Cherreads

Chapter 97 - Chapter 95: Apo, kakapasok mo palang sa e-sports pero may na-offend ka na?!

Sa loob ng training room, naka-upo si Jacian sa gaming chair habang nasa kaliwa niya si Just at nasa kanan naman si Lucky. I-nin-vite na siya ni Lan at kasalukuyan na sila ngayong pumipili ng hero. Si Lucky ang kinakabahan sa solo ng dalawa at namamawis na ang kanyang kamay. Nang kunin ni Lan si Lady Zhen bahagyang napamura si Lucky.

Si Lady Zhen ang signature hero ni Lan at alam naman nilang lahat na ito ang hero na ginamit ni Lan nung world championship para makipag-dou sa Augran ni Just. Dahil sa lakas ng cooperation ni Lan, dalawang beses naka-pentakill si Just at naging FMVP.

Ngunit gustong alamin ni Lucky kung anong sagot ni Jacian sa Lady Zhen ni Lan dahil si Lady Zhen 'yung hero na kayang protektahan ang kanyang sarili. Hindi recommended si Shangguan kung Lady Zhen ang kalaban dahil i-fefreeze lang ni Lady Zhen ang kanyang sarili at hindi na tatama ang mga ink ni Shangguan.

Hinihintay nila kung anong hero ang pang-counter ni Jacian dito ngunit nagulat sila pati narin ang mga viewers sa live broadcast ni Lan nang makitang pinili ni Jacian si Da Qiao.

Lucky: "........?!" Namutla ang kanyang mukha. Ang sabi ko takutin mo si Lan hindi 'yung kami ang takutin mo!

Sa live broadcast ni Lan.

[What?! Da Qiao?! Is this real?!]

[Gagong Boss oh, Da Qiao talaga ang pinili. Yung hero na 'to madalas kung makita sa support eh.]

[Paano makakalaban 'yan kung puro crowd control ang skills. Ha! Ridiculous!]

[Support/Mage naman talaga si Da Qiao pero mas madalas siyang gamitin as roamer kasi puro siya crowd control. Ito ang unang beses kung makakita ng Da Qiao mid, hindi na kasi ginagamit sa mid lane 'to support kasi talaga siya.]

[Haha! Ginamit ni Lan ang signature hero niya samantalang support/mage lang ang ipantatapat ni Boss.]

[Sasabihin ko lang ha, hindi magaling sa solo si Da Qiao, mas okay sana kung Princess Frost since hindi rin naman assassin ang pinili ni Lan, hindi pantay ang laban kung kukunin ni Boss si Mai Shiranui dito. Kaya Da Qiao na lang.]

[Apo, kakapasok mo palang sa e-sports pero may na-offend ka na?!]

[Tsk! Gumamit talaga ng Da Qiao ha? Anong tingin niya kay Lan hindi nakapasok sa world championship?]

[Yung basura d'yan sa taas, magaling sa solo ang apo ko. Kayang kaya niya i-solo kill si Lan gamit si Yaria.]

[Hahahahaha! LMAO]

[Oh shit! Hinamon ni Lan ang apo ko, maling tao ang hinamon niya kahit maling hero ang pinili!]

[Kahit anong hero 'yan, si Boss parin 'yan.]

Ilang sandali ang makalipas nang magsimula ang match. Ang rules ng kanilang match ay mapatay ng tatlong beses ang kalaban o di kaya'y mabasag ang first turret. Tamang poke lang ang ginagawa ng dalawa habang wala pang ultimate at naglilinis lang ng minion wave hanggang sa maabot ang level 4. Sa katunayan, hindi naman kailangang hintayin ni Boss ang kanyang ultimate dahil teleport lang iyon at nakasalalay lang siya sa kanyang skill 1 at 3, kung meron man silang hinihintay na ultimate dito kay Lan lang iyon.

Nang pareho nilang maabot ang level 4, naghanap na si Lan ng tamang posisyon para gamitan ng skills combo si Boss, siya rin ang nag-initiate dahil malakas ang kanyang ult at kahit saang anggulo niya tingnan alam niyang lamang na lamang siya kay Jacian.

Hindi inaasahan ang pag-initiate ni Lan dahil umatake kaagad ito matapos magkaroon ng ultimate, bagaman nasa tamang posisyon siya ngunit wala siya sa tamang timing dahilan para lumabas na biglaan siyang sumugod at magulat sila, bahagya ring nagulat si Jacian dahil hindi niya inaasahan na gagamit kaagad si Lan ng skills combo. Mabilis na nakapag-react si Jacian at ginamit ang recall. Napahinto sila nang makita ang isang guhit na HP ni Jacian ngunit nakapag-recall pa siya. Nagpa-full health siya at nilapag ang kanyang ult sa spawn point pagkatapos nag-teleport pabalik sa mid lane. Ginamitan niya si Lan ng skills combo at mabilis na bumaba ang HP ni Lan sa 30%, gumamit din si Lan ng kanyang skills kaya nag-retreat si Jacian bago gumamit pa ng isang skill.

