Sa bagong update ng PKL, makikita kung sino-sino ang maghaharap sa last round ng regular season. Nasa group A parin ang FTT kahit na natalo sila sa isang series, kasama nila sa group A ang GOT-G, EPG at HUV, sa group B naman ay nand'yan ang RG at TK kasama ang dalawa pang teams.
Mabilis na lumipas ang araw at kasalukuyan nang first week ng July. Kung kailan ang laban ng mga teams sa group A. Hindi naging madali ang mga nagdaang araw dahil mas lalong humigpit ang kanilang training at sunod-sunod na schedule ng practice match. Hindi lang FTT ang walang tulog dahil halos lahat ng teams ay kagaya rin nila, wala na silang oras magbabad sa cellphone kaya naging tahimik ang kanilang gc sa loob ng isang linggo.
May araw din na tumawag ang coach ng EPG para magpa-schedule ng practice match ngunit sinagot ni Mrs. Sojurn na hindi nila kailangan. Nakaramdam siya ng inis sa huling pag-uusap nila ng coach ng EPG, sila ang umayaw ng practice match at nang magpa-schedule din ng practice match ang TK sa team nila nung araw na yun sinabi nilang may practice match sila sa FTT? To hell! Nagsinungaling pa sila sa TK para tanggihan ang alok.
Nang sabihin iyon ni Mrs. Sojurn sa mga players ng FTT, si Lucky kaagad ang unang nainis. Sa ekspresyon niya, para gusto niyang gamitin si Hou Yi na naka-triple ultimate.
"Nakakaasar ba talaga yang EPG, sa lahat ng teams sila ang pinakamayabang. Tingnan mo, kahit sa gc hindi sila nakikisali." Inis na saad niya.
"Diba sinabi na ni Kirsty sa livestream niya nakaraan na nag-left na siya sa gc? Na-out of place daw ang team nila kaya umalis sila." Saad ni Blue.
"Out of place, napakayabang kamo. Naka-pentakill lang si Boss umalis na siya, inggit lang yun andami kasing nagpuri kay Boss." Dagdag pa ni Lucky. "Napaka-high pride, si Shadow na yung nag-approach siya pa yung hindi namansin." Hindi makapaniwalang saad ni Lucky.
Hindi naman sumagot sina Just at Jacian at tumahimik lang nang marinig ang sinabi ni Mrs. Sojurn, matagal na nilang alam na ganun ang EPG kaya bibihira silang magkaroon ng practice match doon, kahit si Coach Dang ay hindi rin nagpapa-schedule ng practice match sa kanila. Dahil kung sila ang mag-rerequest ng practice match hindi sineseryuso ng EPG, kahit ang mga coach sa PKL ay alam ang tungkol doon. Hindi nalang nila pinapansin kung ganun kataas ang pagiging competitive ng EPG.
Unang team na makakalaban ng FTT ay HUV. Kitang-kita naman ang kakaibang tensyon sa pagitan ng HUV at FTT nang magharap sila last round, nang makita ng mga fans na sila uli ang maglalaban ngayong araw nakaramdam sila ng excitement kaya pumunta sila sa mismong venue para ipakita ang support.
Nang dumating ang team van ng FTT, magkabilaan ang mga fans habang hawak ang kanilang mga banners at mga merch. Nasa labas lang sila ng harang para hindi makaabala sa mga dumadating na team van at sa daraanan ng mga players papasok sa venue.
Malakas na sigawan at wagayway ng banners ang maririnig nang bumukas ang pinto ng team van ng FTT at isa isang lumabas ang mga players ng FTT. Suot nila ang kanilang team uniform na pale gold and black habang nakasabit sa kanilang balikat ang bag. Tanging si Jacian lang ang walang dalang bag at huli pa siyang lumabas sa van dahil naghabol pa siya ng tulog.
Suot niya ang kanilang team t-shirt at black pants, ang kanyang team jacket ay nakasampay sa kanyang kaliwang braso habang may hawak na bottled water sa kanang kamay. Wala sa sarili siyang dumaan sa pagitan ng mga fans na ngayon ay sinisigaw ang pangalan niya.
"Boss! I love you 1 million times!" Sigaw ng babeng fan na nasa pinakalikod, dinig na dinig ang boses nito dahil may hawak pa itong microphone na kulay pink.
Maging si Jacian ay napahinto at nilinga ito. Pagkatapos nun, sinenyasan niyang kunin ang mic, pinagpasapasahan ng mga fans ang pink na mini mic hanggang sa makarating kay Jacian.
