Lumipas ang isang linggo nang hindi nila namamalayan at first week na ng September. Nagsimula ang playoffs at ang unang team na maglalaban ay TK at EPG. Nasa training room parin ang mga players ng FTT para mag-training at hindi nila napanood ang match, hinintay nalang nila na ilabas ang result at panoorin ang highlights para tingnan kung may nagbago sa strategy ng dalawang teams. Natapos ang match 1 ng playoffs at makikita sa post ng PKL na EPG ang nanalo at 2-1 ang naging score. Double elimination ang format at dahil talo ang TK mahuhulog sila sa lower bracket at kapag natalo parin sila sa lower bracket mai-eliminate na sila.
Nakabukas ang TV sa training room habang naka-play ang match ng TK at EPG, nang matapos ang video pinindot ni Coach Dang ang remote para i-paused ang video at nilapag iyon sa sinasandalan niyang mesa.
"Mukhang nag-improve ang EPG ngayon, hindi sila ganito kalakas nung regular season." Lintaya ni Blue.
Tumango si Lucky at sumandal sa gaming chair. "Tinatago rin nila ang kanilang strategy pero hindi pa yun sapat para masira nila ang rhythm natin."
Bumuntong hininga naman si Coach Dang at tiningnan sila. "Nakita niyo ba kung paano natalo ng EPG ang TK? Anong pinagsasasabi niyo." Sita sa kanila ni Coach Dang.
"Hindi pa ganun ka-sync si Linus sa TK." Saad ni Jacian.
Bagong player si Linus sa TK kaya normal lang kung hindi pa malalim ang kanyang tacit understanding sa mga veteran players ng TK, at halatang alam yun ng EPG kaya si Linus ang kanilang target locked. Mabilis na nag-collapse ang mid lane dahilan para mapasok ng EPG ang kanilang jungle at nag-collapse narin ang clash lane at farm lane. Hindi nakakuha ng shadow overlord ang TK dahil pushing ang minions ng EPG at wala silang ibang paraan kundi ang linisin ang minion wave. Hindi na nakapag-defend ang TK at natapos ang match sa loob ng 11 minutes.
Hindi naman nakakapagtaka na si Kirsty ang MVP dahil isang beses lang siyang namatay. Samantalang 1-4-3 ang naging KDA ni Linus matapos siyang makaranas ng VIP treatment, ang makipag 1v5 sa mid lane, i-tower dive at kung ano-ano pa. Sa naging result ng TK, marami nanamang antis ang kanilang team at si Linus ang kanilang sinisisi sa pagkahulog ng TK sa lower bracket. Matapos ang match ng TK sa EPG hindi nagbukas ng social media account si Linus at panandalian munang inuninstall ang kanyang Melon hanggang sa humupa ang topic tungkol doon. Ngunit humupa lang ang mga antis ni Linus nang magsimula ang match 2 ng playoffs.
Sa match 2 ng playoffs, FTT at S.COMP ang maglalaro kaya parehong pumunta sa venue ang dalawang teams sakay ng kanilang team van at isa isang pumasok sa loob. Maririnig ang malakas na sigawan ng mga audience nang umakyat ang dalawang teams sa stage at tumayo sa magkabilang gilid para sa trash talk segment. Hindi naman nagbatuhan ng trash talk lines ang dalawang teams at nagbigayan lang ng goodluck sa isa't isa na ikinatawa ng mga audience. Playoffs na kaya mas maraming audience kumpara nung regular season. Matapos ang countdown sa big screen nagsimula na ang ban/pick phase.
Nag-ban ang S.COMP ng jungler hero at kasama na doon sina Augran at Pei. Wala namang balak kumuha ng assasin jungler si Coach Dang at pinili si Menki para kay Just na isang tank jungler. Nagdesisyon si Coach Dang na gawing core si Lucky dahil napansin niyang gagana naman ang ganung line-up sa S.COMP.
Nakangiting ni-lock ni Lucky ang kanyang signature hero na si Hou Yi. Ang plano sana ni Coach Dang ay kunin si Da Qiao para kay Jacian ngunit binan ng S.COMP si Da Qiao.
Commentator Waver: "Isa si Da Qiao sa mga nilaro ni Boss during regular season at nakita naman natin kung paano naging gold leader si Just dahil sa magic na ginagawa ni Boss. Kaya h'wag na h'wag ibibigay ang hero na 'to sa FTT at iyon si Da Qiao."
Commentator Zia: "Yeah, at kitang kita naman natin na nakangiti si Lucky dahil hawak niya nanaman ang kanyang signature hero na ginamit niya nung regular season at naka-pentakill sa TK."
