Binigyan ng matalim na tingin ni Mrs. Sojurn si Just. Diretso lang ang tingin ni Just habang naka-upo sa tabi ni Coach Dang, isinuksok niya ang kanyang kamay sa bulsa at kalmadong sumandal sa sofa.
"Sino ang commander sa game 2?" Tanong ni Mrs. Sojurn sa kanilang captain.
Bahagyang napakagat labi si Jacian at nilinga ang kanilang captain, naging matalim ang dila ni Mrs. Sojurn kanina nang sermonan nito si Lan ngunit hindi inakala ni Jacian na mas tatalim iyon para tanungin si Just. Sa paraan nang pagtanong nito kay Just para bang hindi nito ang anak ang kausap nito, pakiramdam ni Jacian hindi maayos ang relasyon ng mag-ina ngunit hindi rin siya makapaghusga dahil lang sa nakikita niya, binawi niya lang ang kanyang paningin at umayos ng upo.
Umubo si Coach Dang para kunin ang kanilang atensyon. "Mrs. Sojurn, bago palang si Jacian sa team at hindi pa ganun ka-sync sa coordination ng mga veteran players ng FTT kaya hindi ko siya pinayagang mag-command. Sa commander nung game 2..."
"Walang commander nung game 2." Singit ni Just nang humina ang boses ni Coach Dang. Sinusubukan ni Coach Dang maghanap ng excuses para hindi sila mapagalitan ngunit hindi nakisama si Just. "Tinapos namin ang match gamit ang tacit understanding." Dagdag niya pa. Tuluyan nang napapikit si Coach Dang, mukhang kulang pa ang tacit understanding nila ni Just.
Naningkit ang mga mata ni Mrs. Sojurn. "Tinapos ang match gamit ang tacit understanding? Ibigsabihin, habang gumagamit si Jacian ng hero na hindi niya pa nagagamit hindi niya rin alam ang nangyayari?" Mahinang tanong ni Mrs. Sojurn.
Hindi nagsalita si Just at katulad nila bahagya siyang napatingin sa baba habang nilalamon ng guilty.
"Bullshit!" Mura ni Mrs. Sojurn. "Tingin niyo tama ang ginawa niyo?! Anong klaseng team kayo! Anong klaseng captain ka?! Hindi niyo ba napansin na ilang beses namatay si Jacian at wala man lang nagbigay ng assist! Nakuha niyo ang victory habang nasa death recap si Jacian tapos kayo buhay na buhay! Tingin niyo magiging masaya 'to dahil naka 2-0 kayo?! Anong klaseng team 'to!" Gumalaw ang matalim na panga ni Mrs. Sojurn dahil sa galit, salubong ang kanyang kilay na animo'y kahit anong oras ay hahampasin nanaman nito ang mesa.
Mabigat ang tensyon sa living room, kahit si Coach Dang na pinakamatagal nang kilala si Mrs. Sojurn ay hindi maka-isip ng paraan para pakalmahin ang kaibigan niya, gusto niyang magsalita para protektahan ang mga players ngunit hindi niya alam ang sasabihin. Sa kabila nang mabigat na tensyon, bahagyang tumikhim si Jacian. Tiningnan niya si Just at bahagya itong nginitian bago nilinga si Mrs. Sojurn.
"Actually, hindi naman mahalaga ang journey ng match. Ang importante lang naman dito ay ang result dahil iyon ang i-rerecord ng PKL. Ngayon ko lang din naintindihan, ang plano ng mga teammates ko ay gawin akong pain at agawin ang atensyon ng EXTRA dahil alam nilang hindi ako marunong gumamit ng Gan&Mo. Hindi naman nasayang dahil habang target ako ng EXTRA nag-take advantage kaagad ang mga teammates ko para sirain ang turrets na napapabayaan ng EXTRA. Sa una palang ang plano nila ay mabilisin ang laban..." napakamot si Jacian sa kanyang ulo. "Hindi ko lang alam na may ganito silang plano." Dagdag ni Jacian.
"Masaya bang pabayaan ng teammates at hayaang mamatay ng six times?" Tanong ni Mrs. Sojurn kay Jacian habang naka-cross arm.
Kalmado naman ang ekspresyon ni Jacian. "Wala naman sigurong player ang gustong pinapabayaan ng teammates, not to mention hayaang mamatay ng six times. Kahit sa rank game nga makakaramdam ka ng inis kapag hindi ka binigyan ng assist iyan pa kayang tournament na pinapanood ng libo-libong viewers." Mahinang sagot ni Jacian.
Sa katunayan, kahit sabihin niya pang hindi niya pangarap ang maging pro player kapag nandun na siya sa game area habang nakasuot ng noise-cancelling headphones hindi niya mapigilang makaramdam ng tampo. Iniisip niya, bakit hindi siya binibigyan ng assist? Anong plano ng mga teammates niya? Hindi niya pangarap ang maging pro pero seryuso siya maglaro. Malaki rin ang halaga ng signing fee niya kaya ayaw niyang madismaya ang taong nag-recommend sa kanya na owner pa ng club.
Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil sa nangyaring match ngunit hindi niya rin tuluyang masisisi ang kanyang sarili dahil may dahilan siya, ngunit ang dahilan niya ay walang kinalaman sa team. Pero hindi naman sinabi ni Lan na gagamitin niya pala si Gan&Mo sa tournament, kahit sa mga line-up na ginawa nito at sa mga hero na kailangan niyang i-master ay hindi nakasama si Gan&Mo. Hindi naman siya ganun kagaling na kahit hindi niya pa alam ang hero kaya niyang gamitin ng maayos at makakapag-pentakill siya. Kung hindi niya pa nagagamit ang hero natural lang na hindi niya talaga alam, anong tingin sa kanya ni Lan may power? Na kahit hindi niya pa nagagamit ang hero kaya niyang gumawa ng nakakamanghang mga gawa? Hindi lang din basta players ang mga kalaban nila kundi mga professional players.
Makalipas ang mahabang sandaling pananahimik ni Lan, nag-angat siya ng tingin at inayos ang kanyang salamin para tingnan si Mrs. Sojurn. "...kasalanan ko 'rin ang match na 'to." Aniya at ipinaglapat ang kanyang mga labi. "Aayusin ko next match."
Binato siya ni Mrs. Sojurn ng malamig na tingin. "Hindi ko nakikita ang world championship sa coaching mo."
Nang sabihin iyon ni Mrs. Sojurn, para bang binuhusan si Lan ng isang baldeng malamig na tubig, nanigas siya sa kanyang kinauupuan. Hindi lang siya ang nabigla, maging si Coach Dang at mga players ng FTT ay nabigla din. Pinapagalitan ni Mrs. Sojurn ang kanilang coach at hindi iyon maganda kung maririnig nila bilang players kaya nagkaroon sila ng tacit understanding at nagkasundong pumunta sa training room. Sinara ni Just ang pinto at hiwakan ang braso ni Jacian.
"May tampo ka?" Tanong niya.
Hindi naman sumagot si Jacian at binigyan ng nagtatakang tingin ang kanilang captain. Narinig ni Lucky ang tanong ni Just at hindi maiwasang hindi makaramdam ng guilty, nakita ni Jacian ang ekspresyon ni Lucky nang luminga siya at kaagad nagsalubong ang kanyang kilay.
Sa katunayan, ilang araw ng tahimik si Lucky simula nang matapos ang match nila sa EXTRA. Hindi siya mapakali nung nasa loob sila ng team van pabalik sa base at animo'y may gusto siyang sabihin kay Jacian ngunit hindi siya makahanap ng tyempo, nakakaramdam siya ng guilty dahil sa naging laro nila nung game 2 at gusto niyang mag-sorry kay Jacian dahil sa ginawa nila. Pakiramdam ni Lucky naging makasarili sila sa match na 'yun, pinabayaan nila si Jacian at hinayaang mamatay ng six times na siyang hindi ginagawa ni Jacian sa kanila. Pumipili si Jacian ng mage na malakas ang crowd control at healing katulad ni Dr Bian at walang karapatang gamitin ang kanyang signature hero. Para protektahan sila, lalo na si Lucky, laging pinapain ni Jacian ang kanyang sarili at nagbibigay ng assist para hindi sila mamatay. Kung p'wede ngang tumambay nalang si Jacian sa farm lane ay ginawa niya na, hindi maitatanggi ni Lucky na magaling talaga si Jacian kumpara sa ibang mid laner sa PKL, kahit iwan niya ang mid lane para mag-assist kaya niya paring habulin sa farming ang kanyang enemy na siyang mapapatanong ka kung paano nangyari 'yun.
Hindi siya naging makasarili sa mga matches nila. Ang iniisip nito ay ingatan ang kanyang teammates at maipanalo ang laro ng smooth. Ngunit sila, naging masarili nung game 2, hindi kayang gamitin ni Jacian ang Gan&Mo kaya ang ginawa nila ay pabilisin ang match. Hindi sila nagsalita at walang communication ang nangyari ngunit meron silang tacit understanding na kapag alanganin ang isa nilang teammate ay pabilisin ang laban, napagkasunduan nila ito nung si Savage pa ang kanilang mid laner. Bago lang si Jacian sa club at hindi alam na may ganito silang mindset, hindi rin nila sinabi ang kanilang plano dahilan para lalong makaramdam ng guilty si Lucky.
Tama nga ang sabi ni Mrs. Sojurn kanina, wala silang cooperation. Ano nga bang klaseng team sila? Hinayaan nilang madurog ang isa nilang teammate at makuha ang victory habang nasa death recap ito. Kahit sinong pro player ay makakaramdam ng tampo at sama ng loob, kung kay Lucky nangyari 'yun baka hindi niya na pinansin ang kanyang teammates. Idagdag pa na debut match series ito ni Jacian, ayos naman 'yung game 1 na siyang debut match ni Jacian ngunit sobrang lala talaga ng game 2. Kahit sinong pro na magdedebut ay hindi matatanggap 'yung ganung result.
