Kabanata 52: ang pagmamahal sa pamilya
Lumipas ang dalawang araw mula sa magulong gabi ng kaarawan ni Flora, at unti-unti na siyang bumalik sa kanyang normal na buhay bilang estudyante sa isang kilalang unibersidad sa Maynila.
Ang mga alaala ng labanan sa City of Dreams ay nanatiling nakatatak sa kanyang isip, at dahil sa kaguluhan at pagkasira ng gusali ay hindi na siya isinama sa bagong misyon ng grupo ni Heneral Romeo.
Sa kabila ng kanyang dating katayuan bilang sundalo at pagiging sugo ng diwata, wala syang nagawa kundi sumunod sa utos ni Romeo na ituon ang kanyang buong atensyon sa pag-aaral.
Para kay Flora, hindi sya komportable sa pagaging ordinaryong estudyante lang sa gitna ng kanyang natatanging kapangyarihan bilang sugo dahil patuloy parin syang binabagabag ng konsensya na tila ba tumatakas sya sa sinumpaang tungkulin sa kanyang diwata at sa pangako sa kanyang heneral na sasama dito sa ano mang laban ngunit wala syang magagawa kundi sumunod sa utos.
Miyerkules ng hapon, pagkatapos ng kanyang klase, nakatayo si Flora sa labas ng gate ng unibersidad, naghihintay ng masasakyan, ang ingay ng mga sasakyan sa kalsada ay humalo sa mga tawanan ng mga kapwa estudyante na naglalakad pauwi.
Sa kabila ng pagod mula sa mahabang araw sa eskwela, may bahid ng ngiti sa kanyang labi, na para bang may hinihintay siyang espesyal na bagay.
Ilang minuto ang lumipas nang biglang may pumaradang motorsiklo sa harap niya. Nakasakay dito ang binatang si Andoy na agad syang binabati, ang kanyang mga mata'y puno ng init at kasiyahan.
"Mabuti naman at hinintay mo ako," sabi niya, ang boses ay puno ng gaan at pag-aalala. Iniabot niya ang isang pink na helmet kay Flora,
"Salamat talaga, at sinundo mo ako,," sagot ni Flora habang isinusuot ang helmet, ang kanyang ngiti ay nagpapakita ng tunay na pasasalamat.
"Alam ko namang busy ka sa trabaho, pero pinuntahan mo pa rin ako." Ang kanyang boses ay puno ng lambing, at ang simpleng galaw ng pag-ayos ng kanyang buhok bago sumakay ay nagbigay ng kakaibang kagaanan sa puso ni Andoy.
" Maliit na bagay, teka, maaga pa para umuwi," sabi ni Andoy habang iniistart ang motorsiklo, ang kanyang mga kamay ay nakapaloob sa bulsa ng kanyang maong.
"Gusto mo bang mag-Starbucks muna? Mag-merienda tayo, para naman makapag-relax ka."
Ngumiti si Flora, ngunit umiling siya na tila may inaalalang bagay. "Hm… nakakapagod maipit sa trapik, 'no? Pwede naman tayong tumambay sa bangketa.
Maraming nagtitinda ng fishball malapit dito," suhestiyon niya, ang kanyang mga mata ay kumikinang sa ideya ng simpleng kasiyahan.
Bakas sa mukha nya ang pagkasabik na makakain ng mga streetfood. Napangiti naman si Andoy, na para bang kinabigla niya ang ganitong sagot.
"Sige, ikaw ang boss," sabi niya habang inaayos ang kanyang motorsiklo.
Sumakay si Flora sa likod, ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa balikat ni Andoy habang pinapaandar niya ang motor. Ang hangin ay humampas sa kanilang mga mukha, dala ang amoy ng usok at ingay ng lungsod, ngunit sa gitna nito, naroon ang kakaibang katahimikan sa pagitan nila—isang sandali ng pagkakaunawaan.
Ilang minuto lang ang lumipas, huminto sila sa isang tindahan ng street food sa gilid ng kalsada. Ang paligid ay puno ng buhay: mga batang tumatakbo, mga matatandang nagtitinda ng kwek-kwek at fishball, at ang usok mula sa maliliit na kariton na nagbibigay ng pamilyar na amoy ng pritong pagkain.
Umupo sila sa isang bangko, hawak ang mga plato ng fishball at isang baso ng malamig na gulaman. Habang kumakain si Flora, napansin ni Andoy ang kanyang ngiti, ang kanyang mga mata'y kumikinang habang dinidilaan ang sauce sa kanyang daliri.
"Bakit ka nakatingin?" tanong ni Flora, biglang nahihiya nang mapansin ang titig ni Andoy.
"May dumi ba sa mukha ko?" dagdag niya, ang kanyang kamay ay agad na humawak sa kanyang pisngi, na para bang natatakot siyang nagmukhang madumi sa harap ng binata.
"Hahaha, wala," sagot ni Andoy, ang kanyang tawa ay malambing at puno ng pagmamahal.
"Natutuwa lang ako na nasasarapan ka sa simpleng pagkain tulad ng fishball. Akala ko, dahil sa isa kang estudyante sa isang sikat na unibersidad ay sanay ka sa mga mamahaling kainan."
Natawa si Flora, ang kanyang tawa ay parang musika sa gitna ng ingay ng kalye. "Grabe ka naman saakin, Andoy, hindi naman ako gano'n. Alam mo, hindi ako talaga ako galing sa mayamang pamilya tulad ng iniisip mo," sabi niya, ang boses ay puno ng katatawanan ngunit may bahid ng pagiging seryoso.
Naisip ni Flora na iniisip ni Andoy na nagmuka sya sa mayamang pamilya dahil lang sa nasa isang unibersidad sya. Napagtanto nya na may kamahalan ang matrikula sa paaralan at hindi biro ang project, activty at iba pang gastos sa Nursing gayunpaman, hindi nya pwedeng aminin kay andoy na isa syang dating sundalo na hindi sanay sa kaginhawaan at lumaki sa luho.
"Ang totoo, ulila na ako. Pero may nag-aalaga sa akin, siya ang nagbabayad ng pag-aaral ko sa unibersidad. Siya rin ang nagbigay ng bahay ko dito. Pero… mas matanda ako sa kanya, kaya parang kapatid ko na rin siya."
Nagulat si Andoy sa kanyang nalaman, ang kanyang mga mata ay lumawak habang pinaproseso ang sinabi ni Flora. "Teka, paano ka naman nya naampon kung mas bata sya sa'yo? At saka, ang mahal mag-aral sa unibersidad na pinapasukan mo. Tiyak mayaman ang nag-aalaga sa'yo," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pagtataka at kuryosidad.
Ngumiti si Flora, ngunit may bahid ng misteryo sa kanyang ekspresyon. "Oo, mayaman siya. Pero hindi ko talaga alam kung gaano siya kayaman. Hindi ko naman tinatanong, at hindi rin kami nag-uusap tungkol sa pera. Basta… malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kaya nga kailangan kong makapasa at makatapos ng nursing, para makabawi ako kahit paano."
