Ayun sa update ng HoK Esports, sa November 5 hanggang November 21 ang group stage pero sa November 4 ang draw. Mayroong 12 teams na mahahati sa apat na grupo at may tatlong teams bawat isa, BO5 single round-robin ang format at makikitang group stage palang ay mainit na kaagad ang laban. Ibigsabihin, sa apat na group na A, B, C at D, makakalaban ng group A ang group B, C at D, at sa isang group dalawang teams lang ang kukunin kaya may mai-eliminate na isa, dahil single round-robin format ang sino mang matalo sa group stage ay eliminated na kaagad. Hindi ito katulad sa regular season ng PKL na makakalaban nila ay ang mga kagrupo nila at kapag nanalo sila halimbawa sa group C mapopromote sila sa group B, at kapag sila uli ang nakakuha ng mataas na points sa group B, mapopromote sila sa group A, kung matatalo sila ay mahuhulog lang sila at hindi tuluyang mai-eliminate. Hindi nila makakalaban ang ibang groups at tanging mga teams lang na kasama nila sa group ang makakalaban nila, ganun ang ginamit na format ng PKL na request din ng mga fans.
Ngunit sa global competition, single round-robin ang format. Hindi nila makakalaban ang ka-grupo nila bagkus tatlong groups ang makakalaban nila. Mabilis lang ang group stage kapag SRR o single round-robin ang format dahil maglalaban lang ang lahat ng grupo at ang sinong team na may pinakamababang points sa bawat teams ay eliminated na kaagad.
Mabilis na lumipas ang araw at nang magising sila ay November 4 na, ito ang araw kung kailan gaganapin ang draw at malaman nila kung anong group sila. Mamayang 7 p.m pa naman ang simula ng draw pero 6 p.m palang ay naka-live na kaagad ang HoK Esports para sa introduction ng mga host, kasama ang host ng PKL na si Ms. Phara.
Maaga pa pero marami ng fans ang naka-upo sa malapad at pabilog na audience area para suportahan ang kani-kanilang teams, magkakaiba ang upuan ng mga fans ng kanya-kanyang teams at makikita sa row kung saan ang p'westo para sa mga fans ng FTT na halos Honeybam dou ang dala nilang mga merch. May mga Pinoy din na pumunta sa Saudi para i-support sila at hindi rin nila nakalimutang dalhin ang malaking banner ng FTT.
Nasa stage sila ng KWC at makikita sa big screen ang maraming commercial ng gaming gear na commercial din ng mga pro players, pinakita 'rin doon ang commercial ni Jacian ng gaming chair, gaming phone at heart-rate monitoring watch.
Nang isa-isang magsidatingan ang mga teams sa malaking venue, saktong si Jacian ang naka-flash sa big screen para sa kanyang commerical. Lahat sila ay napatingin sa malaking screen nang ipakita doon ang isang maputing lalaki na kulay pink ang buhok. Agaw atensyon iyon nang kunan ng angulo si Jacian sa kanyang side profile habang nakaharap sa gaming phone at humarap siya sa camera para ngumiti. Nang i-flash ang buong mukha ni Jacian sa big screen, maririnig ang malakas na sigawan sa venue, maging ang mga pro players ay napatingin doon at tiningnan ang FTT na patungo sa venue para hanapin ang lalaking naka-flash sa big screen.
"Wew. Pogi!" Saad ni Lucky at tinusok ang tagiliran ni Jacian.
Si Jacian na abala sa pagcecellphone ay nag-angat ng mukha at binigyan si Lucky ng matalim na tingin. Tumawa lang si Lucky.
"Maganda naman talaga ang mukha ni Jacian, ikaw lang din ang may ganyang kutis sa PKL." Ani Blue habang kasabay si Coach Dang.
Jacian: "?"
Naglakad na sila patungo sa pwesto kung nasaan ang kanilang fans at umupo sila sa unahan, lahat ng mga pro players kasama ang kanilang coach o analyst ay nakaupo sa unahan habang nasa likuran nila ang kanilang mga fans.
Pinatay ni Jacian ang kanyang cellphone at nilagay sa bulsa ng kanyang team jacket. Nasa kaliwa nila ang GOT-G at nasa kanan naman nila ang Silence, hindi pa dumadating ang Silence at makikitang kakaunti lang ang nakaupo sa kanilang row para suportahan sila. Bagong establish lang ang Team Silence maging ang mga players ay bago rin kaya hindi pa sila ganun kasikat. Ilang sandali lang din ang makalipas nang dumating narin ang Team Silence at nagkaroon ng mahinang sigawan sa kanilang row.