Hindi narin nag-push si Lan at napilitan umuwi. Samantalang, bumalik lang si Jacian sa spawn point gamit ang kanyang ult na nilapag niya sa spawn point at bumalik din kaagad sa lane nang maging full health. Nagsimula na siyang maglinis ng minion wave samantalang nasa spawn point palang si Lan. Ito ang advantage ni Jacian, mabilis siyang makakabalik sa mid lane at maglinis ng minions, p'wede siyang makapag-push kaagad at sirain ang first turret ni Lan.

Ano naman kung hindi niya mapapatay si Lan? Hindi rin naman siya magpapapatay, kailangan niya lang pahabain ang pasensya niya at mag-playsafe para masira ang first turret. Ito ang hindi napansin ng mga viewers kanina, tinawanan nila si Boss dahil gumamit siya ng Da Qiao at walang kakayahang mag-burst ng hero ngunit hindi lang naman kill ang magiging daan para manalo sa solo game na 'to. Ang rules nila ay patayin ng tatlong beses ang enemy o di kaya'y sirain ang first turret, at ang plano ni Boss ay hindi bigyan ng atensyon si Lan at sirain lang ang first turret.

Nagulat sila nang mapagtanto iyon. Ang trash talk king, ang trash streamer na grabe kung manggigil at nagta-tower dive makapatay lang ay hindi binibigyan ng atensyon ang kalaban. Tinrash talk siya ni Lan kanina at niyaya ng solo at buong akala nila ay mangigigil si Boss at makakapanood sila ng durugan, ngunit ngayon... hindi na 'to durugan, kundi professional tower-pushing game!

Hindi alam ng mga viewers kung matatawa ba sila o maiiyak. Kung plano lang din nilang magbasagan ng tower bakit hindi nila pinili si Milady na magaling mag-push?

Natapos ang solo game ng 5 minutes at successful na nabasag ni Jacian ang first turret ni Lan. Nagsisigawan sa live chat ang mga lolo ni Boss habang tinatawanan si Lan. Bahagya namang nagsalubong ang kilay ni Lan ngunit nang maalala niyang naka-live siya, kumalma ang kanyang ekspresyon at inayos ang kanyang sarili. Luminga siya sa camera na parang walang nangyari.

"Again." Hamon uli ni Lan na kaagad namang pinalagan ni Jacian.

[RG.Water: Mga lane-pushing pala 'to eh, mas batak pang magpabagsak ng tower kaysa sa akin. [LMAO.jpg]]

Umangat ang isang kilay ni Lucky nang mabasa ang comment ni Water.

Nagsimula ang next match at hindi na nag-push ng tower si Jacian. Kinuha niya si Daji, isang mage na malakas mag-instakill. Nang makita ng mga lolo ni Boss si Daji, nag-install na sila ng app na p'wede pang-edit ng video, siguradong may patayan na magaganap dito at gusto nilang i-edit ang bawat deaths ni Lan na may caption na '100 ways to die'

Hindi nga sila nagkamali, nang magkaroon ng ult si Jacian, nag-tower dive siya gamit ang flash at ginamitan ng skills combo si Lan na 2-3-1, hindi nakapag-react ang Lady Zhen ni Lan at natumba sa baba mismo ng tower. Sa tuwing lalabas si Lan sa tower, nakakahanap kaagad si Jacian ng magandang posisyon at skills combo kaagad. Minsan nauuna pang gamitin ni Lan ang kanyang skill para protektahan ang kanyang sarili sa pag-aakalang mag-i-skills combo si Boss ngunit naluko siya. Nang mawala ang freeze saka nag-flash in si Boss at skills combo.

Nakaramdam ng inis si Lan at bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Butil-butil na pawis ang gumugulong sa kanyang noo pababa sa kanyang makinis na mukha at hindi maiwasang mainis. Natanggal ang make-up sa ibang part ng kanyang mukha at ini-mute ang livestream room niya para sabihan ang kanyang katulong na i-adjust ang temperature ng air-con. Nang bumaba sa 9 degrees celsius ang temperament saka lang nakaramdam ng kalma si Lan.

Makalipas ang isang oras, umabot sila ng 15 solo game at makikita ang 42 deaths ni Lan. Madilim ang kanyang mukha at nanginig ang kanyang kamay, hindi niya alam kung ipagpapatuloy niya pa ba ang livestream niya dahil sobrang gusot na ng kanyang mukha dahil sa pagkainis at mapapansin ang mabigat niyang ekspresyon.

