
Gayunpaman hindi kaya ni indang na mabasag ang depensa ni apyong lalo na kapag nagsama sama ang mga ito para bumuo ng harang.
" Magtatago ka na lang ba sa mga yan? " Sigaw ni indang
Nagpawala ng napakalakas na awra si indang na halos magpasindak sa lahat ng sundalong nasa paligid nila.
"Power up, speed up, armor up!" sigaw ni Indang.
Naramdaman ni apyong ang nakakatakot na awra ni indang at alam nyang seryoso na itong aatake sa kanya. Nagbago ulit ng kasuotan si indang katunayan na ginagamit ang pangalawang antas ng sugo state.
Humakbang si indang pasulong at ilang saglit lang sumuntok sya sa hangin. Gumawa ito ng napakalakas na pwersang sumira sa lahat ng tamaan nito at humukay sa kongkretong daan.
Agad naman nakita ni apyong ang atake at bumuo ng napakalaking pader gamit ang napakaraming higanteng kamay.
"Hand of iron!" sagot ni Apyong, dalawampung higanteng kamay na may armor.
Nagawa ng harang na ito na pangalagaan si apyong sa atake ni indang at muling bumalik at pumalibot sa paligid ni apyong.
Alam ni apyong na patikim palang iyon ng kapangyarihan ni indang kaya naman hindi na sya pwedeng magpabaya.
"Sampung minuto. Heneral, Kapag nabuhay ka sa gagawin kong pag atake sa loob ng sampung minuti, tatanggapin ko ang pagdadahilan mo kung bakit hindi mo ako pwedeng tulungan," hamon niya.
Nagsimula ang laban nila, puno ng bilis, at lakas, ang bawat pagsalpok ng kanilang mga atake ay gumagawa ng pagkawasak sa mga gusali at daanan.
Walang magawa ang mga sundalo kundi manuod sa nagaganap na labanan. Unti unting nawawasak ang lugar at niyayanig ng kanilang pwersa ang kalupaan.
Naglabas ng napakalakas na awra si apyong. Naisip nya na hindi sya mananalo kung patuloy lang syang sasalag sa pag atake.
"Simulan na natin ito, bata." Sambit ni apyong
Nababalot naman ng asul na awra si indang kasabay ng mga kuryenteng tila nagsasayaw sa kanyang paligid.
"Mali, tapusin na natin ito, tanda!" Nakangiting sambit ni indang
End of chapter.