Nasa unahan si Ning kasama ang kanilang coach suot ang team uniform, wala silang jacket at tanging t-shirt lang na may unique na design. Kausap ni Ning ang coach ng Silence habang patungo sila sa kanilang p'westo, hindi alintana ni Ning ang paligid dahil abala lang ito sa pakikipag-usap at sa daan, maging ang mga fans ay hindi niya binigyan ng atensyon para tingnan kung marami ba iyon o kunti, nakatuon lang ang kanyang atensyon sa kanyang ginagawa na animo'y walang pakialam sa nangyayari sa paligid.
Nang makalapit na sila sa kanilang p'westo saka lang tiningnan ni Ning ang paligid at kaagad nahagip ng kanyang mga mata ang FTT na nasa kanan. Naglakad siya patungo doon ngunit mabilis naman siyang tinanong ng coach kung saan siya pupunta. Napa 'tsk' si Ning at sinabing pupuntahan niya lang ang mga dati niyang kaibigan.
Naglakad na siya patungo doon habang nakangiti. Tiningnan niya si Just na siyang tumayo para salubungin siya.
"Si pogi ba 'to?" Pabirong saad ni Ning at bahagyang niyakap si Just pabalik. Tinapik ni Just ang kanyang balikat bago umupo uli. Binigyan din ni Ning ng fist bump sina Lucky at nakipagbanggaan ng balikat kay Blue at Gem. Nang makita ni Ning si Jacian, bahagya siyang nagulat. "Naalala ko i-ninvite kita sa Team namin pero ni-reject mo ako." Saad ni Ning at nakipag-fist bump kay Jacian. Bahagya naman silang natawa.
"Mm." Sagot ni Jacian.
Makikita ang panghihinayang sa mukha ni Ning. "Kung ikaw ang magiging mid laner namin at magkaroon tayo ng mid/clash dou malaki ang posibilidad na makukuha natin ang world cup. You're 100 times better than our team mid laner. Gustong gusto kitang isali sa team ko, gagawin kitang captain kapag sumali ka." Lintaya ni Ning sa harap ni Jacian at harap mismo ni Just. Tiningnan niya pa si Coach Dang bago ibinalik uli ang tingin kay Jacian. "Tutulungan kitang i-terminate ang contract." Dagdag pa ni Ning.
Coach Dang: "!!!!!!!" Holy shit!
Kilala nila si Ning at si Ning yung tipo ng tao na walang pinapahalagahan maliban sa sarili niyang desisyon, mahirap kunin ang atensyon ni Ning o pahangain ito dahil hindi siya nahihikayat at nakokontrol ng kung sino, kung may gusto siyang isang bagay, gusto niya, kung pipiliin niya pipiliin niya at kung gagawin niya gagawin niya, at walang makakapigil kahit na magtumbahan pa ang mga building sa kanyang harapan. Kaya hindi maiwasan nina Blue, Gem, Lucky at Coach Dang ang hindi magulat dahil sa paulit-ulit na pag-invite nito kay Jacian. Sobrang galing ba ng kanilang mid laner? Bakit desididong kunin ni Ning si Jacian sa team nila?
Lahat sila ay napalingon kay Jacian dahil kanina pa ito tahimik at halatang pinag-iisipan nito ang alok ni Ning. Bahagyang nakaramdam ng kaba si Coach Dang dahil hindi pa nagsasalita si Jacian para sagutin si Ning, hindi ito si Boss, hindi na ito si Boss na walang preno ang bibig, unless interesado ito sa kanyang narinig. Tatanggapin kaya ni Jacian ang alok, bakit hindi pa nito sinasagot si Ning ng balagbag?
Seryusong tiningnan ni Jacian si Ning at tiningnan ang suot nito. "Tutulungan mo akong i-terminate ang contract? Wala nga kayong pampagawa ng team jacket pangterminate pa ng contract." Walang pusong sagot ni Jacian.
Coach Dang: "...."
Si Ning na naka-t shirt lang: "..." Yumuko siya para tingnan ang kanyang t-shirt at hinimas ang logo ng kanilang team na nasa bandang dibdib.
Napailing naman si Blue samantalang napabulalas ng tawa si Lucky.
Tiningnan ulit ni Ning si Jacian. "Actually, may jacket kami pero mainit sa Saudi kaya hindi namin dinala."
Tuluyan nang natawa sina Blue at Gem dahil sa seryusong rason ni Ning, hindi naman sila binigyan ng atensyon ni Ning at itinuon lang ang kanyang atensyon kay Jacian.
Maging si Just na seryusong nag-cecellphone sa tabi ni Jacian ay bahagyang natawa, nag-angat siya ng mukha para tingnan si Ning at hinawakan ang braso nito.
"Bago mo makukuha si Boss, makipag-1v1 ka muna sa akin." Ani Just habang pinipigilan ang kanyang ngiti.