"Alam ko namang kaya mo 'yan," sagot ni Andoy, ang kanyang ngiti ay puno ng suporta.
"Alam mo, Flora, natutuwa ako sa'yo. Karamihan sa mga estudyante sa unibersidad na yun, lalo na ang mga itinuring na honorary Spaniard, hindi nakikipag-usap sa mga simpleng tao na katulad ko. Pero ikaw, iba ka. Kahit galing ka sa gano'ng mundo, parang hindi mo inihihiwalay ang sarili mo sa mga tulad namin."
Namula ang pisngi ni Flora, at umiwas siya ng tingin habang nahihiya. "Huy, teka, tingin mo ba matapobre ako?" tanong niya, ang kanyang boses ay may bahid ng protesta ngunit may halong tawa.
"Hahaha, hindi naman!" sagot ni Andoy, ang kanyang tawa ay puno ng kasiyahan.
"Nung una kitang nakita, alam ko na agad na mabuti kang tao. Kaya nga… malaki ang pasasalamat ko na pinayagan mo akong manligaw sa'yo, kahit mahirap lang ako at hindi honorary Spaniard na kagaya mo. " sambit nito.
Pero biglang natigilan si Flora, ang kanyang pisngi ay lalong namula. "Tu-tungkol nga pala sa panliligaw mo…" simula niya, ang kanyang boses ay nahihiya at pautal-utal.
"Alam mo kasi, estudyante pa lang ako...at.. , at ayokong mag-isip ng masama ang guardian ko tungkol sa'kin, malaki ang inaasahan nya saakin at natatakot akong magalit sya kung malalaman nyang may boyfriend ako."
Nalungkot bigla ang ekspresyon ni Andoy, at may bahid ng pag-aalala sa kanyang mga mata.
"Kung ganun, ayaw mo bang ituloy ko ang panliligaw ko sa'yo?" tanong niya, ang boses ay mahina, na para bang natatakot siyang marinig ang sagot.
Agad umiling si Flora, ang kanyang mga kamay ay kumakaway sa harap niya. "Hindi, hindi sa ayaw ko sa ginagawa mo" sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala na baka mali ang naisip ni Andoy sa nasabi nya.
"Ang totoo, sobra akong natutuwa sa mga ginagawa mo para sa'kin. Masaya ako kapag kasama kita. Pero… sa tingin ko kailangan ko munang makatapos ng pag-aaral bago ko isipin ang mag karoon ng boyfriend. Alam mo, importante sa guardian ko na makapagtapos ako, at gusto ko rin patunayang kaya ko 'yon."
Napangiti lang si Andoy, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-unawa. "Ayos lang saakin na maging kaibigan mo lang, walang problema saakin kung maghintay ako kahit gaano katagal. " tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pag-asa.
Nagulat si Flora, at napatingin siya kay Andoy.
"Talaga? Sigurado ka bang kaya mong maghintay?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng hindi makapaniwala.
"Siyempre naman," sagot ni Andoy, ang kanyang ngiti ay puno ng kumpiyansa.
"Inaakala mo bang hindi ako matiyagang tao? Dalawang taon, tatlo, o kahit limang taon—kaya ko 'yan."
Natawa si Flora, ngunit may bahid ng pag-aalala sa kanyang tawa. "Normal sa mga tao ang mainip, Andoy. Baka sa sobrang tagal, maghanap ka na lang ng ibang babae d'yan," sabi niya, ang kanyang tono ay pabiro ngunit may bahid ng takot.
Napakamot ng ulo si Andoy, ang kanyang ngiti ay hindi nawawala. "Naku, Flora, wala akong oras para manligaw ng iba. Busy na busy ako sa trabaho. At isa pa, napakaswerte ko na nakilala kita—napakalambing, mabait, at sobrang ganda. Tanga na ako kung hahanap pa ako ng iba."
Biglang hinawakan ni Flora ang bibig ni Andoy, ang kanyang pisngi ay pulang-pula.
"Huy, pwede ba, wag mong sabihin 'yan sa harap ng mga tao! Nakakahiya!" sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng hiya habang pinapatigil ang binata.
Dahil sa pagtaas ng boses nito ay napatingin sa kanila ang mga tao sa paligid na lalong nagpamula kay Flora. "Anong nakakahiya? Totoo naman!" protesta ni Andoy, ang kanyang tawa ay puno ng kasiyahan.
"Tingnan mo, kahit sila, nakikita nila kung gaano kaganda ang kasama ko."
"Huy, Andoy, kapag hindi ka tumigil, magagalit na talaga ako!" sabi ni Flora, at hinampas niya ng mahina ang braso ng binata.
Pero sa kabila ng kanyang protesta, naroon ang ngiti sa kanyang labi, at ang kanyang puso ay puno ng kakaibang init. Habang nagpapatuloy ang kanilang pagkukuwentuhan, biglang naalala ni Flora ang mga bata sa ampunan.
"Andoy, puntahan natin ang ampunan. Gusto kong dalhan sila ng pagkain," sabi niya, ang kanyang mga mata ay kumikinang sa ideya.
Nag-alala naman si Andoy para sa dalaga. "Teka, Flora, kagagaling mo lang sa eskwela. Hindi ka ba pagod? Baka gusto mo munang magpahinga, alam mo naman na masyadong magulo ang mga bata kapag naglalaro," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala.
Ngumiti si Flora, ang kanyang ekspresyon ay puno ng determinasyon. "Hindi, mas gusto ko talagang makipaglaro sa mga bata kaysa tumambay lang sa dorm at manood ng TV. Sige na, bilihan natin sila ng tinapay bago pumunta."
Kahit na nag aalala ay hindi makatanggi si Andoy dahil sa ngiti ng dalaga at nagkasundo silang bumili ng tinapay bago pumunta sa ampunan. Ilang minuto lang, nakarating na sila sa lugar.
Nauna siyang ibinaba ni Andoy sa gate ng ampunan, at nagpaalam itong magpapark ng motorsiklo sa likod ng gusali. Habang naghihintay, dala-dala ni Flora ang plastic ng tinapay, ang kanyang puso ay puno ng kagalakan sa ideya na makikita niya ang mga bata.
Ngunit pagpasok niya sa loob ng ampunan, natigilan siya. Sa gitna ng mga batang tumatakbo at naglalaro, nakita niya ang isang pamilyar na pigura—isang lalaking nakikipaglaro sa mga bata, ang kanyang itim na buhok at maliit na height ay sapat na para makilala sya ni flora.
"Heneral Romeo?" bulong ni Flora, ang kanyang boses ay puno ng gulat.
Agad niyang tinakpan ang kanyang bibig, naalala na bawal niyang tawagin si Romeo ng "Heneral" sa labas ng kanilang kampo.
Napakunot ang noo ni Romeo nang makita siya, ngunit may bahid ng ngiti sa kanyang labi. "Napakatagal mo namang dumating, Flora," sabi niya, ang kanyang boses ay kalmado ngunit may bahid ng pag-aalala.
