Biglang nagimbal ang binatang si Van Grego sa kaniyang nakita sapagkat sa hindi kalayuan ay nakita niyang ang isang nilalang na nakabukas ang dambuhalang pares ng mapupulang mata nito kung saan ay nakaw-tingin sa napakadilim na lugar sa loob ng mahabang tunnel hole na ito. Sa naglalakihang pares ng mata nito ay makikita na matiim nitong tiningnan ang binatang si Van Grego at mababakasan ng savagery ang pagkakatitig nito sa binatang si Van Grego.
Hindi mapagkakailang parang pamilyar sa binatang si Van Grego ang pares ng mata nito.
Gamit ang matalas na divine sense maging ng kaniyang matalas na pang-amoy at paningin ay agad niyang nakita ang kabuuang anyo ng nasabing halimaw na hindi pa rin nawawala ang galit na galit nitong tingin sa binatang si Van Grego.
Ngunit nagulat na lamang si Van Grego na parang nawala bigla ang kaniyang kakayahan sa divine sense niya sa paligid mismo ng halimaw. Mistulang mayroong enerhiyang nagpawalang-bisa o pumipigil na obserbahan pa lalo ang halimaw na ito.
"Hindi ko aakalaing malakas pala ang halimaw na ito. Kung hindi ako nagkakamali sa aking obserbasyon ay mayroong Cultivation Level na Martial Ancestor Realm ngunit bakit parang madali lamang napigilan ang aking divine sense?!" Nagtatakang sambit ng binatang si Van Grego habang hindi mapigilang magseryoso sa kasalukuyang sitwasyon. Hindi niya pa rin maiwasang magtaka at mangalumbaba sa kaniyang sariling obserbasyon. Tiyak kasi siyang isang Martial Ancestor Realm Expert lamang ang nilalang na iyon kaya paanong na-restrict ang kaniyang sariling enerhiya lalo na ang kaniyang divine sense. Napakaimposible talaga kahit saang anggulo man tingnan ng binatang si Van Grego ay talagang wala siyang mahanap na solusyon o konklusyon sa kaniyang naiisip sapagkat napuno pa rin ng hiwaga ang kaniyang sariling kaisipan patungkol rito.
Ngunit kung inaakala ng binata na ganon lamang kadali ang sitwasyon niya ay nagkakamali siya.
Maya-maya pa ay tuluyang nawala ang divine sense ni Van Grego sa paligid ng halimaw at mabilis niya itong na-withdraw sa tamang pagkakataon lamang.
Ang isang pares ng naglalakihan at nagpupulahang mata ay bigla na lamang nasundan pa ng pagbukas nang dalawang pares ng mata... Nang tatlong pares ng naglalakihan at nagpupulahang mata... Ng naglalakihan at nagpupulahang limang pares ng mata... Nang sampong pares ng mata... Nang dalawampong pares ng mata... Nang limampong pares ng mata hanggang sa dumami ng dumami pa ito.
"Buwiset, bakit naririto ang isang daan at limampong mga halimaw na ito?! At nakatingin silang lahat sa akin?!" Seryosong sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang. Halos mapatalon siya sa gimbal at pangambang nararamdaman niya. Tama kayo ng pagkakarinig. Tatlongdaang pares lang naman ng naglalakihan at nagpupulahang mga mata ng mga halimaw ang nakatingin ng matiim sa kinaroroonan ng binatang si Van Grego. Ang tingin ng mga ito ay hindi ordinaryong tingin lamang na nanonood ngunit makikita ang halos lumuwa ang mata ng mga ito at nagliliwanag ang pares ng mga mata nito habang tintitigang maigi ang binatang si Van Grego. Hindi isang tingin ng normal na nilalang kundi yung tipong tingin pa lang ay malalaman mo ng may galit, poot at mga negatibong emosyon ipinupukol sa binatang si Van Grego.
