Cherreads

Chapter 110 - Chapter 108: Indirect kiss

Malapit na ang third round ng regular season at sigurado na silang makakapasok sila sa group A kaya dinala ni Mrs. Sojurn si Gretil sa base para hindi na siya umuwi. Mahaba ang buhok nito at may ilang hiblang bangs na hanggang kilay, nakasando lang ito ng puti at black short. May suot itong hikaw na kulay gold at kumikislap iyon. Nang makita nito si Just, ngumiti ito at tumakbo patungo sa inuupuan nilang sofa.

Niyakap nito ang leeg ni Just at hinalikan sa labi, hindi naman nagulat si Just at inalalayan lang si Gretil na nakaupo sa kanyang kandungan. Tahimik namang nakaupo si Jacian habang pinapanood sila, nakikita niya rin noon sa mga mayayaman niyang classmates na normal lang sa magkapatid na maghalikan sa labi tuwing nagkikita, bahagya lang siyang nagulat dahil hindi siya sanay na makakita ng ganun, iba kasi sa bahay nila, tuwing nagkikita sila ng papa niya may boxing na nagaganap at hindi sila titigil hangga't walang may bumabagsak, sabi nga ni Chase noon literal na referee nalang daw ang kulang.

Gustong matawa ni Jacian ngunit maya-maya lang matapos halikan ni Gretil si Just lumapit ito sa kanya at hinalikan din siya sa labi.

Jacian: "..."

Naramdaman niyang lumubog ang sofa nang apakan ito ni Gretil at lumapit uli kay Just para umupo sa kandungan nito.

Jacian: "!!!" Anong. Ginawa. Mo?

Nararamdam niya pa ang lamig sa kanyang labi dahil kakainom lang ni Just ng malamig na tubig galing sa bottled water na nakapatong sa mesa. Hinalikan siya ni Gretil matapos nitong halikan si Just, ibig sabihin ba nun parang hinalikan narin siya ni Just?

Tinakpan ni Just ang bibig ni Gretil at inihiga ito sa sofa.

"Bastos." Bulong ni Just ngunit hindi iyon nakatakas sa pandinig ni Jacian. Tumawa lang si Gretil habang tinatanggal niya ang kamay ni Just na nakatakip sa kanyang bibig, ang mga paa niya ay kumakalampag habang nakapatong sa kandungan ni Just.

Kumurap si Jacian at napalunok. Bata pa si Gretil at naaalala niya sa kwento ni Lucky noon na 4 years old palang ito, wala pa itong alam tungkol sa maseselang mga bagay. Kinuha niya ang baso na nakalapag sa mesa at ininom iyon, matapos niya itong ubusin nilinga niya si Just ngunit nakita niyang kanina pa pala ito nakatingin sa kanya.

Jacian: "..."

Sa hindi malamang kadahilanan, nag-popped up sa isip niya yung senaryo sa CR kung saan yumuko si Just at lumapit sa tenga niya para bumulong. Yung time na 'yun, naramdaman niya ang mainit na hininga ni Just na tumatama sa kanyang tenga habang nagsasalita ito, naramdaman niya rin na tumama ang labi nito sa dulo ng kanyang tenga dahilan para magtayuan ang balahibo niya sa likod patungo sa kanyang batok. Hindi niya ito naramdaman nung nasa CR at hindi rin siya nakapag-react dahil para sa kanya normal lang ang ginawa ni Just, pero bakit ngayon parang may kakaiba dahilan para magtayuan ang mga balahibo niya.

Iniwas ni Jacian ang kanyang paningin at tumayo sa sofa, tatawagin sana siya ni Just ngunit naglakad na siya paakyat sa second floor at bumalik sa kanyang dorm.

Huminga si Jacian ng malalim. Ano nga ulit ang sinabi ni Just? Kung gusto niya malaman ang ideal type nito tumingin lang siya sa salamin? Pinaglololoko ba siya ni Just? Kapag tumingin siya sa salamin sarili niya ang makikita niya, ibigsabihin ba nun siya ang ideal type ni Just? Kailan pa bumaluktok ang kanilang captain? Napailing si Jacian at gusto niyang matawa. Imposibleng bend ang kanilang captain, sobrang gwapo ng kanilang captain at nakakapanghinayang kung hindi ito magkakaroon ng lahi. Naintindihan niya ang sinabi ni Just sa CR ngunit hindi niya seneryoso, siguradong pinaglololoko lang talaga siya ni Just. Mas mabuting h'wag nalang siyang mag-overthink para sa kapakanan ng kanilang team. Pumasok nalang siya sa kanyang kwarto at pinilit na makatulog.

Halos gabi na nang magising ang iba nilang teammates at nagulat sila nang makita si Gretil sa loob ng base, nilaro kaagad ito ni Lucky at pinarampa-rampa sa living room.