"Tatlong oras na akong naghihintay dito." Aligaga si Flora habang lumalapit, ang kanyang puso ay tumitibok nang mabilis.
"Ba-bakit ka nandito, Romeo?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala at kaba. Hindi niya maipaliwanag, ngunit parang may inaasahan siyang masamang balita na maririnig.
"Kuya Romeo," pagtatama ni Romeo, ang kanyang tono ay may bahid ng pagbibiro. ", tandaan mo na ako pa rin ang kuya mo."
"Pero mas matanda nga ako sa'yo, Romeo!" protesta ni Flora, ang kanyang boses ay puno ng pagtutol ngunit may halong tawa.
Napansin ni Romeo ang kaba sa mga mata ni Flora.
"Bakit ba masyado kang tensyonado? May tinatago ka bang iba maliban sa pag sekreto mo sa ampunan na 'to?" tanong niya, ang kanyang boses ay seryoso ngunit may bahid ng pag-aalala.
"A-an-anong ibigmong sabihin. " Natatarantang tanong ni flora.
Biglang hinila ni Flora ang kamay ni Romeo at lumabas sila ng gusali. "Teka, bakit kailangan pa nating lumabas?" tanong ni Romeo, ngunit sinundan niya pa rin ang dalaga.
"Ba-bakit ka nandito? Paano mo nahanap ang lugar na 'to?" tanong ni Flora, ang kanyang boses ay puno ng kaba, na para bang natatakot siyang malaman ni Romeo ang isang bagay na isinesekreto nya sa binata.
Ngumiti si Romeo, ang kanyang ekspresyon ay kalmado. "Pinahanap ko ito sa mga tauhan ko," sagot niya.
Ipinaliwanag niya na nang i-audit ng kanyang sekretarya ang kanyang mga card, napansin nito na may 25,000 pesos na regular na naibibigay sa isang account kada buwan mula sa pera ni Flora kaya naman pinaimbestigahan niya ito.
"Pinaimbestigahan mo talaga ako?" nagulat na tanong ni Flora, ang kanyang boses ay puno ng hindi makapaniwala at bahagyang galit.
"Hindi ko binalak,sadyang naireport lang ito saakin, pero mabalik tayo sa usapan, hindi mo nabanggit na gagastusin mo ang pera ko sa ganitong bagay," sagot ni Romeo, ang kanyang tono ay kalmado ngunit may bahid ng pag-aalala.
"Sabi ko sa'yo, okay lang gastusin mo ang pera ko, pero bakit kailangan mong ibigay ito sa iba?"
Nagpapanik naman si Flora, ang kanyang mga kamay ay kumakaway habang ipinapaliwanag niya. "Hindi ko naman ginagamit ang pera sa masama, Romeo! Sabi mo rin naman na bonus 'yon, kaya ginamit ko sa ampunan. Alam ko namang para sa mabuting bagay napupunta 'yon."
Napabuntong-hininga si Romeo, ang kanyang ekspresyon ay nagpapakita ng bahagyang pagkabigo. "Hindi ako galit sa pagbibigay mo ng pera, Flora. Pero binigay ko sa'yo 'yon para sa'yo—para mag-enjoy ka bilang estudyante sa Maynila, bumili ng gusto mo, o gumala kasama ang mga kaibigan mo. Pero bakit mo ibinibigay lang sa iba?"
Napayuko si Flora, ang kanyang puso ay mabigat. "Pasensya na, Romeo. Hindi ko naman sinasadya na itago sa'yo ang totoo Pero… wala naman akong gagawin sa pera. Kaya naisip ko, mas makabuluhan kung ibibigay ko sa ampunan. Alam ko namang para sa mga bata 'yon."
Hindi agad sumagot si Romeo, ngunit may bahid ng galit sa kanyang mga mata. "Sinabi ko na, wala akong pakialam kung gumastos ka ng pera. Kaya ko 'yang kitain anumang oras. Pero ang gusto ko lang, ay gamitin mo 'yon para sa kapakanan mo, hindi para sa iba."
Napayuko si Flora dahil sa hiya, ang kanyang boses ay mahina. "Alam ko naman 'yon, Romeo. Pero masaya ako na natutulungan ko ang mga bata. Hindi ko kailangan ng mamahaling bagay para maging masaya."
Napabuntong-hininga ulit si Romeo, at naglakad siya palayo, na para bang iniisip ang susunod na sasabihin. Ngunit bigla siyang huminto, at hinampas niya ng mahina ang ulo ni Flora gamit ang isang laruang martilyo mula sa ampunan.
"Ako na ang magbibigay sa kanila simula ngayon," sabi niya, ang kanyang boses ay may bahid ng pagbibiro.
"Kaya gastusin mo na ang pera mo sa tamang paraan."
Nagulat si Flora, ang kanyang mga mata ay lumawak.
"Talaga? Ikaw na ang magbibigay sa ampunan?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pag-asa.
Ngumiti si Romeo habang sinasabi.. "Kung bukal sa loob mo ang ginagawa mo, wala akong magagawa kundi suportahan ka. Willing akong tumulong, basta't masaya ka."
Biglang yumakap si Flora kay Romeo dahil sa sobrang kasiyahan, ang kanyang mga mata ay puno ng pasasalamat. " ang bait mo talaga Romeo, salamat!" sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng tuwa.
"magiging masaya ng mga bata dahil dito!"
Napangiti si Romeo, ngunit may bahid ng pagbibiro sa kanyang ekspresyon. "Masyado kang maswerte dahil good mood ako ngayon. Pero tandaan mo, hindi sa lahat ng oras pagbibigyan kita."
Habang magkayakap sila, biglang dumating si Andoy. "Flora?" tawag niya, ang kanyang boses ay puno ng pagtataka nang makita ang dalaga na nakahawak sa balikat ni Romeo.
Agad napabitaw si Flora, ang kanyang pisngi ay muling namula. "Te-teka, Andoy, mali ang iniisip mo!" sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng kaba.
"Siya si Romeo, ang guardian ko. Siya ang nag-aalaga sa akin at nagpapaaral dito sa Maynila."
Ilang saglit pa ay lumapit si Romeo kay Andoy, ang kanyang mga mata ay sinusuri ang binata mula ulo hanggang paa. Ang tingin niya ay parang isang leon na tinuturing ang isang bagong bisita sa kanyang teritoryo.
Nagsimulang pagpawisan ng malamig si Flora, alam na alam niya na hindi dapat malaman ni Romeo ang tungkol sa panliligaw ni Andoy.
"Ah… Romeo, si Andoy nga pala, kaibigan ko siya," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng kaba.
"Oh, kaibigan?" tanong ni Romeo, ang kanyang tono ay may bahid ng pagdududa.
"Oo, mabait siya at mapagkakatiwalaang kaibigan " dagdag ni Flora, ang kanyang ngiti ay pilit.
"Kasama ko siya sa mga charity works sa ampunan, at siya rin ang naghahatid sa akin pauwi mula sa eskwela."