"I surrender." Sagot ni Ning at tinanggal ang kamay ni Just na nakahawak sa kanyang braso.
Samantalang nakahinga naman ng maluwag si Coach Dang, tinanguan niya si Ning nang magpaalam na ito sa kanila at bumalik sa kanilang pwesto. Binalingan niya si Jacian at agad namang tiningnan ni Jacian si Coach Dang nang makitang nakatingin ito sa kanya.
"Akala ko nahikayat ka na ni Ning." Kalmadong saad ni Coach Dang.
"Akala ko rin. Bakit parang nag-isip ka pa? Mahal mo ba ang team natin?" Ani Lucky at humarap kay Jacian.
"Kung hindi ko mahal ang team natin matagal na akong sumali sa Team Silence." Sagot ni Jacian.
"Baka si Cap Tin lang."
Jacian: "..."
Tiningnan siya ni Lucky habang tumataas baba ang kilay. Inaasar siya.
"Baka nga." Sarkastikong sagot ni Jacian.
Lucky: "!!!"
Habang inaasar siya ni Lucky, naagaw ang atensyon nilang lahat sa malakas na sigawan. Kaagad nilang tiningnan ang paligid kung anong nangyayari dahil baka may sunog dahil hindi lang iisang row ang sumigaw, kundi lahat ng fans ng mga teams. Kapag may darating na team halos iisang row lang ang maingay kung saan ang p'westo ng kanilang fans, pero ngayon sobrang lakas ng sigawan na iisipin nilang may sunog.
Kaagad nag-angat ng mukha sina Lucky at Jacian na kanina pa nag-aasaran at halos magkapikonan na, ngunit wala namang sunog o kung ano, kundi ang mga players ng MPG na naglalakad patungo sa p'westo kung nasaan ang kanilang mga fans. Nangunguna si LittlePrince kasama ang kanilang coach at analyst, naka-uniform sila ng blue and white at jacket na walang hood at naka-zip iyon hanggang sa leeg, naka-black pants sila at white shoes.
Agaw atensyon si LittlePrince na siyang pinakamatangkad sa kanila at may pinakamagandang itsura, straight ang kanyang buhok na kulay itim na nahuhulog ang ilang hibla sa harap ng kanyang mga mata, nakangiti siya habang kinakausap ang coach at analyst ngunit maya-maya lang ay sinuklay niya ang kanyang buhok kaya lumabas ang gwapo niyang mukha. Makikita ang maputi at makinis niyang kutis pati narin ang mapula niyang labi. Dahil sa ginawa ni LittlePrince mas lalong lumakas ang sigawan at maging ang ibang fans ng team ay nakisigaw din. Sinisigaw nila ang pangalan ni LittlePrince.
Hindi mabawi ni Lucky ang kanyang paningin kay LittlePrince hanggang sa maka-upo na ito, napailing siya at napapalumbaba.
"Grabe ang gwapo. Gwapo na pro player pa, pano nila nagagawa 'yan?" Tanong ni Lucky.
"Nila?" Nagtatakang tanong ni Jacian.
"Syempre yung isa si Cap Tin." Sagot ni Lucky.
"Mm." Tanging sagot nalang ni Jacian.
Tumikhim naman si Coach Dang para agawin ang kanilang atensyon at tiningnan sila. "Hindi lang gwapo si LittlePrince, mabait din siya. Kung hindi dahil sa kanya nagkaroon na tayo ng isang notice." Ani Coach Dang. Nagtaka naman ang mga players ng FTT kaya nagpatuloy siya. "Kinausap niya ako nung isang araw, siya yung nag-record ng pangyayari doon sa may elevator." Ani Coach Dang.
Kaagad namangha si Lucky. "Ginawa niya yun?" Tanong niya na tinanguan ni Coach Dang.
"Halata namang mabait si LittlePrince." Sang-ayon din ni Blue.
Sa kabilang banda, parehong kumunot ang noo ni Jacian at Just at tiningnan nila ang isa't isa, hindi sila nagsalita at nagpalitan lang ng tingin. Pareho naman silang napalinga sa stage nang mawala ang mga commercial at napalitan ng nakakakabang tunog.
Umakyat sa stage ang tatlong host, isang American host, isang Chinese host at si Ms. Phara. Na-focus sa kanila ang camera nang magsimula na silang magsalita para batiin ang bawat teams, pagkatapos ng mahabang introduction hindi narin pinatagal ng tatlong host at dinala na ng staff ang bilog na salamin sa gitna ng stage.
Nagsimulang bumunot ang American host para sa group A... at FTT ang pinakaunang naubot. Kasama nila ang Team Silence at isa pang team galing CHOKBR region o Brazil Championship.
