Cherreads

Chapter 124 - Chapter 122: Let's Go FTT!

Si Just ang MVP ng match at hindi naman iyon nakakapagtaka dahil mayroon siyang KDA na 6-0-3, siya rin ang gold leader at halos 5k ang lamang niya sa jungler ng EPG. Maraming plays ang nakita kay Just gamit ang kanyang hero na si Pei at mapapansin na siya talaga ang nagdala sa kanyang team para makuha ang victory. Pareho namang hindi makapaniwala ang dalawang commentators nang makita ang KDA ni Kirsty na 0-6-2 habang ina-analyze nila ang highlights.

Napanood naman nila kanina na si Kirsty ang naging target ni Just kaya hindi dapat sila magtaka kung maraming deaths si Kirsty, ngunit kung ipagkukumpara ang mga naging KDA niya sa mga match nila nung una mapapansing sobrang laki ng pagkakaiba. Madalas siyang magkaroon ng 4 to 5 kills at zero death, mataas din ang deaths niya nung nakalaban nila ang GOT-G ngunit hindi iyon katulad ng nakuha niya ngayon, wala siyang nakuhang kill at 6 times pang namatay, nagkaroon siya ng dalawang assist nang pumunta siya sa farm lane para magbigay ng assist.

Kung babalikan ang highlights sa big screen na inanalyze ng commentators kanina, makikitang walang laban si Kirsty sa t'wing ginagank siya ni Just. Kahit si Jacian ay hindi rin napatay ni Kirsty at mabilis pang bumagsak ang mid lane turrets dahil sa poke na ginagawa ni Just. Nagawa namang pabagsakin ng EPG ang ilang towers ng FTT ngunit hindi iyon sapat para masira ang kanilang rhythm, masyadong malakas ang hawak ng FTT sa map control at hindi iyon maaagaw ng EPG kahit na mapatay man nila si Just.

Matapos balikan ang highlights ng game 1, bumalik na sa stage ang dalawang teams para sa game 2. Nasa blue side na ang FTT at red side naman ang EPG. Nanatiling hindi binan ng FTT si Yuhuan na siyang nakakainsulto sa EPG lalo na kay Kirsty, sa e-sports circle kapag hindi binan ang signature hero mo ibigsabihin nahihinaan sila sa iyo. Mas mabuti naman kung hindi nakalagay sa ban spot ang signature hero dahil p'wede pa nila magamit at malaro ulit ang kanilang paboritong hero ngunit para sa mga top-tier players pang-iinsulto iyon.

Simpleng binan lang ng FTT si Liang at Princess Frost bago kinuha si Jing. Binan ng EPG si Augran at Pei kaya nakalabas si Jing sa ban spot, hindi naman nagdalawang isip ang FTT at kaagad itong kinuha. Kung papakawalan niyo edi kukunin namin.

Kinuha naman ng EPG si Yuhuan at Dolia. Nakuha nila ang kanilang legendary dou. Ngayon, sigurado na ang FTT na si Kirsty ang gagamit ng Yuhuan. Hindi rin naman nagpakita ng kahinaan ang FTT at kinuha si Heino para sa mid lane at Hou Yi para kay Lucky.

Nang lumabas ang Heino pick para kay Boss hindi maiwasan ng dalawang commentators ang hindi mapa 'wow!' Maging si Shadow na nanonood sa VIP seat ay napa-wooh!

"Signature hero ko." Nakangiting saad ni Shadow.

"Nakita mo na ba ang Heino ni Boss noon?" Tanong ni Lessen na bahagya namang inilingan ni Shadow.

Wala pang nakakakita ng Heino ni Boss dahil simula regular season laging support mage ang mga ginagamit niyang hero na malakas ang CC, ngayong group A lang siya gumamit ng assassin at unang nakita nila ay si Mai Shiranui. Nakita narin nila ang Shangguan ni Boss ngunit hindi na nito iyon ginamit sa tournament. Samantala, si Heino yung klase ng hero na nakakapag-rivive ng tower, hindi siya mabilis mamatay dahil mayroon siyang time travel na may CC immune effects.

Si Yuhuan ang hero ni Kirsty at Heino naman kay Boss, pakiramdam ng mga audience at viewers itong dalawang hero nalang na 'to ang matitira sakaling magkaroon ng teamfight.

Ginanahan si Shadow dahil sa Heino ni Boss at doon nakatuon ang kanyang atensyon nang magsimula ang match.

[2-0 na 'to! Let's go FTT!]

[Makikita nanaman natin ang Jing ni God J.]

[Good luck FTT sana magtuloy-tuloy!]

[Waiting sa playoffs, Goodluck boys.]