"Ay bakla kasi ako, ayaw ko sa mga babae." Saad ni Jacian habang naka-mic.
Natigilan ang mga fans bago napabulalas ng tawa. Iniabot naman ni Jacian sa babaeng kaharap niya ang mini mic na animo'y nandidiri, napatakip tuloy ito ng bibig para pigilan ang ngiti habang kinukuha ang mini mic sa kamay ni Jacian.
Sumunod na siya sa kanyang teammates papasok sa venue patungo sa kanilang break room. Tinanong siya ni Just tungkol sa sinabi niya sa fan na nasa labas kanina ngunit sinabi ni Jacian na nagbibiro lang siya. Nagpakawala lang si Just ng mahinang 'Mn' bago sumandal sa sofa.
Sa loob ng break room, nagkaroon sila ng pag-uusapan tungkol sa magiging line-up nila ngayong match sakaling gumamit si Kai ng tank jungler. Sa huling match ng HUV sa ibang teams gumamit parin si Kai ng jungler core at nagamit naman nito ng maayos, ngunit ngayong match, hindi sigurado si Mrs. Sojurn kung mag-jujungler core parin si Kai dahil naisip niyang p'wedeng kumuha ng support jungler ngayon ang HUV at hahayaang si Alone ang kumuha ng fighter hero.
Magaling ang clash laner ng HUV na si Alone na siyang captain din ng team kaya hindi malabong gagamit ito ng fighter hero laban sa kanila, napanood ni Mrs. Sojurn ang livestream ni Alone nitong mga nagdaang araw at madalas itong gumamit ng fighter hero. Si Alone at si Kai ang pinakamalakas na players ng HUV kaya importante sa FTT na alamin ang mga signature hero nila para sakaling hindi ma-banned mayroon silang pang-counter.
Nagsimula ang match kaya umakyat na sa stage ang mga players ng dalawang teams habang isa-isa silang pinapakilala ni Ms. Phara. First week na ngayon ng July kung kailan ang last round ng regular season kaya bago magsimula ang match mayroong inihanda ang PKL. Matapos ang introduction, nanatiling nakatayo ang dalawang teams sa magkabilang gilid para sa trash talk segment.
"Kai, Boss, step forward." Tawag ni Ms. Phara at inilahad sa gitna ng stage ang palad.
Maririnig ang malakas na sigawan sa audience area, pumunta sila ngayon para panoorin ang last round ng regular season at laban ng FTT at HUV dahil nakita naman nila last round na mainit ang laban ng dalawang teams na 'to. Ngunit ngayon, hindi nila inaasahan na mainit na bago pa man magsimula ang laban.
Naramdaman ni Jacian na hinawakan ni Just ang balikat niya, lumapit ito sa kanya para bumulong habang nakatingin sa kabilang team. "Hindi marunong mang trash talk 'yan." Saad ni Just.
Napailing nalang si Jacian at humakbang hanggang sa marating ang gitna ng stage. Kaharap niya ngayon si Kai na pinipilit ngumiti, mabigat ang kanyang dibdib at alam ng mga teammates niya kung gaano niya kagustong umalis sa harapan ni Boss. How come... unang trash talk segment sa group A ang trash talk king pa ang unang makakaharap niya.
Sa kabilang banda naman, nakatayo lang si Jacian habang hinihintay ang sasabihin ng host. Lumapit si Ms. Phara kay Kai para simulan nito.
"Kai, paano mo mapapatunayan kay Boss na isa kang jungler core, ano ang palag mo?" Tanong ng host at inilapit ang microphone kay Kai.
Alam ng mga audience na hindi marunong mang-trash talk si Kai kaya maririnig ang tawanan sa audience area nang ilang segundong tumahimik si Kai, halatang nag-iisip pa ito ng isasagot. Ngumiti naman si Ms. Phara na siyang nakahawak ng microphone sa harapan ni Kai. Tiningnan ni Kai si Jacian para sabihin ang trash talk na ilang segundo nitong pinag-isipan.
"Bata ka pa, marami ka pang season na pagdadaanan bago maabot ang world champion."
Maririnig ang malakas na sigawan sa kaliwang part ng audience area kung saan naka-upo ang mga fans ng HUV. Ngumiti ang host at binalingan si Jacian para ito naman ang tanungin.
"Boss, paano mo naman mapapatunayan na isa kang mid lane core, ano ang palag mo?" Tanong nito at nilapit ang mic kay Jacian.
