Nangyari ang iniisip ni Jacian at Just dahil nagsimulang i-defend ng HUV ang kanilang red buff, kasama ni Kai ang kanilang mid laner na si Mai Shiranui para i-defend ang kanilang red buff. Malakas ang damage ni Mai Shiranui at idagdag pa na naka-assasin din si Kai kaya kumpara sa hawak na hero ni Jacian at Just wala silang laban sa jungler at mid laner ng HUV. Nang magsimulang magpalitan ng skills sa red buff at malagay sila sa alanganin, ginamit ni Jacian ang kanyang ultimate para tawagin ang iba nilang teammates.
Kai: "..." What the...! "Shit! Hindi ko napansin na level 4 na si Da Qiao!" Saad nito sa kanilang noise-cancelling headphones, maging ang kanilang mid laner ay napahinto. "Cap, kailangan namin ng back-up!"
"Hindi ako makaalis kay Blue. I-abando niyo nalang ang red buff." Saad ni Alone.
Plano ring i-abando ni Kai ang red buff ngunit tinawag na ni Jacian ang kanyang mga teammates at si Lucky pa ang nag-teleport. Si Erin ang gamit ni Lucky na may mobility at mataas na damage kaya nang mag-retreat si Kai kasama ang mid laner ginamit ni Lucky ang kanyang flash para habulin sila at gamitan ng skill 1 at basic attack. Malayo ang range ng skills ni Erin kaya nagawa pa nitong maabot si Kai at ang mid laner.
First blood!
(FTT.Lucky) DOUBLE KILL! (HUV.Kai.)
Naka-double kill si Lucky at nakuha ni Just ang red buff.
Ngumiti si Lucky. "Ang gwapo ng Erin ko, mag-I love you ka babe bubuhatin kita."
"Binigay mo dapat kay Captain ang kills kasi siya ang core dito hindi ikaw." Malamig na saad ni Gem.
Lucky: "..."
Tinawanan naman ni Blue si Lucky habang nakikipag-one-on-one kay Alone.
Nandoon nanaman ang FTT sa ginagawa nilang magic na nakakapagpasakit sa ulo ng HUV, hawak ni Kai si Pei na isang jungler core ngunit makikitang may 2 deaths na siya sa early game palang. Puro pag-invade ang ginagawa ng FTT at macro kaya nahihirapang kumuha ng kills si Pei. Kahit si Lucky ay hindi niya kayang pasukin dahil laging nand'yan si Gem gamit ang hero nito na si Mozi, sa tuwing papasukin niya si Lucky laging nakabantay si Gem para gamitan siya ng ult. Kung papatayin niya naman si Boss, laging nand'yan si Just para habulin siya, kaya nahihirapang kumuha ng kills si Kai, dapat bang patayin niya nalang si Blue? Paano niya mapapatay ang isang hero na sobrang tanky sa loob ng 1 seconds?
Umabot sa 10 minutes ang match at makikitang butas na ang high ground towers ng HUV samantalang kompleto pa sa FTT. Lamang ng 8 thousands gold ang FTT pati narin sa kills kaya mahihirapan nang i-comback ng HUV ang kanilang kontrol sa laro, late game na ngunit hindi nila nakita ang tunay na damage ng isang Pei at Mai Shiranui. Masasabing malayong malayo na ito sa game 1 dahil kompleto pa ang second turret ng FTT samantalang butas na ang high ground ng HUV.
Hindi na pinatagal pa ng FTT ang laban at tinapos nila iyon nang magawa nilang mabutas ang tower sa farm lane.
VICTORY!
Panalo sila sa game 2 at na 2-0 nila ang HUV! Ang HUV na laging nakakapasok sa grand finals! Ang akala nila aabot pa sa game 3 ngunit hindi nila inaasahan na kaya nilang ipanalo ang game 2 sa loob lang ng 10 minutes.
Makikitang nakangiti ang mga players ng FTT nang tanggalin nila ang kanilang noise-cancelling headphones at maglakad patungo sa match area ng HUV.
Napailing si Kai habang nakatingin sa mga players ng FTT na patungo sa kanilang pwesto. "Congrats, ang lakas niyo na talaga." Nakangiting saad ni Kai nang mag-shakehands sila ni Just.
"Mn. Goodluck sa playoffs." Saad ni Just at tinapik ang balikat ni Kai.