Commentator Waver: "Paalala lang, playoffs ito at naka-apply ang global ban/pick kaya limit ang gagamitin nilang mga hero."
Natapos ang ban/pick phase at pumasok na sila sa game 1. Puro invade ang ginawa ng FTT sa early game at halos kunti nalang ang natirang resources sa S.COMP, mapapansin na sobrang bilis ng play na ginagawa ng FTT at halos napuntahan na nila ang bawat sulok ng jungle ng S.COMP sa early game palang. Sa ginagawa ng FTT hindi alam ng mga audience kung mai-cocomback pa ba ng S.COMP ang hawak nila sa mapa. Nakuha ng FTT ang tyrant at overlord at mukhang hindi na nila papaabutin ng late game at tinapos ang match sa loob ng 8 minutes.
Hindi na p'wedeng gamitin ng FTT ang ginamit nilang mga hero nung game 1 pero hindi iyon sapat para mabawasan ang pressure ng S.COMP dahil hindi rin nila magagamit ang kanilang line-up na ginamit nila nung game 1 at ang masaklap pa nakuha na nila si Arli nung game 1. Malakas na marksman si Arli at kapag nakuha ito ng isang team dapat maipanalo nila ang match dahil masasayang lang ang Arli pick kung hindi rin nila maipanalo, dahil hindi na sila p'wedeng mag Arli sa susunod na games. Hindi rin naman papayag ang S.COMP na ibigay si Arli sa FTT kaya binan nalang nila ito.
Macro ang ginagawa ng FTT at dahil naka-tank build si Just at may CC si Boss, hindi nila mapasok si Lucky sa likuran kahit si Feyd pa ang ginamit na jungler ng S.COMP. Kakaibang invade nanaman ang ginawa ng FTT at hindi nanaman kayang i-defend ng S.COMP ang kanilang jungle, ngunit hindi nila hahayaang sakupin ng FTT ang kanilang jungle dahil kung hahayaan nila mahuhuli sila sa gold. Nag-defend sila sa crimson golem hanggang sa magkaroon ng teamfight ngunit habang nangyayari pala ang teamfight hindi nila napansin na nag-push na si Lucky sa clash lane at ninakaw ang kanilang crystal.
VICTORY!
Nanalo sila at maririnig ang malakas na sigawan sa kabilang parte ng audience area kung nasaan ang mga fans ng FTT. Tinanggal ng S.COMP ang kanilang noise-cancelling headphones at naglakad patungo sa gitna ng stage kasama ang kanilang coach para samahan ang host na si Ms. Phara. Natalo ang S.COMP at mahuhulog sila sa lower bracket, isang talo nalang mai-eliminate na sila sa season. Makikita ang lungkot sa mata ng mga fans ng S.COMP ngunit umaasa parin silang makakabawi ang kanilang team. Nilapitan ni Ms. Phara ang captain ng S.COMP para tanungin ito kung kinakabahan ba sila dahil nahulog na sila sa lower bracket, double elimination ang format ngunit mabigat parin ang pressure dahil alam nilang maraming team na mas malakas ngunit marami din naman silang fans na umaasa sa kanilang victory kaya kailangan nilang bumawi.
Ngumiti si Ms. Phara. "Anong masasabi niyo sa FTT na nakapabagsak sa inyo sa lower bracket? May gusto ba kayong sabihin?"
"Ang masasabi ko lang sa FTT... respect. Ang lakas talaga, ibang iba sila ngayong season."
"Wow." Nakangiting ani Ms. Phara. Pagkatapos niyang kausapin ang S.COMP pumunta naman sa gitna ng stage ang FTT kasama si Coach Dang para samahan si Ms. Phara. "Congratulations, ang galing niyo, well played guys. Binigyan kayo ng S.COMP ng respect at nakikita niyo ang dami ng sumusuporta sa inyo. Anong gusto niyong sabihin sa kanila? Ikaw na muna Boss." Saad ni Ms. Phara at binigay kay Jacian ang isang microphone.
Lumakas ang tilian sa audience area at nakangiti silang nilinga ni Ms. Phara.
"Wala naman akong masabi kasi wala akong fan, anti-fans lang." Saad ni Jacian na ikinatawa ni Ms. Phara at ng mga audience.
Binalingan naman ni Ms. Phara si Coach Dang. "Nandito si Coach Dang, wala ka nung regular season at nakita mo naman ang result ng FTT. Anong pakiramdam?"
"Nakakaproud kasi nakaya nilang maabot yung top 2, tsaka alam ko namang may gigil 'tong mga 'to kaya alam kong malayo pa ang mararating namin." Sagot ni Coach Dang.
