Cherreads

Chapter 45 - Chapter 44

"LUCIEN, YOU IDIOT!!! " sigaw sa akin ni Sky habang sinuntok niya ako sa mukha.

Hindi ako lumaban.

I feel so numb. Hanggang ngayon di pa rin nag-si-sync in sa akin ang mga sinabi kanina ni Rain. Feeling ko may mga tinik sa puso ko ngayon. 

Kanina, hindi ako galit. Just annoyed, hurt, and also, jealous. 

Yung mga nakita nila sa akin kanina, hindi ko yun sinadya.

Ewan ko ba sa sarili ko. I feel like I'm not in my body a while ago.

"Bakit hindi mo siya pinigilan? " tanong sa akin ni Kennedy.

"Alam mo ba kung anong nararamdaman niya ngayon?" dagdag ni Ruark.

"Hindi mo ba siya tanggap? " tanong naman ni Kaiser.

"Tanggap ko siya. Kahit ano pa siya. I just need time to accept that he lied to me. " sagot ko ng mahina.

"That's not acceptable!!!!! If you love him truly, then you can accept him right there and then!!! " sigaw sa akin ni Sky habang sinuntok ulit niya ako, dahilan upang mapaupo ako sa sofa habang dumugo ang gilid ng labi ko.

Rain's brother.

Now I know kung bakit ganun siya ka-protective at clingy sa boyfriend ko.

"I love him okay!!!!!! I love him so much. I'm just hurt because he lied to me. Na hindi niya maipagkatiwala sa akin ang lihim niya. Pero that doesn't mean na hindi ko siya tanggap!! "sagot ko kay Sky kasi kinukuwestiyon niya ang nararamdaman ko sa kapatid niya.

How dare he!! Kahit kapatid pa siya ni Rain, kung uulitin pa niya iyon, papatulan ko na siya.

"Masakit lang isipin na hindi ko talaga siya tunay na kilala." hinanakit ko bigla.

It breaks my heart that despite everything we've been through together, Rain still didn't trust me

Sumandal ako at ipinikit ko ang aking mga mata. Pagkatapos ay unti-unting pumatak ang mga luha ko mula doon. 

Lalaki man ako. Nasasaktan din naman.

Masakit. 

Masakit na masakit na makita ang reaction niya kanina. 

Masakit na malamang hindi ko pa talaga siya kilala. Pero masakit din na makita kung paano ang naging reaksyon ng taong pinakamamahal ko nang sa wakas ay nagawa niyang sabihin sa akin ang totoo.

I don't want to see that emotionless face and cold tone that he used while confessing. Na para bang tinanggap na niya na hindi ko siya magugustuhan at matatanggap. Na tinanggap na niya na tapos na ang anumang namamagitan sa amin.

Laruan lang ba ako para sa kanya? 

While drowning in my own despair, the door slammed open.

Lahat kami tumingin sa may pinto. Doon nakita namin ang Slayers na puro pawis at pawang pag-aalala at galit ang makikita sa mga mukha nila. 

Nalimutan ko ang lahat ng iniisip ko dahil naging masama ang kutob ko.

May nangyari ba kay Rain?

Sana mali ang iniisip ko.

Sana mali ako.

Please!!

Please!!

"What happened?" tanong ni Sky sa nag-aalalang boses.

"Bad news!! Rain!! Rain's been kidnapped!!! " sigaw ng isa sa kanila.

Tumayo ako bigla.

Hindi maari!!

Hindi!!

Hindi!!

"Whaattt??? " tanong ko.

Hindi pa man sila nakakasagot nang lumabas si Sky. Kasabay no'n ang banta niya sa akin.

"Mapapatay kita kung may nangyari kay Rain Lucien. Wala akong pakialam kung leader man kita at kaibigan!! " sigaw sa akin ni Sky.

Shit!!!!!!

This is all my fault!!

"Maghanda kayo. Hahanapin natin si Rain at ililigtas siya. " utos ko sa iba, especially sa gang ko.

Hindi ko na pinansin ang banta ni Sky. Kasi hindi man niya gawin, ako mismo ang unang-una na gagawa nun. 