Tinitigan ni Romeo si Flora, at napansin niya ang kanyang kaba. "Bakit ba masyado kang tensyonado? Magkaibigan lang ba talaga kayo?" tanong niya, ang kanyang boses ay seryoso.
Agad tumango si Flora, at tinapunan niya ng tingin si Andoy, na para bang humihingi ng tulong.
Nahalata ito ni Andoy, kaya sumang-ayon siya. "Oo, magkaibigan kami. Matagal na kaming magkasama sa charity community na tumutulong sa mga mahihirap na Pilipino," sabi niya, ang kanyang boses ay kalmado ngunit may bahid ng kaba.
Ilang segundo na tinitigan lang ni Romeo si Andoy, na para bang sinusuri ang bawat galaw ng binata. Hindi naman mapakali si Flora, ang kanyang puso ay tumitibok nang mabilis.
Para iwasan na magkatensyon ay bigla niyang hinawakan ang braso ni Romeo. "Romeo, hindi masamang tao si Andoy. Hindi mo kailangang titigan siya na para bang may ginawa siyang mali," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pagtatanggol.
Ngumiti si Romeo, ngunit ang kanyang mga mata ay nanatiling matalim. "Bilang guardian mo, kailangan kong siguruhin na ligtas ka at nasa maayos kang kalagayan. Andoy, may oras ka bang sumama sa amin ngayon?"
Nagulat si Flora, ang kanyang mga mata ay lumawak. "Teka, ano?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala.
Ipinaliwanag ni Romeo na ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang nagsisinungaling sa kanya. "Hindi ko kayang pilitin si Flora na magsabi ng totoo, pero gusto ko lang malaman kung magkaibigan nga ba talaga kayo. " sabi niya, ang kanyang tono ay kalmado ngunit may bahid ng babala.
"Teka, Romeo, hindi naman ako nagsisinungaling!" protesta ni Flora, ang kanyang boses ay puno ng pagkabahala.
Naglakad si Romeo palayo, ngunit sinabi niya na hindi niya pinipilit si Andoy na sumama.
"Pero kailangan ko nang isama si Flora para sa isang mahalagang bagay," sabi niya, ang kanyang boses ay seryoso.
"Mahalagang bagay?" tanong ni Flora, ang kanyang mga mata ay puno ng pagtataka.
Agad sumagot namang si Andoy, ang kanyang boses ay puno ng respeto. "Kung hindi makakaabala, sasama ako. Alam ko na mahalaga si Flora sa'yo, at gusto ko ring siguruhin na ligtas siya."
Napangiti naman si Romeo, na para bang nasiyahan sa sagot ni Andoy. "Maganda ang sagot mo," sabi niya habang kinukontak ang kanyang tauhan sa cellphone.
Ilang saglit pa, dumating ang kanyang itim na sasakyan, at pinagbuksan sila ng kanyang mga tauhan. Nagulat si Andoy sa karangyaan ng sasakyan, at napatingin siya kay Flora, na para bang hindi rin makapaniwala sa mga nangyayari.
"Pumasok na kayo, maikli lang ang oras natin," utos ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng awtoridad. Napabuntong-hininga si Flora at sumunod, ang kanyang puso ay puno ng kaba habang sumakay sila sa sasakyan.
Sa loob, tahimik si Romeo, abala sa kanyang cellphone, habang si Flora ay hindi mapakali, natatakot na baka may masabi si Andoy na magpapalala sa sitwasyon.
"Andoy, tama? Gaano katagal mo nang kilala si Flora?" tanong ni Romeo, ang kanyang boses ay kalmado ngunit may bahid ng pagsusuri.
"Huh? Ah… mga isang taon na rin siguro," sagot ni Andoy, ang kanyang boses ay may bahid ng kaba.
"Pero mula nang lumipat siya sa dorm, palagi ko na siyang nakikita dahil sa sideline ko bilang delivery boy ng tubig."
Biglang sumingit si Flora, ang kanyang boses ay puno ng pagmamalaki. "Nag-aaral si Andoy ng vocational, at kapag free time niya, kung anu-anong trabaho ang pinapasok niya. Masipag siya, at pinagkakatiwalaan siya sa lugar namin."
Binanggit niya rin na si Andoy ang nagtatag ng community para sa kawanggawa, at pinagmalaki na bihira na ang mga lalaking tulad niya na hindi nakakalimot tumulong kahit busy.
Ngunit biglang natigilan si Flora nang magsalita si Romeo. "Flora, ikaw ba ang tagapagsalita niya? Bakit ikaw ang sumasagot sa tanong ko?" tanong ni Romeo, ang kanyang tono ay may bahid ng pagbibiro ngunit seryoso.
Hindi makasagot si Flora, ang kanyang mga mata ay puno ng takot. Isa sa kanyang kinatatakutan ay ang malaman ni Romeo na palagi silang magkasama ni Andoy.
"Pasensya na…" bulong niya, ang kanyang boses ay mahina.
"Tatapatin ko na kayo," sabi ni Romeo, ang kanyang boses ay seryoso. "Wala akong pakialam kung ano ang trabaho mo, Andoy, o kung gaano ka matulungin sa iba. Gusto ko lang malaman kung totoong magkaibigan kayo ni Flora."
Ipinaliwanag niya na gusto niyang makakilala si Flora ng mga totoong kaibigan, ngunit nag-aalala siya na baka inaabuso ang kabaitan ng dalaga. "Nainis ako nang malaman ko na nagbibigay siya ng pera sa ampunan imbes na gastusin ito para sa sarili niya. May hinala ako na baka may mga taong umaabuso sa kanya para magbigay ng pera."
Hindi makapaniwala si Andoy sa narinig. "Teka, nagbibigay ka ng pera sa ampunan?" tanong niya kay Flora, ang kanyang boses ay puno ng gulat.
"Oo," sagot ni Flora, ang kanyang boses ay mahina.
"Nalaman ko kasi na walang nagbibigay ng donasyon para sa pag-aaral ng mga bata, kaya ibinigay ko ang kalahati ng allowance ko."
Pinilit ni Flora na kusang-loob niya itong ginawa, at walang pumilit sa kanya. "Alam ko ang limitasyon ko, Romeo. Hindi ako inaabuso ng mga tao," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng determinasyon.
Napabuntong-hininga si Andoy, at humingi siya ng paumanhin. "Wala akong alam sa pagbibigay ng pera ni Flora. Pero maraming tinutulungan si Flora, at hindi ko rin sigurado kung sino-sino ang mga nakakausap niya," sabi niya kay Romeo.
Ngumiti si Romeo, ngunit ang kanyang mga mata ay nanatiling matalim. "Pagpasensyahan mo na ako, Andoy. Para kasi sa akin, parang nakababatang kapatid ko na si Flora. Ayokong niloloko siya ng iba."
Sumingit si Flora, ang kanyang boses ay puno ng pagtatanggol. "Hindi na ako bata, hindi naman ako basta magpapaloko, Romeo! Alam ko kung sino ang dapat tulungan at kung sino ang umaabuso sa kabaitan ko."