[Mag 2-0 sana para ma-edit ko na yung trash talk ni Kirsty na sarili niya lang din ang pinahiya niya.]

[1v1 ng Yuhuan at Heino!]

[All in sa apo ko este sa FTT pala.]

[Ang hangin, kakapuri niyo sa FTT tingnan niyo mamaya reverse sweep 'yan.]

[Pinupuri ba namin? Ginogoodluck lang po, ang lalim mo naman mag-isip.]

[The best parin ang EPG! Kirsty parin ang best mid laner ng PKL.]

[Grabe namang best mid laner niyo, walang kill tapos 6 times namatay. Sa pagkakatanda ko nangyari din ito kay Boss noon at gamit niya rin si Gan&Mo, namatay din siya ng 6 times pero hindi niya pa alam kung paano gamitin si Gan&Mo noon. Eh 'yang si Kirsty niyo?]

[HAHA! Alam ngang gumamit ng Gan&Mo pero mas masaklap pa yung sinapit niya kaysa kay Boss.]

[Gusto niyang ipakita kay Boss kung paano i-handle si Gan&Mo pero yung pinakita niya practice sa rg. Haha not enough practice.]

[Lakas din ng apog niyong mga fans ng FTT, palibhasa first time nakapasok sa group A.]

[May aapogin talaga kaming mga mga fans ng FTT, sa lahat ng teams sa PKL FTT palang ang nanalo sa World championship.]

[Big YUCK sa ibang teams!]

Makikita ang walang tigil na scrolling comments sa official live broadcast ng PKL at ang walang tigil na away.

Mas lalong umingay sa loob ng venue nang magkaroon ng one-on-one sa mid lane. Malakas si Heino ngunit kinakailangan ng timing at posisyon para magkaroon ng effect ang kanyang damage, halos kalahati kaagad ang bawas sa HP ni Kirsty nang tamaan ito ng damage ni Heino.

Madalas nilang makita si Heino sa GOT-G dahil lagi itong hawak ni Shadow ngunit ngayon, Heino naman ni Boss ang makikita nila. Malakas ang Heino ni Shadow at masasabing nagagawa nito ng maayos kung ano ang tamang play na para kay Heino ngunit makikitang kakaiba ang Heino sa kamay ni Boss. Puro technique ang pinapakita ni Boss sa pag-clear ng minions at masasabing may sarili siyang strategy sa pag-farm.

Kinuha niya rin ang river sprite sa may mid lane bago siya nag-u turn para sumunod kay Just na papunta sa enemy jungle. Sinisimulan nanaman ng FTT ang ginagawa nilang pagnakaw at wala silang tinira maging ang mga jungle creeps. Sinubukan pang agawin ng jungler ng EPG ang crimson golem sa kamay ni Just ngunit humarang si Boss at ginamitan siya ng skill 1.

Naabot nilang lahat ang level 4 ngunit lamang ng 2k gold ang FTT dahil sa ginawa nilang pagnakaw kanina. Kasalukuyang nasa tyrant pit ang dalawang teams para pag-agawan iyon at nakapag-reset na ang tyrant. Walang takot pumunta sa tyrant pit si Kirsty dahil kasama niya si Dolia na kayang i-reset ang kanyang ultimate, alam niyang hindi siya mapapatay ng FTT kahit i-gank pa siya ni Just.

Lumabas naman si Just sa damuhan at pumunta sa sarili niyang jungle para kunin ang kanyang jungle creeps, pagkatapos niyang kunin ang jungle creeps pumunta naman siya sa farm lane para i-clear ang minions. Malakas ang mobility ni Just kaya mabilis siyang nakakapag-travel sa mapa. Habang nasa tyrant ang limang players ng EPG at apat na players ng FTT, pumunta naman si Just sa mid lane para i-clear ang minions.

Sobrang bilis ng pag-rorate ni Just at hindi alam ng EPG kung nasaan siya, hindi nagtagal nauwi sa teamfight ang mahabang sayawan sa tyrant pit. Apat na players lang ng FTT ang naroon dahil nasa clash lane pa si Just para i-push ang tower.

Malakas na ang damage ni Lucky dahil mayroon na siyang core items at ginamitan niya ng CC ang jungler ng EPG para mag-initiate ng teamfight, sinabayan iyon ni Jacian ng skill 1 at basic attack ni Lucky dahilan para unang mamatay ang jungler ng EPG.

First blood!

Nakuha ni Lucky ang first blood.