Lahat sila ay kanya-kanyang handa habang sina Hunter-- kasama sa Gang ni Rain, Kaiser at Dennis ay busy sa pagti-type sa kanya-kanyang laptop, locating Rain wherever he is.

Wait for me, Rain!!

**************************************************************************************

Pain . . . . is what I am feeling right now.

Paano ba naman kasi, kanina pa nila akong kinakawawa. Merong susuntukin nila ako at sisipain. Kung minsan naman ay ilulubog nila ako sa drum na puno ng tubig o kaya naman ay hahampasin nila ako ng latigo sa kahit anong parte ng aking katawan. 

Though every time they do something to me, ni minsan, hindi sila nakarinig ng sigaw sa akin. Ni hindi nila ako nakitaan ng kahit anong emosyon mula sa mga ginagawa nila sa akin.

Why would I? Hindi ko gustong bigyan sila ng satisfaction dahil sa mga ginagawa nila sa akin.

"Ano huh? Sisigaw ka na ba? Iiyak?" maangas na tanong sa akin ng isa sa kanila pero hindi ako sumagot. I just stared at him emotionless. Kaya nainis ata siya at lalong linakasan niya ang paghampas sa akin ng latigo na hawak niya.

Sa totoo lang. Manhid na ako. Kanina pa. Wala na akong maramdam. Isa pa, wala na rin akong pakialam kung ano ang mangyari sa akin dito. Wala na akong pakialam kung mamatay man ako dito. I don't care anymore.

The door opened.

"Tama na yan. " saway ng isang boses.

Pagtingin ko, yung tao pala na siyang may pakana ng lahat ng ito ang pumasok at nagsalita, si Cross Kansumi. May kasamang siyang medyo matangkad na balingkinitang lalaki. That said man had heavy makeup on. Sayang ang mala-anghel na mukha niya sa pinaggagagawa niya sa sarili. 

Sa hilatsa ng itsura ng lalaki, sa unang kita ko pa lang, hindi ko na siya gusto.

"Now!! Now!! Now!! Look what we have here. " mapanglait na sabi sa akin ni Cross habang nakatingin siya sa akin. 

Nakatali ang mga kamay at mga paa ko sa magkabilang dulo ng kwartong eto. Ang tanging suot ko lang ngayon ay ang maong pants ko. At punit-punit na eto, especially sa bandang legs ko. There's blood all over my body kasi napuno no ang mga yun ng mga sugat mula sa latigo at iba pa.

For others, I look gruesome. I'm sure they will question how I am still alive while having those many bloody wounds.

"Now!! Now!! Now!! Look what we have here. The good-for-nothing bastard. " I mimicked him mockingly using my playful voice.

He gritted his teeth, "Aba. . . may gana ka pang mag-mayabang ah. Ang tanong. . . . may ipagmamayabang ka ba? "

Tinaasan ko lang siya ng kilay, "What do you think?? "

"Well, I think that there's none. " sampitaw nang lalaki.

"Huwag kang makialam dito, sissy. Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo ng good manners? MY GOD!! " mapang-uyam na bara ko naman sa lalaki.

Mukhang nainsulto siya kasi lumapit siya sa akin at sinampal niya ako.

"Hindi ako makapaniwala na ikaw LANG ang ipinalit sa akin ni Lucien bilang BOYFRIEND niya ngayon. I mean, look at you. You're NOT even sexy and handsome as I am" sabi niya sa akin ng nagmamalaking boses.

Sinampal niya ulit ako.

Hmm. . .

So it's you.

I silently smirk evilly towards him.

YOUR DEAD SISSY!!!! 

Maya-maya lang, may narinig akong mga yabag.

Maiingat, magaan, at mabilis.

I slowly smile sweetly.

This time I let them see that.

Especially that Sissy. 

"You're dead." I said plainly.

Gamit ang natitira ko pang lakas, hinila ko ang mga braso ko para matanggal sila sa pagkakatali, dahilan upang maputol ang mga nakatali sa akin. Ganun din ang ginawa ko sa mga paa ko. Fortunately, ang mga tali ay hindi masyadong makapal, kung hindi, sa panghihina kong ito, paniguradong hindi ko mapuputol ang mga 'to.

While I am doing it, I keep on staring at them.

