Nabitin ang hintuturo ni Jacian at bahagyang napamura.
Fuck!
Hindi niya sinagot ang video call ni Chase at binuksan nalang ang kanyang SweetTalk para doon i-chat. Baka magising din kasi si Just kapag sinagot niya ang tawag, masyado pa namang OA ang reaction ni Chase.
[Just Call Me Boss: ???]
[Chase: Fuck! Hindi mo sinagot ang video call ko?!]
[Just Call Me Boss: Gabi na, baka magising yung katabi ko.]
[Chase: Fine. Congrats! Panalo kayo.>.<]
[Just Call Me Boss: Thanks.]
[Chase: Ililibre kita next week, kapag wala na kaming training.]
[Just Call Me Boss: Okay.]
Tanging sagot lang ni Jacian at pinatay na ang kanyang cellphone, ngunit ilang sandali ang makalipas nang mag-chat ulit si Chase.
[Chase: Sinong katabi mo?]
[Just Call Me Boss: Si Captain.]
5 seconds later...
[Chase: Holy shit!!!]
Hindi na sinagot ni Jacian ang chat ni Chase at tuluyan nang pinatay ang kanyang cellphone. 11 p.m narin at bahagya na siyang nakaramdam ng antok at pagod, nilapag niya ang kanyang cellphone sa mesa ngunit nasa gilid iyon ni Just kaya umangat siya at inunat ang kanyang kamay para ilapag doon. Bahagyang gumalaw si Just ngunit nanatili namang nakapikit ang mga mata nito, yumuko si Jacian at hinalikan ito sa pagitan ng kilay bago siya humiga.
Sa sumunod na araw, tinanghali na sila ng gising at napabalikwas ng bangon nang maalala ang sinabi ni Coach Dang na mayroon silang interview. Sakto namang nag-chat si Coach Dang sa kanilang gc na mamayang 7 p.m pa ang kanilang interview kaya kaagad naman silang nakahinga ng maluwag.
Pumunta silang lahat sa living room nang sabihin ni Coach Dang na bumaba sila para ilagay ang trophy sa estante kasama ang kanilang mga achievement. Nilagay nila ang trophy sa pangalawang palapag mula sa itaas na matagal nang walang laman, para iyon sa domestic championship trophy. Nakapatong naman sa pinakataas ang mas malaking trophy na siyang napanalunan nila sa World championship, iyon ang nakalagay sa pinakataas at sa ibaba naman ay ang iba pa nilang awards na nakuha nila sa tournament.
Pagkatapos nilang ayusin at linisan ang mga trophy, nagpicture-picture sila doon ngunit matapos ang ilang shot sumama ang mukha ni Lucky dahil ang papangit ng mga picture na kinuha niya.
"Ang pangit naman natin d'yan." Reklamo ni Gem matapos makita ang mga pictures nila sa cellphone ni Lucky.
"Okay lang 'yan, ganito yung mga mukha ng pagod para lang makuha yung domestic trophy." Comfort niya sa kanyang mga teammates at pinost iyon sa kanyang account. "Ano kayang caption ko dito? Handang maging haggard makuha ka lang. Tapos picture ng trophy." Ani Lucky.
Binigyan naman siya ni Coach Dang ng makahulugang tingin. "Bilisan mo na, naghihintay ang PKL sa update natin."
"Noted, Coach."
Sa huli, nilagyan lang iyon ni Lucky ng caption na 'For The Throne' at nagpost ng dalawang pictures, picture nila doon sa may estante at picture ng trophy.
Marami kaagad ang nag-react at mga nag-iwan ng comments. Namamanghang nag-scroll si Lucky sa comment section at naglakad para umupo sa sofa.
"Grabe ka Boss, pati yung mga sexy na streamers nag-comment dito sa post ko. Parang ngayon lang sila dito ah." Saad ni Lucky.
"Anong sabi?" Tanong ni Gem.
Isa isa namang binasa ni Lucky yung mga comments. "Pogi so much ni Boss. Boss, akin na lang...Boss, anakan mo ako..."
Gem: "..."
Tumawa si Lucky at binalingan si Jacian. "Anakan mo 'raw." Ani Lucky.
Hindi naman sumagot si Jacian at kumuha lang ng tubig sa water dispenser malapit sa TV.
Kinagabihan, pumunta na sila sa venue sakay ng team van para sa kanilang interview. Ang lalaking host parin ang nandun na siyang nag-iinterview sa mga MVP.
Hindi naman masyadong malalim ang mga katanungan at tungkol lang din sa match ang mga tanong ng lalaking host, si Coach Dang ang unang kinausap nito kaya nanatiling tahimik si Jacian sa gilid habang nakikinig.
Ilang sandali lang ang makalipas nang mag-scroll yung lalaking host sa kanyang tablet para magbasa ng mga comments sa live chat. Naka live sila ngayon at makikita ang walang tigil na scrolling comments sa kanilang official live broadcast.