Samantala, nagising si Jacian dahil sa gutom, kaninang umaga pa siya walang kain at nagsisimula ng sumakit ang kanyang tiyan. Nagugutom siya ngunit wala naman siyang gana kumain, hinawakan niya ang flat niyang tiyan at pinilit na bumangon, sinuot niya ang kanyang tsinelas at kinaladkad ang sarili papasok sa CR para maghilamos at mag-toothbrush, uminom siya ng tubig at dinura ang bula sa lababo bago naghilamos ulit. Pagkatapos nun, lumabas na siya ng dorm para pumunta sa break room ng second floor, naisip niyang kumain nalang ng spicy cup noodles para sa hapunan.

Tahimik sa second floor dahil umalis ng base ang second string ng kanilang team kasama si Coach Em kaya maliban sa kanila wala ng ibang tao sa loob ng base, nakapatay lahat ng ilaw sa break room at nakababa ang makakapal na kurtina dahilan para hindi niya makita ang mga estante. Binuksan niya ang switch na malapit sa pinto at tumungo sa estante kung saan nakasalansan ang mga cup noodles.

Hinanap niya ang pinakamaanghang at nakita niyang nag-iisa nalang yun sa pinakataas. Inunat niya ang kanyang kamay ngunit dalawang palapag pa iyon bago niya maabot, dismayadong binawi ni Jacian ang kanyang kamay at naghanap ng p'wede niyang mapatungan ngunit maya-maya lang habang tahimik siyang naglilibot sa loob ng break room narinig niyang bumukas ang salamin na pinto ng terrace.

Nasa labas si Just suot ang dark blue na jacket, ang isang kamay niya ay nasa bulsa ng kanyang trouser at ang isa naman ay nakahawak sa maliit na sigarilyo na nakaipit sa kanyang labi. Humithit pa siya ng isang beses bago niya iyon kinuha at inilapag sa ashtray na nakapatong sa trash can.

Binigyan lang ito ni Jacian ng mabilis na tingin at pinagpatuloy ang paghahanap niya ng upuan, wala naman siyang balak na isumbong si Just kay Coach Dang kaya hinayaan niya lang ito na manigarilyo. Nang wala siyang mahanap na upuan nagdesisyon nalang siyang kumain ng hindi maanghang, pagbalik niya nakita niya si Just na kumukuha din ng snacks habang nag-cecellphone. Lumapit si Jacian at basta nalang kumuha ng cup noodles ngunit napahinto siya nang magsalita si Just.

"Hindi ba ito ang kukunin mo?" Tanong ni Just at inunat ang kanyang kamay para kunin ang spicy cup noodles sa pinakataas. Kinuha niya lang iyon at binigay kay Jacian.

Awkward namang inabot ni Jacian at binalik ang hawak niyang cup noodles sa mababang estante. Naramdaman niyang hinawakan ni Just ang kanyang pulsuhan nang humakbang siya paalis. Tiningnan niya ang kamay ni Just at sinundan patungo sa mukha nito.

Tiningnan niya si Just ngunit tahimik naman ito habang nakatitig sa kanya, halo-halong emosyon ang makikita sa mga mata ni Just at animo'y hindi niya alam ang kanyang sasabihin, tuluyan nang nagtaka si Jacian kaya iniangat niya ang dalawa niyang kilay.

"Captain." Tawag niya.

Tumingin si Just sa ibaba bago muling tumingin sa kanya. "May mali ba?" Tanong ni Just.

Kumunot ang noo ni Jacian dahil bigla siyang naguluhan. Tiningnan niya si Just at nakita niyang hindi ito komportable, ilang sandali ang makalipas nang maramdaman niyang binitawan nito ang kanyang kamay at nilampasan siya para lumabas ng break room.

Sinundan niya ng tingin si Just at nang tuluyan na itong mawala tiningnan niya ang hawak niyang cup noodles.

_

Nagsimula na ang kanilang training sa sumunod na araw at panibagong line-up nanaman ang kinailangan nilang gamitin. Dumaan ang dalawang linggo nang hindi nila namamalayan at matapos ang match ng group D sa pinakahuling week. Nilabas narin agad ng PKL ang list ng teams para sa susunod na round.

Kasama ng FTT sa group A ang Team GOT-G, HUV at RG. Sa group B naman ay Team EPG, TK, S.COMP at MANIAC. Hindi na-promote sa group A ang TK dahil mas mataas ang points ng RG kumpara sa kanila ngunit mas mataas ang points ng TK sa S.COMP at MANIAC kaya top 2 sila sa group B, top 3 naman ang FTT sa may pinakamataas na points sa group A. Sa third round ng regular season Team RG ang unang makakalaban ng FTT na top 4 sa group A, isa rin ang RG sa team na gumagamit ng marksman core-system at malakas din ang kanilang lane management. Ngunit ang kahinaan ng team nila ay micro, mahina ang RG kapag naghiwahiwalay sila ngunit napakalakas kapag nagsama-sama.