Ginamitan naman ni Kirsty ng CC si Jacian ngunit ginamit ni Jacian ang kanyang skill 2 at tinarget si Dolia na nasa likuran. Malayo ang range ng mga skills ng FTT at nahihirapan si Kirsty na patayin sila, hindi niya rin ma-target si Jacian dahil alam niyang mag-tatime travel lang ito na parang walang nangyari. Hindi sila mananalo sa teamfight, iyon ang sitwasyon ng EPG. Gusto na nilang mag-retreat ngunit dumating si Just at ginamitan sila ng mirror domain.

Mababa ang HP ng support ng EPG at napatay ito ni Just nang dikitan niya. Namatay si Dolia at wala ng double ultimate si Yuhuan, mabilis na nag-retreat si Kirsty dahil alam niyang hindi na siya ligtas.

Makikita sa big screen na naiwan ang tatlong players ng EPG habang nakikipaglaban sa FTT at si Kirsty ay nag-retreat patungo sa kanilang jungle. Iniwan niyang nakikipag 3v5 ang kanyang mga teammates sa FTT! Magaling mag-control ng teamfight si Yuhuan at kailangan ng teammates niya ng kanyang heal at CC ngunit nag-retreat siya at iniwan niyang wala ng buhay ang kanyang mga teammates?

Maging ang dalawang commentators ay napahinto magsalita at sinundan ng tingin si Yuhuan na bumalik sa sariling jungle, ngunit nagpatuloy din sila nang bumalik sa teamfight ang camera.

Sa unang teamfight, patay ang apat na players ng EPG at tanging si Kirsty nalang ang buhay. Maiksi lang naman ang death recap ngunit malaking kawalan iyon dahil nag-sama sama ang FTT para i-push ang tower sa mid lane. Nang masira ang dalawang towers sa mid lane, bumalik sila sa kani-kanilang lane ngunit pumunta naman sa jungle ng EPG sina Just at Jacian para magnakaw ng resources. Kinuha lang nila ang crimson golem bago nag-retreat.

Samantala, napailing sina Lessen at Shadow nang makita ang kalamangan ng FTT sa mid game palang. Alam nilang kayang-kaya itong i-end ng FTT sa loob lang ng 10 minutes. Kung hindi mag-cocooperate ang EPG siguradong mahihirapan silang i-comback ang control nila sa laro.

Ang kailangang gawin ng EPG ay unti-unting mag-defend hanggang sa ma-drag ang laro hanggang late game. Malakas si Yuhuan sa late game idagdag pa na naka-double ultimate siya, kayang-kaya nilang baliktarin ang sitwasyon kapag umabot ito ng 10 minutes. Ngunit mapapansin na kaya rin namang tapusin ng FTT ang laro nang hindi umaabot sa 10 minutes.

Kakaiba ang play na ginagawa ng FTT at literal na hinahati nila ang atensyon ng EPG, mag-iinitiate sila ng teamfight ngunit walang makukuhang kill ang EPG at hindi nila namamalayang napupush na ni Just ang kanilang towers. Sa tuwing nag-pupush ang FTT sa farm lane, pupunta roon ang EPG para mag-defend ngunit hindi nila napansin na binasag na pala ni Just ang kanilang high ground sa clash lane, kaya wala silang choice kundi ang mag-recall para umuwi.

Nang umabot sa 7 minutes ang match, nag-push na ang FTT nang magkaroon ng tatlong wave ng minions. Ginamit ni Jacian ang kanyang ultimate nang dalawang beses siyang dikitan ni Kirsty at gamitan ng skills combo, hindi naman nagpakita ng awa si Jacian at ginamit ang kanyang skills combo para mag-counterattack. Ginamit niya na rin ang kanyang flash para habulin si Kirsty, sinubukan siyang i-CC ni Kirsty ngunit ginamit niya ang kanyang dash at skill 1...

(FTT.Boss) Unstoppable! (EPG Kirsty)

Na-solo kill niya si Kirsty!

Matapos ma-ACED ang EPG, nag-push na sila sa crystal at pinasabog iyon.

VICTORY!

Napanalo nila ang match sa loob lang ng 7 minutes at hindi na papaabutin ng game 3 ang series.

Nangyari ang inaabangan ng mga audience at viewers na 1v1 ni Kirsty at Boss, kahit sila ay hindi rin inaasahan na magkakaroon ng 1v1 sa pagitan nina Yuhuan at Heino dahil pareho silang hindi namamatay kahit gamitan pa nila ng skills combo ang isa't isa. Nagulat ang mga audience nang i-target ni Kirsty si Boss dahil alam naman nilang hindi madaling patayin si Heino at walang kwenta kung si Heino ang unang target. Ngunit si Boss ang unang target ni Kirsty na naging dahilan para hindi sila makapag-defend, at ang masaklap pa si Kirsty pa ang na-target.

More Chapters