Binalingan naman ng lalaking host si Lucky. "Ikaw Lucky, paano nangyaring natalo niyo yung GOT-G? Ano yung naging preparation niyo, plano, strategy... Ano yung sa tingin niyong naging dahilan para matalo niyo yung GOT-G at maging domestic champion?" Tanong ng lalaking host.
Kinuha naman ni Lucky ang microphone. "Walang tulog na training po." Natatawang sagot ni Lucky. Natawa sila kaya tumawa narin yung host. "Hindi, natalo talaga namin yung GOT-G dahil sa command ni Boss." Sagot niya.
"So, may commander kayo? Sa huling game ba naging commander si Boss?"
Umiling si Lucky. "Sa buong season po, siya yung commander namin."
Bahagyang namangha yung host. "Wow, sa buong season. Ang hirap nun ah, naglalaro ka pa tapos magcocommand pa, dapat lima yung utak mo nun, kasi iisipin mo yung skills combo, yung galaw ng hero, yung mini map, yung pagbili mo dun sa mga items tapos yung daloy pa ng game para may maicommand ka." Lintaya ng host. "Nakaya mo 'yun? Sa tournament?" Hindi makapaniwalang tanong ng host.
Tumango lang si Jacian bilang sagot.
[Si Boss pala yung commander? Kaya pala lagi siyang nagsasalita sa match.]
[Hirap nun sobra, kung ako d'yan hindi ko na alam yung sasabihin ko.]
[Kasi ikaw 'yan.]
[Problema mo? Naneto.]
[Ngumiti si God J, ngiting proud yung ngiti niya.]
[Yan nanaman, aasa nanaman sila. Kita niyo naman na magkahiwalay yung upuan na pinili.]
[Bakit? Kapag magjowa ba dapat laging dikit?]
[HAHAHA! Tama.]
[Bida bida ka boii napakabitter mo, 2029 na oh. Nag-eexist ka pa pala.]
Lumipas ang mahabang sandali na puro tungkol sa match ang katanungan at expectation nila sa darating na global competition. Dahil si Just ang captain, siya ang sumagot nun at pure english pa ang sinagot niya para maintindihan ng mga taga ibang region, bigla tuloy lumabas yung mga madam fans ni Just dahil sa poging english niya.
Ilang sandali ang makalipas matapos maghanap ng tanong yung lalaking host sa live chat, binalingan niya si Jacian para ito naman ang tanungin.
"Ikaw naman Boss, kanina ka pa tahimik d'yan." Saad ng host. "Tinatanong ng mga fans kung paano ba nagsimula yung Honeybam dou? Paano nga ba nagsimula 'yan kahit ako curious eh, pakikwento nga Boss."
Jacian: "..."
Nakikita niya sa kanyang peripheral vision ang ngiti ng kanyang mga teammates maging si Coach Dang ngunit kinuha lang ni Jacian ang mic at nagsimulang magkwento.
"Nag-lalive po ako nun habang ka-dou ko si Captain, nagtanong yung mga fans kung anong tawag sa dou namin tapos biglang nag-comment po si Lucky ng Honeybam dou." Lintaya niya.
Tumawa si Lucky kaya tumawa narin yung host. "So, si Lucky yung gumawa. Sige, tatanungin kita Lucky. Kung Honeybam dou yung dalawang 'to sino yung Honey at sino yung bam?" Tanong ng host.
Nagkantyawan sina Blue at Gem samantalang hindi naman mapigilan ni Coach Dang ang kanyang ngiti. Gusto niya ng matapos ang interview bago pa pumula ang kanyang mukha. Hindi lang sila ang kinikilig, pati narin ang mga staff ay kanina pa nakangiti.
Mapang-asar namang tiningnan ni Lucky si Jacian at Just. "Si Captain po yung Honey tapos si Boss yung bam." Nakangiting sagot niya at tinusok ang balikat ni Jacian.
Natawa ang host dahil sa ginawa ni Lucky, nahati ang screen ng live at kay Just ang kanang parte at kay Jacian naman ang kaliwang parte, bahagyang lumingon si Just sa kaliwa para tingnan si Jacian samantalang nakangiti naman si Jacian atsaka yumuko. Nagkagulo ang mga fans ng Honeybam dou kaya napuno ng CP ang live chat.
Nang tingnan ng lalaking host ang live chat para kumuha ng katanungan, bahagya siyang napahinto dahil sa scrolling comments.
Host: "......?" Anong nangyayari sa interview ng FTT? Livestream ito ng buong team hindi livestream ng Honeybam dou.
Hindi alam ng host kung bakit biglang napuno ng shippers ang mga comments, ngunit hindi iyon nagbago hanggang sa matapos ang interview, nahirapan tuloy siyang mag-isip ng itatanong dahil katanungan galing sa mga fans ang kailangan niya.