Tumingin si Romeo kay Andoy, ang kanyang boses ay seryoso. "Alam ko na may mga Pilipinong hindi lubusang nauunawaan ang kahalagahan ng pagiging honorary Spaniard. Minsan, galit sila sa amin at gumagawa ng masama laban sa amin."
"Tatapatin na kita, isa ka ba sa mga galit sa mga tulad namin? "
Nagalit bigla si Flora, ang kanyang boses ay puno ng protesta.
"Bakit ka ba nagsasalita ng ganyan? Sabi ko na, hindi masamang tao si Andoy, nakakahiya sa kanya ang mga sinasabi mo!"
"Hindi ako pinanganak kahapon para hindi maisip na maaaring manganib ang pamilya ko kapag kasama ang mga Pilipinong hindi lubusang nakakaunawa sa sitwasyon sa bansa," sagot ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng awtoridad.
"Paki-usap, wag mo siyang pagsalitaan ng ganyan!" sabi ni Flora, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala.
Ngunit biglang nagsalita si Andoy, ang kanyang ngiti ay kalmado. "Ayos lang saakin, Flora. Naiintindihan ko ang sinasabi ni Romeo, at hindi ko 'yon kinakasama ng loob."
Ipinaliwanag ni Andoy na galit din siya sa mga honorary Spaniard dahil sa diskriminasyong naranasan niya. "Karamihan sa mga nakakasalamuha kong katulad nyo ay mga matapobre.
Sa lugar namin, palagi kaming pinagsasalitaan ng masama, lalo na kapag hindi kami makabayad ng upa sa tamang oras. Nakakagalit kung paano nila kami ituring dahil lang sa mahirap kami."
Ngumiti siya kay Flora, ang kanyang mga mata ay puno ng init. "Pero nung nakilala kita, Flora, nagulat ako. Nakipag usap at pinakisamahan mo ako bilang kapwa tao. Tuwing magde-deliver ako ng tubig sa'yo, lalabas ka para iabot ang bayad at babatiin mo ako ng ngiti. Sa totoo lang Bihira ko iyon maranasan sa iba."
Tumingin siya kay Romeo, ang kanyang boses ay puno ng sinseridad. "Marahil galit ako sa mga honorary Spaniard, pero alam ko na hindi lahat masama. Pinatunayan 'yon ni Flora. Kaya wala kang dapat ikabahala, Romeo. Wala akong balak na masama kay Flora at dahil doon nais ko syang tulungan at suportahan."
Ngumiti si Romeo sa mga narinig na para bang nasiyahan sa sagot ni Andoy. "Naunawaan ko ang dahilan ng galit mo. Ang totoo, wala rin namang magagawa ang mga honorary Spaniard. Masyadong mapagmalaki ang mga kastila at ayaw nilang makisalamuha sa mga mahihirap na Pilipino."
Ipinaliwanag niya na kapag nalaman ng mga Kastila na nakikisalamuha ang isang honorary Spaniard sa mga Pilipino, ay hindi nila ito nagugustuhan.
"Kahit mayayaman kami, hawak pa rin ng mga Kastila ang kontrol sa negosyo, pulitika, at awtoridad. Kaya wala kaming magagawa kundi sundin ang gusto nila."
Nag-alala si Andoy, at tinanong niya si Flora. "Kung ganun, mapapahamak ba si Flora kapag nakipagkaibigan siya sa akin?"
Ngumiti si Romeo. "Iba ang sitwasyon ni Flora. Inampon ko siya, at lumaki siyang hiwalay sa sistema ng lungsod. Kaya nga wala siyang alam sa mga ganitong bagay. Pero kaya ko siyang protektahan sa magtatangkang umapi sa kanya, maging Kastila man o Pilipino ang maging kaaway ko. "
"Handa rin akong marumihan ng dugo ang aking mga kamay para lang masigurong ligtas ang pamilya ko. "
Napatitig si Flora kay Romeo, ang kanyang puso ay puno ng pasasalamat ngunit may bahid ng kaba. Alam niya ang bigat ng mga salita ni Romeo, at ang kanyang determinasyon na protektahan siya.
Dahil sa tensyon ay tumahimik ang loob ng sasakyan at hinintay na lang na lumipas ang oras. Ilang minuto pa, bumaba sila sa harap ng isang mall sa Tondo.
Napailing si Flora, ang kanyang ekspresyon ay puno ng pagkadismaya. "Parang alam ko na kung saan tayo pupunta," sabi niya, ang kanyang boses ay may bahid ng protesta.
Naunang naglakad si Romeo, at sinundan sila ni Andoy hanggang makarating sa isang arcade center.
"Nandito na tayo," sabi ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa.
"Ang sabi mo, mahalagang lakad ang pupuntahan natin!" protesta ni Flora, ang kanyang mga mata ay puno ng pagtataka.
Hindi pinansin ni Romeo ang reklamo ni Flora at tinanong si Andoy. "Marunong ka bang maglaro dito?" Napakamot ng ulo si Andoy.
"Minsan lang ako maglaro ng arcade games, kaya hindi ko masasabing magaling ako," sagot niya, ang kanyang boses ay puno ng katatawanan.
Inutusan ni Romeo si Flora na bumili ng maraming token. "Maglalaro tayo buong maghapon," sabi niya, ang kanyang ngiti ay puno ng hamon.
Hindi makapaniwala si Flora sa narinig. "Hindi na talaga kita maintindihan, " bulong niya, ngunit sumunod pa rin siya sa utos nito. Ilang minuto ang lumipas, at naging puno ng tawanan at kompetisyon ang arcade.
Sinubukan nila ang lahat ng laro—mula sa basketball shooting hanggang sa racing games.
Bagamat isang seryosong tao bikang heneral , ay nagpapakita parin sya ng kakaibang kompetitibong espiritu.
Hindi siya sumusuko, at tuwing natatalo siya ni Andoy, agad siyang humihiling ng isa pang laro.
"Nagsinungaling ka ba nung sabihin mong minsan ka lang maglaro?" tanong ni Romeo kay Andoy, ang kanyang boses ay may bahid ng pagdududa ngunit may ngiti sa kanyang labi.
"Hahaha, nung bata ako, madalas ko 'tong laruin," sagot ni Andoy, ang kanyang tawa ay puno ng kasiyahan.
Hindi maiwasang kabahan si Flora habang pinapanood ang dalawa. Alam niya kung gaano kaistrikto at mapride si Romeo. Natatakot siya na baka hindi nito matanggap ang pagkatalo.
"Ano kayang mangyayari kung malaman ni Andoy na ang kalaro niyang tinatalo ngayon ay isang ginagalang milyon-milyong tao at kinatatakutang heneral?" bulong niya sa sarili.
Ngunit habang nagpapatuloy ang laro, napangiti si Flora. Sa kabila ng kanyang kaba, nakita niya ang kakaibang saya sa mga mata ni Romeo at Andoy, para silang mga bata na nag-eenjoy sa mga laro, at iyon ang nagbigay ng kaginhawaan sa kanyang puso.
Pagkatapos ng ilang oras, nagdesisyon silang kumain sa isang fast food. Habang kumakain, nagsalita si Andoy para kausapin si Romeo.