Kasalukuyan narin siyang pinagtatawanan sa live chat ngunit may mga ilan namang pinagtatanggol siya, hindi nabawasan ang bigat sa dibdin ni Lan matapos niyang i-mute lahat ng lolo ni Boss at itinuon ang atensyon sa chat.

[Let's See What You've Got: Ano kaya pa?]

[Lan: ...]

[Let's See What You've Got: Siguradong sira ang mental state mo dahil sa dami mong deaths.]

Lan: "!!!" Nagkuyom ang palad ni Lan at inis na nagtipa.

[Lan: What? Tingin mo ganyan kahina ang mental state ko?]

[Let's See What You've Got: Actually, akala ko gaganahan ako sa laban na 'to, pero matapos ang ilang games napansin ko na ang boring pala.]

[Lan: Tsk! Tingin mo malakas ka na dahil lang sa solo game na 'to? Bakit hindi mo gamitin si Gan&Mo para makita ng lahat na wala ka paring pag-improve. Hindi mo makukuha ang world championship trophy, hindi mo kayang bigyan ng World cup ang FTT!]

[Let's See What You've Got: Ganon ka kahina? Para manalo ka kailangan ko pang gamitin si Gan&Mo, ang hero na hindi ko ginagamit. Shit! Wala na akong kilala na mas babasura pa sa'yo. Isa pa, ang bawat laban ng FTT sa tournament walang kinalaman sa'yo. Kung inggit pumikit.]

Mas lalong humigpit ang pagkakakuyom ng palad ni Lan matapos basahin ang chat ni Jacian. Nababasa ng mga viewers ang chat nila kaya wala nanamang tigil sa pag-scroll ang live chat, ngayon, puro pambabash na iyon kay Lan.

[Let's See What You've Got: Palakas ka muna bago ka maghamon, Trash!]

[Let's See What You've Got: Pinaka-ayaw ko talaga 'yung hinahamon ako tapos AFK.]

[Let's See What You've Got: Mag-quit HoK ka na.]

Matapos ang sunod-sunod na message nakita ni Lan na nag-offline na ito. Nakaramdam siya ng sobrang inis at hindi na nagpaalam sa mga viewers para patayin ang livestream, pinatay niya lang kaagad iyon.

Sa loob ng base ng FTT. Niyugyog ni Lucky ang balikat ni Jacian at binigyan ito ng thumbs up. Hindi naman nag-react si Jacian at nagdesisyong bumalik sa dorm ngunit pagtayo niya sa kanyang gaming chair nakita niya si Just sa kanyang gilid na kanina pa siya pinapanood.

Binigyan siya ni Just ng maliit na ngiti. "Good job."

_

Bago sila natulog nag-chat si Mrs. Sojurn sa kanilang gc at sinabi nitong meron silang practice match sa TK bukas. Madaling araw na nang tuluyang makatulog si Jacian ngunit maaga pa nang magising siya, sanay siyang matulog ng 4 a.m at gigising ng 6 a.m kaya hindi na nagulat si Lucky nang makitang naroon na si Jacian sa training room nang pumasok siya. Naroon din si White at ang mid laner ng second string habang nag-doudouble Q.

Nilibot muna si Lucky ang kanyang mga mata sa training room at nang makitang wala pang mga staff, mabilis siyang lumapit kay Jacian at hinila ang gaming chair para umupo. Medyo malayo ang pwesto nila White at parehong nakatalikod sa kanila, kahit na magsalita si Lucky ay hindi nila maririnig.

Nang mapansin ni Jacian ang kakaibang kilos ni Lucky, hindi niya maiwasang lingain ito. Bagaman, hindi naman siya nakakaramdam ng antok kahit na 2 hours lang ang tulog niya makikita parin ang dalawang itim na bilog sa kanyang mga mata.

Nagulat si Lucky nang makita iyon. "Kino-cosplay mo ba si Akai?"

Binawi ni Jacian ang kanyang mga mata. "2 hours lang ang tulog ko."

Lucky: "!!!"

"Nag-chat si Coach Sojurn sa akin na hindi si Captain ang magiging jungler natin sa match ng Fantastic Era kaya nag-practice ako buong gabi para mabuhat ka." Wala sa sariling saad ni Jacian habang nagtitipa sa keyboard ng computer. Ang itim na headphone ay naka-ikot sa kanyang leeg.

Sumama naman ang mukha ni Lucky. "Dapat ba akong mag-thank you?"

Hindi pinansin ni Jacian ang sinabi niya at humarap sa screen ng computer kung saan naka-paused ang gameplay ng Fantastic Era. Ngunit maya-maya lang hinarap niya rin kaagad si Lucky para magtanong.

More Chapters