Alas nuebe na nang matapos ang interview ngunit 11 p.m na sila nakauwi dahil may fan signing pa sa labas ng venue na inihanda ang PKL. Halos merch ng Honeybam dou ang napirmahan ni Jacian at kunti lang ang sarili niyang merch, halatang maraming CP fans ang pumunta kumpara sa sarili niyang fans.
Tapos na ang grand finals at parang tinanggalan ng tinik sa lalamunan si Lucky dahil sa wakas nakapasok sila sa global at ang mas masaya pa wala silang training hanggang sa mga susunod pang linggo dahil mayroon silang isang buwan na pahinga.
Sa November pa magsisimula ang global competition na gaganapin sa Riyadh, Saudi Arabia. Mabuti nalang at isang season lang ang ginawa ng HoK ngayon dahil malamig sa Saudi Arabia kapag buwan ng November at December. Hindi katulad nung mga nagdaang season na hinati sa spring season at fall season ang tournament kaya pagpunta ng mga players sa Saudi Arabia, maraming nawalan ng malay dahil sa sobrang init, lalo na kapag buwan ng July.
Pinayagan na sila ni Coach Dang na umuwi sa kanilang bahay kung gusto nila dahil wala narin silang training ngunit sa third week kaagad ng October magsisimula ang kanilang training, kaya mayroon lang silang dalawang linggo para gawin ang mga gusto nilang gawin. Hindi narin nagsayang ng oras si Lucky at kaagad nag-impake para umuwi sa kanila, ganun din si Gem at sabay na silang umalis. Hindi narin nagtagal si Coach Dang sa base at umuwi narin sa kanila dahil namimiss na 'raw nito ang kanyang anak, isang buwan niya rin itong hindi nakikita at siguradong lumaki na ito.
Sa sumunod na araw, nakatanggap ng tawag si Just mula kay Mrs. Sojurn at sinabi nitong umuwi na siya sa kanila, ayaw niya pa sanang umuwi dahil balak niyang mag-stay sa base ng isang buwan para samahan si Jacian ngunit senermonan siya ni Mrs. Sojurn at nadamay pa ang kanilang team kaya sinabi nalang ni Just na uuwi siya. Wala namang problema kay Jacian dahil kaya niya namang mag-isa sa base at liban pa 'don may pupuntahan din siya.
Nilapag ni Jacian ang kanyang cellphone sa mesa at inayos ang web cam, nag-lalivestream siya dahil napansin niyang antagal niya ng hindi nakakapag-live. Habang hinihintay niya ang searching para sa panibagong game, tumayo siya at binuksan ang cup noodles para lagyan iyon ng mainit na tubig. Wala nanaman si Just siguradong cup noodles lang ang kakainin niya sa loob ng dalawang linggo.
Nang makita ng mga viewers ang hawak niya, hindi nila mapigilan ang hindi magtanong.
[Naghihirap na ba ang club ng FTT? Bakit cup noodles nalang ang kinakain ni Boss?]
[Grabe, 2.5 million yung prize pool sa grand finals tapos cup noodles lang yung kinakain ng MVP?]
[LMAO.jpg.]
[Sobra ka naman kung magtipid, Boss. Wala ka naman sigurong binubuhay na pamilya.]
Nakatingin si Jacian sa scrolling comments habang hinahalo ang cup noodles, sumandok siya at mabagal na nginuya. "Marami namang pagkain sa base ito lang talaga yung alam kong lutuin." Sagot ni Jacian.
[Akala ko naghihirap ka nanaman apo, magsesend na sana ako ng maraming gifts.]
Umiling si Jacian. "Hindi." Ilang sandali ang makalipas habang nakikipag-usap siya sa mga viewers, may nag-popped up na notification.
"[FTT.Just] entered the livestream room!"
[FTT.Just has sent you a big wave x10.]
[FTT.Just has sent you a big wave x20.]
[FTT.Just has sent you a big wave x50.]
[FTT.Just has sent you a big wave 1000x.]
Jacian: "!!!"
["Congratulations @FTT.Just you are now the #1 honored VIP in FTT.Boss's livestream room! Enjoy the special perks and thanks for being an awesome supporter!"]
Jacian: "?????????"
Viewers: ["?????????!!!!!!!!!!"]
[Holy shit! Nagulat na ako nung pumasok si God J sa livestream room tapos nag-send pa ng gifts!]
[???!!!????] [SASABOG NA AKO GUYS!]
[Wow, nanonood din si Just?!]
[Me right now: ???????]
[Unbelievable sa isang God J na manood ng livestream at magtapon ng gifts!]
[Yanga eh, samantalang hindi 'yan nanonood ng livestream ng mga teammates niya.]
[Baka Honeybam dou is real.]
Mga lolo ni Boss na tahimik na nanonood: [".............?]