"Yeah, at proud din kami sa inyo. Thank you, Coach." Binalingan naman ni Ms. Phara si Jacian. "Boss, bukas ang laban niyo ng EPG, may gusto ka bang sabihin kay Kirsty?"
"Goodluck, galingan mo bukas." Tanging sagot lang ni Jacian.
Pagkatapos silang kausapin ni Ms. Phara bumaba na sila ng stage kasama si Coach Dang patungo sa backstage.
Bukas ang match nila sa EPG kaya sinabihan kaagad sila ni Coach Dang na mayroon silang training at match review. Madaling araw na sila natapos at halos tanghali na nang magising silang lima. Pagdating ng hapon, natulog sila sa team van hanggang sa makarating sa venue. Nagising sila dahil sa ingay ng mga fans na nakaabang entrada ng venue, huminto ang team van at lumabas na sila para pumasok sa loob.
Bumukas ang pinto ng break room at pumasok si Just, dumeritso siya sa CR kanina kaya nauna na sila sa break room. Umupo si Just sa tabi ni Jacian at nilabas ang kanyang cellphone, samantalang nakasandal naman si Jacian sa pagitan ng sandalan ng sofa at armrest para maghabol pa ng tulog. Ilang sandali ang makalipas nang maramdaman niyang niyugyog ni Just ang kanyang kamay. Inaantok niyang idinilat ang kanyang mga mata para tingnan ito.
"Nasaan ang painkiller patch?" Tanong ni Just.
Kinapa naman ni Jacian ang bulsa ng kanyang jacket at kinuha ang isang pack na patch para ibigay kay Just. "Akala ko ba naglagay ka na kanina." Paos na aniya at tinakpan ang kanyang bibig para humikab.
"Para sa'yo. Nakalimutan mong maglagay ng patch."
Kinapa ni Jacian ang kanyang kamay at napagtantong wala nga siyang nailagay. Tinuklap ni Just ang patch at dinikit iyon sa likod ng palad ni Jacian. Nanatili namang nasa ganung posisyon si Jacian at ipinikit uli ang kanyang mga mata.
"Bakit parang antok na antok ka?" Hindi mapigilang tanong ni Just matapos dikitan ng patch sa kamay si Jacian.
Gumalaw si Jacian at idinilat uli ang kanyang mga mata, nagdesisyon siyang h'wag nang matulog dahil malapit naring magsimula ang match.
"Nakipag-Q kasi sa akin si Xiaowang kaninang madaling araw kaya umaga na ako nakatulog." Saad ni Jacian at uminat sa sofa. Ayaw niya sana pero kung hindi niya ito sasamahan baka abutin sila ng global competition.
Bahagyang kumunot ang noo ni Just kaya nagsalubong ang makakapal niyang kilay. "Dapat tinanggihan mo muna, tingnan mo kung gaano na kaitim 'yang eyebags mo." Sambit sa kanya ni Just ngunit nanatili naman siyang tahimik habang nakasandal parin sa sofa. "Kapag nakipag-Q ulit siya ibigay mo sa akin ang cellphone mo?"
"Bakit?"
"Ako ang maglalaro." Seryusong ani Just.
Alam ni Jacian na mid laner noon si Just at lumipat lang ito ng role, kung si Just ang maglalaro hindi iyon mapapansin ni Xiaowang dahil halos pareho lang sila ng gameplay ni Just. Ngunit umiling si Jacian. "Ayoko manloko ng tao." Kalmadong sagot niya.
Hindi narin siya pinilit ni Just dahil private life na iyon ni Jacian at wala siyang karapatan na pangunahan ito, sinabihan niya lang si Jacian na bumawi ng tulog kapag wala silang training. Lumabas na sila sa break room nang kumatok ang staff para ipaalam sa kanila na magsisimula na ang training.
Nakahanda naman si Lucky na pakitaan ng 2-0 hand sign ang EPG kung magkasalubong sila sa corridor, si Coach Dang ang kasama nila ngayon at hindi si Mrs. Sojurn. Ngunit hindi sila nagkita sa corridor kaya itinikom na lamang ni Lucky ang kanyang palad.
Umakyat na sa stage ang dalawang teams matapos silang ipakilala ni Ms. Phara at nanatiling naroon para sa trash talk segment. Tinawag ni Ms. Phara si Kirsty at si Jacian kaya pareho silang humakbang sa gitna para magharap. Nilapitan ni Ms. Phara si Kirsty para manguna.
"Kirsty, paano mo babawian ang Team FTT? Ano ang palag mo?"
"Sana marunong ka na mag Gan&Mo."
Lumakas ang sigawan sa audience area dahil sa trash talk ni Kirsty dahilan para ma-excite kaagad ang mga audience.