" Nakakagulat na kahit mayaman ka ay kumakain ka pa rin sa fast food."
Ngumiti naman si Flora. "Hindi naman mapili si Romeo sa pagkain pero hindi niya talaga gusto kumkain sa fast food dahil maraming tao. " sagot niya, ang kanyang boses ay puno ng katatawanan.
"Hindi ko rin gusto ang pagkain sa fast food, pero dito paborito 'to ni Flora," sabi ni Romeo.
"Madalas siyang magreklamo na mabagal ang serbisyo sa mga restaurant, kaya dito na lang ako kumakain kapag magkasama kami."
Natawa na lang si Andoy. "Naniniwala na 'kong spoiled si Flora sa iyo," sabi niya, ang kanyang tawa ay puno ng pagbibiro.
"Huy, hindi kaya, may sapat naman akong rason para maging mapili!" protesta ni Flora, ngunit may ngiti sa kanyang labi.
Pagkatapos kumain, ibinaba nila si Andoy sa ampunan para kunin ang kanyang motorsiklo. Magalang siyang nagpaalam kay Flora, at binilinan itong mag-ingat.
Napangiti si Flora, ang kanyang puso ay puno ng pasasalamat sa pag-aalala ni Andoy.
Pagkatapos, dumeretso ang sasakyan ni Romeo sa isang gusali. Sa basement, tahimik si Romeo, abala sa kanyang cellphone.
Ilang minuto ang lumipas ay hindi na nakapagpigil si Flora.
"Heneral, may hinintay ba tayo?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng kuryosidad.
"Alam mo ba na sa gabi, gumagala ang mga daga?" sagot ni Romeo, ang kanyang boses ay misteryoso.
Hindi naunawaan ni Flora ang sinabi ni Romeo, hanggang sa may dumating na kotse sa basement at nag park sa unahan. Ilang saglit pa ay may mga lalaking bumaba, dala ang mga maleta.
Habang nnunuod ay ipinaliwanag ni Romeo na ang mga ito ay mga rebelde na nagtatangkang bumili ng ilegal na armas.
Ang kanyang mga tauhan na ngpanggap na miyembro ng black market ang nagbenta ng armas sa kanila, at sa kabutihang-palad, kumagat ang mga rebelde sa pain.
Nagulat si Flora sa nalaman. "Nandito ba tayo para hulihin sila?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng kaba.
"Hindi, hahayaan natin silang kunin ang mga armas," sagot ni Romeo, ang kanyang boses ay kalmado.
"Pero bakit? Kapag nakuha nila 'yon, tiyak gagamitin nila para sa krimen!" protesta ni Flora.
Ngumiti si Romeo habang sinasabi na.
"Wag kang mag-alala. Tumutakbo ang lahat ayon sa plano."
Ipinaliwanag niya na ang mga kahon ng armas ay may GPS tracker, kaya malalaman nila ang lokasyon ng mga base militar ng mga rebelde.
"Sa ngayon, sinusundan na sila nina Reign at Abby," sabi niya.
"Kung ganun, kaya pala hindi mo sila hinuli agad," sagot ni Flora, ang kanyang boses ay puno ng pag-unawa.
Binanggit ni Romeo na masyadong matalino ang mga rebelde. Gumagamit sila ng mga inosenteng Pilipino para sa kanilang mga operasyon, kapalit ng pera.
"Kung hinuli natin sila kanina, malamang wala tayong makukuhang impormasyon dahil wala naman alam ang mga inuutusan nila sa kung nasaan ang amo nila," sabi niya.
"Nakakasama ng loob na ginagamit nila ang mga inosenteng pilipino para sa masasamang gawain nila," sabi ni Flora, ang kanyang boses ay puno ng kalungkutan.
Tinitigan siya ni Romeo. "Isinama kita dito para makita mo ang sistema ng lungsod. Ginagamit ng mga rebelde ang pera para kumuha ng mga tauhan, at karamihan sa mga ito ay mga mahihirap na Pilipino."
Nangamba si Romeo na maparusahan ang mga inosenteng ito ng kamatayan dahil sa pagtatraydor sa gobyerno. "Dahil sa hirap ng buhay at diskriminasyon, wala silang choice kundi kumapit sa patalim para kumita ng pera," sabi niya.
Nalungkot si Flora sa mga narinig. "Hindi dapat sila maparusahan. Ginagamit lang sila ng mga rebelde," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng awa.
Napabuntong-hininga si Romeo. "Wala tayong kapangyarihan dito sa Maynila, ang viceroy ang magdedesisyon ng kaparusahan nila sa oras na mahuli sila. Si magellan ay isang walang puso tao. Gagawin nya ang lahat basta mabawasan ang problema niya sa mga rebelde, wala siyang pakialam kung inosente man o hindi ang mga hinuhuli nya at pinapatay. "
Biglang tumunog ang cellphone ni Romeo, at sinagot niya ito. Tumawag sa kanya si reign para mag ulat tungkoo sa mga nagaganap ipinaalam na sinusundan na nila ang mga rebelde, na mukhang palabas ng Maynila.
Inutusan ni Romeo ang kanyang mga tauhan na mag-ingat at iwasang makipaglaban, dahil marami sa mga rebelde ay mga sugo ng diwata.
Muli nyang ipinaalala na tanging pag sunod lang sa mga ito ang misyon upang matunton nila ang base militar ng mga rebelde. Pagkatapos ng tawag, inutusan ni Romeo ang kanyang tauhan na iuwi na si Flora.
Napansin ni Flora ang seryosong ekspresyon ni Romeo. "Heneral, ano ba talaga ang misyon mo?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng kuryosidad.
"Classified information 'yan. Hindi pwedeng malaman ng mga sibilyan na tulad mo," sagot ni Romeo, ang kanyang boses ay seryoso.
"Sibilyan? Limang taon akong nagsanay bilang sundalo, at parte pa rin ako ng team mo!" protesta ni Flora. Napabuntong-hininga si Romeo.
"Hindi kita pwedeng isama sa misyon. Isa pa, ayokong magkaroon ng sakit ng ulo."
"Sakit ng ulo? Hindi naman ako sagabal! Madalas nga akong nakakatulong noon!" sagot ni Flora, ang kanyang boses ay puno ng pagtutol.
Tinitigan siya ni Romeo. "Sampung milyong piso ang pinsala sa hotel dahil sa pag sabog, Sino ba ang may kagagawan ng pagkawasak ng itaas na bahagi ng gusali?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng seryosong tono.
Napayuko si Flora, alam na alam niya ang kanyang kasalanan sa nangyaring pagsabog ng gusali. "Hindi ko naman sinasadya 'yon, Heneral," sabi niya, ang kanyang boses ay mahina.