Alam ni Kai na si Just ang pinakamalakas na jungler sa PKL at kung mag-sosolo sila ni Just wala siyang laban, ngunit hindi niya inaasahan na ganito ang magiging laro ng FTT ngayong season. Hindi lang si Just ang malakas at nag-seset ng rhythm, kundi silang lima. Ngayon nalang siya ulit kinabahan sa tournament, iba yung pakiramdam na mamatay sa teamfight kumpara sa namatay sa teamfight dahil pinagplanuhan, yung pakiramdam na wala nang kawala dahil ikaw ang nag-target lock. Kinabahan si Kai, pinagpawisan siya at tumaas ang heart rate niya ng 180 na 74 lang noon, iniisip niya kung paano niya i-cocomback ang laro ngunit laging may play ang FTT. Hindi iyon tyamba kundi detailed, sobrang detailed ng ginawa ng FTT at walang excuses para sa pagkatalo nila. Hindi man lang siya nakaramdam ng ganito sa t'wing makakalaban nila ang GOT-G, sobrang bigat ng pressure.
Tapos na ang laban nila sa HUV at may dalawang teams pa silang kakalabanin bago matapos ang regular season, ang EPG at GOT-G. Hindi pa nila nakakalaban ang EPG dahil hindi sila nagkaroon ng practice match kahit isang beses, napanood nila ang mga matches ng EPG sa ibang teams pati narin ang mic check ngunit wala namang pinagkaiba sa inaasahan nila. Malakas ang mid laner ng EPG na si Kirsty dahil kasama ito sa top-tier mid laner sa PKL, naka-pentakill din ito gamit ang Yuhuan na ikinasakit ng ulo ng FTT kung paano nangyari yun. Seriously? Si Yuhuan naka-pentakill? Ang hirap paniwalaan.
Sinubukan nilang panoorin ang match na naka-slow motion ngunit kahit ulit-ulitin nila ay wala silang makitang mali, sobrang galing kumuha ng kills ni Kirsty at iyon ang kailangang pag-aralan ng FTT.
Sa mga sumunod na araw, nagkaroon ng practice match ang FTT sa second string at ginamit nila ang malaking training room sa second floor. Sinabi ni Mrs. Sojurn na h'wag padaliin ang laban dahil malabo silang magkaroon ng practice match sa EPG kaya sa second string nalang sila mag-t-training. Nagulat naman ang mga players ng second string dahil alam nila ang tunay na lakas ng kanilang mga senior, napapalunok silang umupo sa gaming chair. Lumapit si Mrs. Sojurn sa kanila at sinabihan silang ihanda ang kanilang mental state dahil hindi magiging madali ang practice match ngayon.
Sumunod naman ang mga players ng second string bago sinuot ang kanilang noise-cancelling headphones. Napanood nila ang match ng FTT sa HUV at nakita nila kung paano nila napagana ang line-up na si Da Qiao ang mid laner. Ang akala ng second string ay si Da Qiao parin ang pipiliin ni Jacian dahil kinuha parin ni Just si Li Bai ngunit napakurap sila at tinitigan ang screen para alamin kung tama ba ang nakikita nila.
Nagulat sila sa kinuhang hero ni Jacian ngunit narinig nila noon kay White na malalim ang hero pool ni Boss kaya hindi imposibleng kaya rin nito gamitin ang ganitong klase ng hero. Itinuon nalang nila ang kanilang atensyon sa screen para simulan ang match.
Tama nga si Mrs. Sojurn, hindi magiging magaan ang laro ngayon ng kanilang senior dahil 49 seconds palang ay na-first blood na ni Just ang kanilang mid laner. Nakahanda naman ang kanilang mental state at sinubukang bumawi ngunit masyadong agresibo ang kanilang mga senior ngayon at walang awa silang dinudurog sa baba ng kanilang tower, nag-aalanganin naring lumabas ng tower ang kanilang mid laner dahil laging bumisita si Just sa mid lane.
Alam ng second string na malapit na ang laban ng FTT sa EPG at hindi naman sila nagtataka kung bakit ang kanilang captain ang target ni Just dahil malakas ang mid laner ng EPG at kailangan ni Just bumisita sa mid lane para i-target lock ito. Gusto na tuloy maiyak ng mid laner ng second string dahil dumadami na ang kanyang deaths. Hindi naman siya si Kirsty bakit kailangan niyang magkaroon ng ganitong deaths? Sa tuwing titingnan niya ang kanyang deaths pakiramdam niya may galit sa kanya ang kanyang senior.
Natapos ang practice match nang ma-ACED ang second string at sumabog ang kanilang crystal. Lugmok na sumandal ang mga players ng second string at tinanggal ang noise-cancelling headphones.
Sa kabilang banda naman, nilinga ng FTT si Mrs. Sojurn matapos nilang tanggalin ang kanilang noise-cancelling headphones. Hinihintay nila kung itutuloy pa ba ang practice match.