Isang top-tier marksman ang kanilang captain na si Water at ang Team RG din ang naka-eliminate sa FTT last season kaya may trauma pa si Lucky kapag nakikita niya ang mga players ng RG. Alam niyang malakas si Water dahil kung ang mga marksman players ay takot sa mga junglers iba si Water, marksman niya ang kinakatakutan ng mga junglers pro players.

Kung makakalaban ba nila ang team RG papayagan pa kaya nilang si Lucky ang magiging core nila? Lahat ng teams ay nag-aabang sa laban ng FTT at RG next month dahil hindi pa nasasagot ang tanong nila, nakaraan pa sila nilalamon ng kuryusidad kung anong klaseng training ang pinapagawa ng FTT para makakuha ng pentakill sa Team TK, nakarating din kay Lucky ang tanong na 'to at sinabi niyang walang espesyal na training ang pinapagawa ng FTT sa kanya, sad'yang kailangan niya lang lumakas para hindi makatanggap ng trash talk galing kay Boss.

Napuno ng tawanan ang comsect sa post ni Lucky nang i-repost niya ang tanong at iyon ang ilagay niyang caption. Hindi lang ang mga clubs ang na-cucurios para sa laban ng FTT at RG, maging ang mga fans ay nagtatanong din kung si Lucky parin ba ang gagamitin nilang core, alam naman nila na malayo ang agwat ni Water kay Lucky dahil si Water ang pinakamagaling na marksman pro sa PKL at nabansagang Filipino shooter. Kung gagamit din ng marksman core-system ang FTT siguradong mahihirapan silang i-execute si Water sa early dahil assassins jungler lang ang nakakapatay sa hero ni Water.

Ilang araw nalang at magsisimula na ang third round ng regular season ngunit hindi parin nagkakaroon ng meeting ang FTT kung ano ang gagamitin nilang strategy para sa RG. Nagsisimula nang makaramdam ng kaba si Lucky dahil last season, RG ang naka-eliminate sa kanila sa lower bracket ng playoffs at Hou Yi ang ginamit niyang hero. Kinakabahan siya dahil baka ma-drag niya nanaman pababa ang kanyang teammates kaya umaga palang niyaya niya kaagad si Gem na mag-doubles. Malakas ang tacit understanding ng farm lane dou ng RG kaya kinakailangan din nila ng malakas na tacit understanding para hindi sila malagay sa disadvantage pagdating sa laning.

May ilang araw pa bago ang next round at regular season palang naman kaya maingay nanaman ang group chat ng mga pro players.

[RG.Water: Excited sa laban next round.]

[HUV.Kai: All in para sa FTT.]

[GOT-G.Lessen: Waiting sa match natin. [tornheart.jpg]]

[RG.Crowd: Looking forward sa team niyo @GOT-G.Lessen.]

[GOT-G.Lessen: Bakit anong balak mo?]

[RG.Crowd: 2-0!]

[GOT-G.Lessen: Asa!]

[RG.Water: Balita ko may trash talk segment daw sa group A eh.]

[RG.Water: @FTT.Boss Looking forward sa trash talk segment!]

[FTT.Lucky: HAHA, si Boss na d'yan.]

[FTT.Boss: ? ]

[RG.Water: Sabi ni Coach makakakuha daw kami ng clean wins sa team niyo eh.]

[FTT.Boss: Mm, 'pag wala na akong kamay.]

[RG.Water: . ]

Napuno ng tawanan ang kanilang gc.

[FTT.Boss: @RG.Water palakas ka muna.]

Si Water sa loob ng kanyang dorm: "!!!" What?? Sinabihan ba siya nito na magpalakas? Isa siyang top-tier marksman ng PKL at global pero sinabihan siya nito na magpalakas?!

[HUV.Kai: ???]

[TK.Sin: ...]

[RG.Crowd: HAHA!]

[GOT-G.Lessen: Anong palag mo? @RG.Water]

[HUV.Kai: Hindi ka pala makapalag kay Boss tapos looking forward pa sa trash talk segment. Mag-aral ka muna.]

Si Water sa loob ng base: "!!?!!?!?!" Holy shit!

[RG.Water: @FTT.Just May nan-tatrash talk sa team niyo bago ang match which is against the rules. Penalty 'to.]

[FTT.Boss: Magkano ba? Baka kasi wala ka ng makain.]

[FTT.Boss: Maraming stocks dito sa base. Pili lang ipapadeliver ko sa base niyo.] [FTT.Boss sent a photo]

Nag-send pa ito ng estante na puro snacks dahilan para tuluyan nang matawa ang mga members sa gc.

Water: "..."

More Chapters