"Mag-aral ka muna." Sagot ni Jacian habang nakatingin kay Kai.
Nag-ingay naman ang kanang parte sa audience area kung nasaan ang mga fans ng FTT. Maging ang host ay nagpakawala ng mahinang tawa bago tinapos ang trash talk segment sa pamamagitan ng fist bump. Naglakad na ang dalawang teams patungo sa kanilang match area at umupo sa kanilang gaming chair ayun sa kanilang role.
Nagsimula ang ban/pick phase at nasa blue side ang HUV at red side ang FTT. Walang pinagkaiba ang hero na nakalagay sa kanilang ban spot ngunit nagbago ang kanilang line-up. Tama ang hinala ni Mrs. Sojurn na kukuha ang HUV ng support jungler at fighter para sa clash lane, dahil si Menki ang kanilang third pick at Charlotte naman ang kinuha nila para kay Alone na isang fighter hero. Magaling sa 1v1 at mag-handle ng minion wave. Siguradong sangad hanggang buto ang laban nila ni Blue dito kaya kailangan nila ng hero na kayang makipag-one-on-one kay Charlotte sa early at Biron ang pinili ni Blue.
Gumamit ng assassin si Just at ni-lock niya iyon kay Li Bai, isang jungler hero na malakas ang mobility at may untargetable effects. Hindi naman nag-assasin si Jacian at pinili si Da Qiao para sa mid lane.
Nang makita nila ang line-up ng FTT, hindi nila alam kung paano paganahin yun dahil assassin si Li Bai na malakas ang mobility at isang support mage naman si Da Qiao na walang mobility, mas maiintindihan nila kung Liang o Princess Frost ang pinili ni Jacian pero sinong mag-aakalang makikita nanaman nila si Da Qiao?
Ginamit ni Jacian si Da Qiao laban sa GOT-G nakaraan ngunit hindi naging maganda ang result, ngunit naka-assasin naman ngayon si Just kaya mahirap isipin kung anong strategy ang gagamit ng FTT sa dalawang hero na 'to. Paano paganahin ang line-up ng FTT? Iyon ang tanong na makikita sa live chat ng PKL. Isa rin sa hindi inaasahan ng HUV ay ang Li Bai ni Just, hindi nila in-expect na gumagamit si Just ng ganitong hero, kahit si Kai ay walang ideya. Magkaibigan sila ni Just sa loob ng ilang taon ngunit ngayon niya lang napagtanto na hindi niya pa alam kung gaano kalalim ang hero pool ni Just. Nagugulat parin siya sa mga nilalabas nitong hero.
Hindi naman napansin ng FTT na may mali sa pagpili ni Just ng Li Bai dahil ginagamit nito iyon sa mga training nila, ngunit nagamit niya lang iyon ng ilang beses at kung tutuusin hindi niya pa iyon ganun kagamay, ngunit pinayagan siya ni Mrs. Sojurn na gumamit ng Li Bai nang i-suggest niya iyon.
Natapos ang ban/pick phase at nag-swap na sila ng kani-kanilang heroes. Nang magsimula ang match, may one-on-one kaagad na nagaganap sa clash lane at masyadong dikitan ang kanilang laban. Parehong top-tier clash laner sina Blue at Alone kaya makikitang parehong mayroong advantage pagdating sa palitan ng skills, kung titingnan parang pinaglalaruan lang nila ang HP ng isa't isa.
Masyadong mainit ngayon ang laban ng HUV at FTT dahil sa loob ng 6 minutes walang may nakaka-first blood. Halatang nasa isip ng magkabilang teams na last round na ng regular season at kailangan nilang makakuha ng mataas na points, kung p'wede ma 2-0 ang laban gagawin nila.
Malakas ang mobility ni Just kaya wala siyang takot mag-ikot sa buong mapa, pinapasok niya pa ang mga players ng HUV sa tower sabay gamit ng enhance skill 1 para mawala sa baba ng tower. Ginagamit ni Just ang kanyang skill 1 sa damuhan bago mag-tower dive kaya 'pag ginamit niya ulit ang kanyang enhance skill 1 hindi alam ng HUV kung nasaan na siya, bumabalik siya doon sa pwesto kung saan niya unang ginamit ang kanyang skill 1.
Malakas si Li Bai at magiging bangungot ito sa enemies kapag magaling ang humahawak ngunit kapag crappy ang humahawak magiging bangungot sa ka-teammates.