"Not bad. P'wede nating gawin 'yan sa EPG since mahilig naman sila gumamit ng mga squishy hero at late game core." Saad ni Mrs. Sojurn at tinanguan ang FTT. "Yan lang muna ang practice match niyo ngayon, gusto kong mag-Q kayong lima sa Chinese server gamit ang ganyang play." Dagdag pa ni Mrs. Sojurn bago ito nagpaalam at lumabas sa training room.
Nang sila nalang ang maiwan sa loob ng training room nag-usap sila tungkol sa magiging match nila sa EPG habang nakasandal sa sofa, kasalukuyan silang ini-invite ni Lucky para mag-Q sa Chinese server. Habang nagpapalitan sila ng ideya sa gagawin nilang strategy, bahagyang nag-angat ng tingin si Jacian at natigilan siya nang makita ang second string na tahimik na naka-upo sa kanilang gaming chair. Nakayuko sila habang sinusulyapan ang kanilang mid laner, sinusulyapan nila ito para kausapin at bahagya namang tumatango.
Jacian: "..."
Naalala niyang tinarget locked nga pala ni Just ang mid laner ng second string na siyang captain din ng team at makikita ang lugmok na ekspresyon nito ngayon. Kung hindi nagkakamali si Jacian umabot ng 13 ang deaths nito at 0 ang kill. Ang second-string ng kanilang team ang pinakamalakas na team sa secondary league at ang kanilang mid laner ang naging champion sa 1v1, pero namatay lang siya ngayon ng 13 times?!
Bahagyang umubo si Jacian at hinampas ang hita ni Just. Nilinga naman siya ni Just nang may pagtatanong.
"Mn?" Tiningnan ni Just ang kamay ni Jacian na nakalapag sa kanyang hita.
Tinuro ni Jacian ang second string gamit ang kanyang nguso kaya napalingon din doon si Just.
"Ang second-string."
Nang marinig ang sinabi ni Jacian nilinga rin ng mga teammates niya ang second string at bahagyang natigilan nang makita kung gaano sila kalugmok.
Lucky: "!!!" Naalala niya kanina kung paano nila dinurog ang second string at napatay ang mid laner ng 13 times! Napakurap siya. "Oyy mag-sorry tayo." Saad niya matapos i-invite ang kanilang mga account.
Bahagya namang tumawa si Blue.
"Mn." Sagot ni Just at tumayo.
"Saan ka Cap Tin?" Tanong ni Lucky.
"Yayayain sila sa break room." Sagot ni Just at tiningnan sila. "Tara."
Nagulanta naman si Lucky. "Pero sabi ni Mrs. Sojurn mag-Q tayo!"
"Later." Sagot ni Jacian.
Lucky: "!!!" Holy shit! Si Mrs. Sojurn, ang owner ng club nila! "Hindi kaya tayo pagalitan ni mama mo?" Kinakabahang tanong ni Lucky kay Just na inilingan lang naman ni Just.
Niyaya nila ang second string sa break room na ikinatuwa naman ng second string. Malapit na ang next match ng FTT kaya binigay nila ang kanilang support at sinabing manonood sila, tumawa sila at nagkwentuhan tungkol sa kanilang match at second string mismo ang nagyaya sa kanila para sa practice match bukas. Pumayag naman ang FTT dahil kailangan din nilang i-training ang second string dahil ito ang susunod na generation ng kanilang club.
Nang dumating ang araw ng kanilang match schedule sa EPG, pumunta na sila ng venue sakay ng team van at dumeritso sa break room. Nakasalubong pa nila sina Lessen at Shadow sa backstage na patungo sa audience area dahil plano nilang manood ng match ngayon, binigay nila ang support sa FTT at sinabing durugin ang EPG. Nginitian sila ni Shadow at kumaway pa ito bago sila tuluyang lumabas ni Lessen ng backstage. Matagal ng na-public ang relasyon ni Lessen at Shadow kaya alam ng FTT na nandito ang dalawang yun hindi para suportahan sila, kundi para mag-date. Ilang araw nalang match na nila pero may oras pa mag-date ang dalawa?
Lumabas na ng break room ang FTT nang kumatok doon ang staff para sabihing magsisimula na ang match. Paglabas nila ng break room patungo sa stage, nakasalubong nila ang EPG na patungo sa kabilang deriksyon kung saan naroon ang daan paakyat sa kabilang stage.
Naka-uniform sila ng kulay violet at black pants. Kasabay ni Kirsty ang coach sa unahan na may hawak ng folder habang nag-uusap sila sa isa't isa. Nasa hulihan ang kanyang mga teammates kasama ang dalawang substitute at nagtatawanan pa sila habang nagkukwentuhan.
Nang tuluyan na silang magsiksikan sa corridor, narinig nila ang tawa ni Kirsty.