"Nung magising ako, nakita ko na sugatan ka. Hindi ko na naisip na mag ingat pa para lang tulungan ka." mahinang sambit ni flora
" Hindi tama na nagdadahilan ka pa, nakagawa ka ng pagkakamali at dapat lang na makatanggap ka ng parusa. "
Napabuntong-hininga si Romeo. "Hindi ako galit, Flora. Pero kailangan mong mag-isip bago kumilos. Kapag hindi natin pinag-isipan ang mga aksyon natin, maaaring madamay ang mga sibilyan."
"Alam ko 'yon, Heneral. Pangako, hindi na ako magiging padalos-dalos," sabi ni Flora, ang kanyang boses ay puno ng determinasyon.
"Gusto ko lang maging kapaki-pakinabang sa team."
"Hindi kita pwedeng isama, Flora. Mas ligtas ka kung hindi ka sumama. Sundin mo na lang ang utos ko na mag-aral para sa kinabukasan mo," sabi ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng awtoridad.
Nalungkot si Flora sa mga narinig. "Bakit mo ba pinipilit na mag-aral ako? Pumayag lang ako mag-aral ng nursing dahil sinabi mo noon na makakatulong ako sayo," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng kalungkutan.
Inamin ni Flora na nahihirapan siya sa pag-aaral ng medisina. "Hindi ako matalino, Heneral. Pero pinipilit ko dahil gusto kong maging kapaki-pakinabang sa'yo."
Pinagsabihan naman ni Romeo si Flora na wag ng isipin ang mga bagay na iyon dahil hindi importante sa kanya kung mapapakinabangan nya ito o hindi dahil wala syang ibang gusto kundi ang kaligtasan ng dalaga.
Napayuko naman si flora sa mga narinig nito at ioang sandali pa ay naglabas ng saloobin.
" Mula pa pagkabata ay sinusunod na kita dahil akala ko pinagkakatiwalaan mo ako magagawa ko ang ano mang inuutos mo. Pinilit kong gawin lahat kahit mahirap ang training at nakakatakot ang mga misyon para sayo. "
" Yun na mismo ang problema, sobrang nakakatakot ang buhay ng isang sundalo, puno ng pagdurusa at paghihirap at hindi para sayo ang pagiging sundalo. " napailing si romeo habang sinasabihan ito.
" Alam ko naman ang bagay na iyon pero gusto kong sumama sayo, gusto kitang makasama sa laban hanggang sa matupad mo ang pangarap mo para sa bansa. " Seryosong sambit ni flora.
.
Napatahimik si Romeo sandali, ang kanyang mga mata ay puno ng emosyon. " Isa ka sa pinaka mahusay kong sundalo flora, pero higit sa lahat, gusto ko lang maranasan mo ang normal na buhay kagaya ng ibang tao. Gusto ko na kaoag nakapagtapos ka sa pag aaral ay piliin mo ang sarili mong kaligayahan na malayo sa responsibilidad na pinapasan ko."
" Wag mo akong tularan, ayokong maranasan mo ang mga bagay na nararanasan ko. Malaya kang maging maligaya. "
Napayuko si Flora dahil sa kalungkutan , ang kanyang mga mata ay bahagyang basa ng luha. "Nung sinabi mo na gusto mong maranasan ko ang buhay na hindi mo naibigay sa kapatid mo, natuwa ako. Pero… naisip ko na isa akong sugo ng diwata..."
" Higit sa lahat isa na rin akong sundalo ng bansa. Pakiramdam ko, magiging makasarili ako kung pipiliin ko ang normal na buhay na gusto mong piliin ko."
Bago pa makatapos si Flora sa pagsasalita ay pinatigil siya ni Romeo. "Itigil mo yan, Ano naman kung maging makasarili ka? Sino ang huhusga sa'yo kung pipiliin mo ang masayang buhay kesa sa ibang tao?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng emosyon.
"Gusto ko na piliin mo ang landas na gusto mo flora—hindi para sa iba, kundi para sa'yo."
Napatahimik si Flora dahil sa reaksyon na nakita kay romeo, ang kanyang puso ay mabigat. Nauunawaan ni romeo ang nararamdaman nitong kalituhan dahil alam nya na iniisip ng dalaga na may responsibilidad sya sa ibang tao.
Napagtanto ni romeo na tumaas ang kanyang boses kaya naman agad syang napailing at humingi agad ng tawad kay flora. Para sa kanya hindi nya gustong maging misirable ang buhay ni flora dahil sa responsibilidad na papasanin nya bilang isang opisyal ng gobyerno.
"Dalawang taon pa bago ka makatapos ng nursing. Pagkatapos nun, gusto kong mag-usap tayo ulit tungkol sa gusto mo talagang buhay," sabi niya, ang kanyang boses ay mahina ngunit puno ng determinasyon.
"Igagalang ko ang desisyon mo, Flora. Ano man ang piliin mo, handa akong suportahan ka,tumira sa ibang bansa, magtrabaho sa malayo o kahit iwan ang pagiging sundalo." sagot ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng sinseridad.
Napahawak si Flora sa kanyang mga mata, bakas sa mukha nya na pinipigilan nyang maluha. "Hindi ko kayang bayaran ang utang na loob ko sa'yo, Heneral. Kaya gusto kong bumawi sa'yo bilang sundalo mo. Ako ang bunso ng grupo, pero may kakayahan pa rin ako bilang sugo kaya paki usap hayaan mo akong sumama sayo."
Hindi sumagot si Romeo, ngunit sa kanyang isip, hindi nya kayang basta magdesisyon kahit batid nya ang mga sinasabi ni flora tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Alam niya na naging makasarili siya sa pagpili ng landas para kay Flora, ngunit gusto niya lang itong maprotektahan mula sa buhay na puno ng labanan at panganib.
Sa kanyang puso, natatakot siyang mamatay nang hindi naibibigay kay Flora ang payapang buhay na gusto nyang ibigay sa dalaga at hinding hindi yun mangyayari hangat isa itong sundalo.
Alam nya sa sarili na ano mang oras ay maaari syang mamatay dahil sa kanyang trabaho, isang trabaho na puno ng panganib at mabibigat na desisyon na naging sanhi ng kanyang mga kasalanan.
Tumingin sya kay flora at nanindigan sa isip nya na kailangan nyang mapangalagaan ang maamong dalaga na nasa harapan nya laban sa malupit na mundo at mangyayari lang iyon kung magtatagumpay syang gawing payapa ang bansa.
Buo na sa kanyang isipan na gagawin nyang posible ang bagay na iyon kahit ang maging kapalit ay ang buhay ng mga rebeldeng pilipinong pumapatay sa kapayapaan ng bansang pilipinas.
Ilang minuto pa ang lumipas, bumaba si Flora sa sasakyan at nagpaalam kay Romeo. "Salamat, Heneral, dahil naglaan ka ng oras para sa akin kahit busy ka," sabi niya, ang kanyang ngiti ay puno ng pasasalamat.
Ngunit habang nasa ibaba silang dalawa ng sasakyan ay biglang umalis ang sasakyan ni Romeo, at naiwan sila sa labas. " Teka bakit umalis ang sasakyan nyo? "
Hindi pinansin ni romeo ang sinasabi ng dalaga at naglalakad patungo sa kanyang apartment.