Sumama ang mukha ni Lucky, nakatayo siya sa harapan ni Jacian na hindi siya binibigyan ng atensyon.
Nagulat si Jacian nang yumuko si Lucky at bahagya itong suminghot. "...actually, kasalanan namin 'yung game 2..."
"Shut up! Ayoko ng drama sa buhay." Singit ni Jacian at nilampasan si Lucky para tumungo sa kanyang gaming chair.
Lucky: "!!!"
Nagpakawala naman si Blue ng mahinang tawa.
Hindi makapaniwala si Lucky. Namatay si Jacian ng six times ngunit hindi man lang ito nakakaramdam ng lungkot? Gusto niyang sorry pero sinabi nitong ayaw niya ng drama sa buhay? Tao pa ba 'to?
Lalong sumama ang mukhang ni Lucky. Nakita niyang umupo narin si Just sa gaming chair nito at binuksan ang gaming phone, bumulong pa ito kay Jacian ngunit hindi naman sumagot si Jacian. Napakamot si Lucky sa kanyang batok at umupo sa kanyang pwesto nang tawagin siya ni Gem para makipag-Q.
Nag-training sila sa rank game ngunit matapos ang dalawang game ay bumukas ang pinto ng training room at pumasok si Mrs. Sojurn at Coach Dang, sinara naman ng staff ang pinto mula sa labas.
Tinanggal nila ang kanilang noise cancelling headphones at pinatay ang gaming phone.
"Guys, listen!" Ani Mrs. Sojurn at pinalakpak ang dalawa niyang kamay para matuon sa kanya ang atensyon nila. Naglakad ito sa dulo ng mesa at inilapag ang dalawang kamay sa magkabilang dulo nun, umupo naman ng maayos ang limang players ng FTT habang naghihintay ng sasabihin ni Mrs. Sojurn. "Gusto kong i-announce na hindi na si Coach Lan ang magiging coach niyo." Saad niya habang pinapasadahan ng tingin ang players ng FTT. Kalmado si Mrs. Sojurn at matapos sabihin iyon ay nilinga nito si Coach Dang na nasa kanyang gilid. Makikita naman ang pagtataka sa mukha ng limang players at pare-parehong nakakunot ang kanilang mga noo. Matapos tingnan si Coach Dang ay ibinalik din nito kaagad ang tingin sa mga players. "Napag-usapan na namin ni Coach Dang ang magiging coach niyo sa regular season, actually... gusto kong si Coach Dang ang coach ng team dahil nakasanayan niyo na ang coaching niya pero hindi siya available sa buong regular season." Paliwanag ni Mrs. Sojurn.
Dalawa lang ang coach sa kanilang club, si Coach Dang para sa kanilang team at Coach Em para sa second-string, kinuha ng club si Lan kaya meron na silang tatlong coach. Ngunit ngayon, tinanggal ni Mrs. Sojurn si Lan at hindi available si Coach Dang, maliban kay Coach Em wala na silang naiisip na p'wede nilang maging coach.
Dinikitan ni Lucky si Gem. "So, si Coach Em ang magiging coach natin sa regular season?" Mahinang tanong niya.
Sasagot na sana si Gem ngunit nagsalita si Mrs. Sojurn. "Ako ang magiging coach niyo sa regular season." Ani Mrs. Sojurn habang nakatingin kay Lucky.
Lucky: ".............."
Napako siya sa kanyang kinauupuan at hindi magawang mag-react. Ngunit maya-maya lang... Holy shit! Tama ba ang narinig niya?! Si Mrs. Sojurn ang magiging coach nila na wner ng club?! Alam naman nila ang temperament ni Mrs. Sojurn at marinig palang nila ang pangalan nito ay tumatayo na ang kanilang balahibo.
Inayos ni Mrs. Sojurn ang kanyang sunglasses na iniangat niya sa kanyang ulo. "Don't worry, pareho lang ang strategy namin ni Coach Dang, hindi kayo mahihirapang mag-adjust pagdating sa playoffs." Dagdag pa nito at umupo sa gaming chair. "Tawagin niyo akong Coach Sojurn." Aniya at ipinatong sa mesa ang dalawang siko.
Hindi parin makapaniwala ang limang players, hindi sa hindi sila makapaniwala kundi ayaw nilang maniwala. Paano sila makakapaglaro ng maayos kung si Mrs. Sojurn ang kanilang coach? Medyo sumaya sila nung malaman nilang tanggal na si Lan sa kanilang club ngunit ang malamang si Mrs. Sojurn ang kanilang magiging coach, para bang ang hirap huminga.