After I am free at last, I laugh loudly. Very amused when I saw their reaction. 

Habang tumatawa. Naririnig ko pa rin ang mga yabag at ang iba niyon ay palapit na sa amin. 

Ewan ko kung hindi lang pinapansin ng mga ito ang mga yabag o talagang mahina lang ang pandinig ng mga ito. 

Sa tingin ko, makakarating na ang mga yabag sa aming kinaroroonan in a count of three.

One!!

Two!!

Three!!

"RAAAIIIINNNN!!!" sigaw ng isang tao.

Hindi na ako nagulat nang makita ko na mga kasamahan ko sila. Ang ikina-gulat ko nang makita ko kung sino ang sumigaw sa isa sa mga kadarating lang. 

Si Lucien. 

My heart suddenly filled with joy and love. 

He came. 

He truly came. 

My Lucien. 

My love. 

My beloved. 

Kumilos ang mga kasama niya, si Kuya Sky at si Knight, para hulihin ang lalaki at si Cross.

"Hindi ko akalain na ganito lang sila kadaling mahuli." komento ni Kuya Kaiser na kapapasok lang sa kwarto.

"Yeah. " sang-ayon ng iba na kapapasok din.

They are all here.

"You came. " anas ko sa kanila.

Masaya ako at narito silang lahat. Ang akala ko, papabayaan lang nila ako dito.

"Rain!!! " sigaw nila.

Lalapitan sana nila ako, pero hindi nila inasahan na makakawala si Cross mula kay Knight. Now he's pointing a gun at me and Lucien, na kasalukuyang nilalapitan ako, at ngayon ay masuyo niya na akong hakan sa baywang para mapalapit ako sa kanya, na siyang ikinabigla ko.

Tumawa si Cross nang malakas habang pinupunasan ang dugo sa kanyang pisngi kasi sinampal siya nang malakas kanina ni Kuya Sky.

"I'm not gonna let you ruin my plan. I'm gonna kill you two."

"Cross!! Bakit pati si Lucien idadamay mo. Ang usapan lang natin ay si Rain lang ang papatayin mo." sigaw ng lalaki na hawak ni kuya Sky.

"So you're part of this too, Faelan." mapanganib na sabi ni Lucien.

"Faelan?" tanong ko.

"Ow!! Come on, Lucien baby. I'm back, and will you order this member of yours to let me go already so that I can hug you?" Faelan sweetly said habang binalewala niya ang tanong ko.

He said that as if we were not present. Ang lahat ng atensiyon niya ay na kay Lucien na.

"Eh? Who are you anyway? " tanong ng isa sa aking Slayers.

Lahat sila naiinis na sa lalaki. After all, Lucien is their Leader's possession.

At ako? 

I just keep my mouth shut.

"I'm Lucien's boyfriend." masaya at nagmamalaking sagot niya.

"You mean . . . . you're his fucking bitch, slut, gold digger, useless ex? " sabat naman ni Sky sa nanunuyang tono.

So I'm correct.

Huh!! I finally found you!!

You're dead!!

"So you're the one. " I commented coldly.

Sinenyasan kong batuhan ako ni Tricka ng isang shuriken niya. When he threw one, I caught it. Pero bago ko pa ibato iyon kay Faelan, nakita kong pinutok na ni Cross ang baril niya kay Lucien. 

I immediately moved to cover myself in front of Lucien as I threw my shuriken to Faelan. 

Tiniyak ko na tatama iyon sa noo niya. Kasi hindi ako matatahimik na lalabas pa siyang buhay dito. 

Actually, I want to torture him further, but when I saw the bullet's target is Lucien's heart, I decided to finish it once and for all. So I just killed him, that instant.

'Where even bitch.' I whispered while my body started to fall through the floor, habang nakatakip sa aking dibdib na siyang tinamaan ng bala ang kanan kong kamay. But I saw Lucien catch me immediately before I completely fell.

The bullet penetrated my left breast. Near the heart. Hinawakan ko si Lucien sa pisngi kahit duguan pa ang kamay kong iyon.

"I love you Lucien. And I'm sorry!!" masuyong sabi ko kay Lucien, and right there and then, my vision blackened.

More Chapters