"Teka, Heneral, papasok ka sa unit ko?" tanong niya nang makitang papunta si Romeo sa unit nya.
"Nagpadeliver ako ng pizza para sa dinner," sagot ni Romeo, ang kanyang boses ay kalmado.
Pagpasok nila sa apartment, agad na umupo si Romeo sa sofa at nagtanggal ng sapatos.
Nagulat si Flora sa ginawa nito na tila ba magtatagal pa ito sa lugar. "Teka, Heneral, bakit ka nagtatanggal ng polo? Wala ka bang lakad bukas?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng kaba.
"Teka, bakit pakiramdam ko gusto mo akong umalis? Hindi ba ako welcome dito?" tanong ni Romeo, ang kanyang tono ay may bahid ng pagbibiro.
"Hindi naman sa gano'n, pero alas-diyes na ng gabi!" protesta ni Flora, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala.
"Bawal sa dorm na magkasama ang lalaki at babae sa iisang unit ng ganitong oras. At isa pa, babae ako!"
Napabuntong-hininga si Romeo.
"Pwede mo namang sabihing magkapatid tayo kung may magtatanong," sagot niya, ang kanyang boses ay kalmado.
"Hindi lang naman iyon ang problema, Heneral! Kahit sabihin nating magkapatid tayo, hindi naman talaga tayo magkadugo!" sabi ni Flora, ang kanyang pisngi ay pulang-pula sa hiya. Napangiti si Romeo.
"Teka, iniisip mo ba na dahil lalaki ako, may gagawin akong masama sa'yo?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pagbibiro.
"Hindi naman sa gano'n!" protesta ni Flora.
"Pero iba na ngayon, Heneral. Dalaga na ako, at binata ka pa. Ano na lang ang iisipin ng iba, lalo na sina Ate Abby, kung malaman nilang magkasama tayo dito ngayong gabi?"
"Ako na ang magpapaliwanag sa kanila," sagot ni Romeo. "Siguro naman hindi nila iisipin na may nangyayari sa'tin."
Lumapit si Romeo kay Flora, ang kanyang mga mata ay puno ng sinseridad.
"Kung sabagay, nasa edad ka na para mag-alala sa mga ganitong bagay. Pero para sa'kin, Flora, ikaw pa rin ang bunso ng grupo na kilala ko. Kaya tigilan mo na ang pag-aalala dahil hindi ako interesado sa...."
Napatigil sa pagsasalita si romeo ng makita ang reaksyon ng mukha ni flora na tila ba may nasabi syang masama dito.
Napapout si Flora, ang kanyang ekspresyon ay may bahid ng tampo. "Kahit iniisip mo na magkapatid tayo, hindi mo dapat sinasabi na hindi ka interesado sa'kin. Nasasaktan ang pride ko bilang babae!" sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng protesta.
Natigilan si Romeo habang nakikita ang pamumula ng pisngi ni Flora. "Siyempre, bilang lalaki, nagagandahan ako sa'yo, alam mo naman na humahanga ako sa.." sabi niya, ngunit natigilan ulit siya nang makitang tinakpan ni Flora ang kanyang katawan kaya naman hindi nya na itinuloy ang sinasabi nya sa dalaga.
Pakiramdam ni romeo ay wala syang ibang kayang sabihin dahil magagalit at magagalit parin sa kanya ang dalaga.
"Ang hirap intindihin ng mga babae," bulong niya. Alam ni Romeo na naiilang na ito kasama sya hindi kagaya noong bata sila at tanggap nya na hindi nya rin masisisi ito na mag isip ng masama dahil kinakailangan din nito na pangalagaan ang sarili bilang babae, masyado lang syang nagulat sa reaksyon ni flora dahil pati sya na kapatid nya ay pinag iisipan ng masama ng dalaga.
Dahil doon ay biglang binuhat ni Romeo si Flora, na labis nitong ikinagulat. "Te-teka, Heneral, anong ginagawa mo?!" sigaw ni Flora, ang kanyang boses ay puno ng kaba.
Walang pakialam si Romeo sa kanyang pagpupumiglas, at dinala niya si Flora sa kwarto nito. Pagpasok nila ay ibinato niya ito sa kama,
"sandali! Anong balak nyo? "
Agad naman na bumangon si Flora, ang kanyang mga kamay ay nakataas para pigilan si romeo.
"Heneral, anong balak mo sa'kin?!" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng kaba.
"S-sandali he-he-heneral, hindi pa ako handa sa mga ganitong bagay, paki usap bigyan nyo ako ng panahon para ihanda ang puso at isipan ko. "
Habang aligagang nakiki usap ay binato ni Romeo ng unan ang mukha ni Flora. "Wag kang paranoid. Hindi kita gagawan ng masama. Magkahiwalay naman tayo ng kwarto," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pagbibiro.
"At isa pa, may kapangyarihan ka. Kaya mong wasakin ang lugar na 'to kung sakaling pagtangkaan kita."
Napayuko si Flora, ang kanyang boses ay mahina na halos hindi na marinig ni romeo. "Hindi naman sa natatakot ako sa'yo, Heneral. Pero… alam mo na, dalaga na ako at kailangan ko ng Privacy."
Tumalikod si Romeo at lumalabas ng kwarto. "Kung ayaw mong kumain ng pizza, matulog ka na. Itigil mo ang paghihinala mo saakin." Mabilis syang umalis ng kwarto at isinara ang pinto.
Kinabukasan, maaga gumising si Flora para pumasok sa eskwela. Naka-sando lang siya at humihikab habang naglalakad patungo sa kusina at hindi nya inaasahan na maaabutan nyang nakatayo doon si romeo na agad naman na bumati sa kanya.
"Magandang umaga," sambit niya sa dalaga.
Nagulat si Flora, at agad niyang tinakpan ang kanyang katawan bakas ang hiya.
"Heneral Romeo? Ba-bakit nandito ka pa?!" tanong niya, ang kanyang pisngi ay muling namula.
"Ano bang klaseng tanong 'yan? Mag-ayos ka na, baka malate ka sa klase," sagot ni Romeo, ang kanyang ngiti ay puno ng pag-aalala.
Tinakpan ni Flora ang kanyang katawan, ang kanyang boses ay puno ng kaba habang nahihiya. "Teka, wala ka bang lakad ngayon?"
"Marami akong aasikasuhin, pero gusto ko munang ihatid ka sa eskwela para masigurong makakapasok ka," sagot ni Romeo.
" unti lang ang oras ko kaya kumilos ka na." dagdag nito.
Napangiti si Flora, ang kanyang puso ay puno ng pasasalamat ng maisip nya na kahit sa maliliit na bagay ay hindi nakakalimutan ni romeo na ipakita ang kanyang pag aaruga at mag mamahal sa kanya.
" Opo, kayo ang masusunod aking heneral. "
Sa kabila ng mga laban at panganib ng kanilang trabaho at responsibilidad bilang sugo ay handang protektahan at bigyan ng normal na buhay ni Romeo ang dalaga hanggang sa makakaya nito.
End of chapter.