"Hmmmp! Tingin ng mga ito ay mapapasailalim nila ako sa kanilang sariling abilidad na gustong pasukuin at kontrolin ang aking kamalayan... Hindi niyo magagawa sa akin iyan... Break for me!" Sambit ng binatang si Van Grego at mabilis na pinalabas ang kaniyang Spiritual energies sa kaniyang dantian at pinadaloy papunta sa kaniyang ulo lalo na sa kaniyang utak.
Mabilis na pinalabas ni Van Grego ang kaniyang pinakamalakas na enerhiya sa kasalukuyan, ang kaniyang Spiritual energies.
"BANGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!"
Biglang nagliwanag ang buong katawan ng binatang si Van Grego. Dumaloy ang mga Spiritual Qi sa iba't ibang parte ng acupuncture points ng katawan ng binata. Ang kaniyang buong katawan nakung saan dumaloy ang Spiritual energies ay nagliwanag.
"Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak! Puak!"
Dito ay mabilis na sumabog ang katawan ng apatnapong bilang ng mga halimaw. Nakita ito ng binatang si Van Grego at dito niya nga nakumpirma ang lahat ng kaniyang mga hinala. Walang iba kundi ang mga Matured Alluring Night Green Bats na ngayon ay nalagasan ng apatnapo ang mga bilang ng mga ito.
GROOOOOOAAAAARRRRRRRR!!!!
GRRROOOOOOOAAAAARRRRRR!!!!
GROOOOAAAAARRRRRRRRRRRRR!!!!!
Halos manginig ang buong katawan ni Van Grego sa labis na ingay na nararamdaman niya. Hindi niya aakalaing mayroong malalakas na halimaw katulad ng mga Matured Alluring Night Green Bats sa loob ng Tunnel Hole na ito.
"Kung minamalas ka nga naman oh. Ang tindi at napakalakas ng Spiritual Disturbances ang nagagawa ng mga halimaw na ito. Ngayon ay alam ko na, ginagamit nila ang kanilang mga tenga upang magproduce ng kakaibang Sound Attack upang lituhin at masiraan ako ng bait!" Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang inaanalisa ang mga bagay-bagay na alam niya. Tama nga ang hinala niya, ang tenga ng Mature Alluring Night Green Bats ay nadedevelope at nag-iimprove sa oras na makatapak ang mga ito sa Cultivation Level na Martial Ancestor Realm. Ang kanilang atake ay hindi isang Spiritual Attack kundi isang Sound Attack na sub-concept ng Concept of Wind na siyang sub- concept rin ng main concept na concept of Air.
Ang Sound Attack ay parang katulad rin sa mga musical or instrumental type na Cultivator o Martial Artists. Dito ay parang bumubuo sila ng kakaibang tonal methods sa pamamagitan ng mga kakaibang mga Musical scores sa isang Music Type Techniques. Ang kanilang mga skills ay napakamisteryoso sapagkat kakaiba ang mga musical scores at literal na gumagalaw at nagpalipat-lipat ang mga nota kapag ginagamit ito sa mga bagay-bagay katulad na lamang ng pang-atake, dito ay hindi mapi-predict ng sinuman ang mga atakeng gagamitin nila o kaya ay hindi nila mapipigilan ang mga atake ng mga ito. Aside from Concept of Space, Concept of Thunder and Concept of Air have also many mysterious variations in terms of attacks, predictions, and the degree of masteries. Kaya hindi nakakapagtaka na ang simpleng tunog ay nakakamatay pala. Halos ang tatlong mga konsepto ito (Concept of Space, Air and Thunder) ay likas na kakaiba, misteryoso at mapanlinlang. Ang mga ito ay hindi maaaring pagsamahin dahil sa taboo. Once kasi na mstutunan mo sa high degree ang mga ito ay maaaring hindi ka na malamangan o masundan ng sinuman. Sa mga nabasa ni Van Grego ay mayroong tatlong sumubok sa tatlong konseptong ito at ang isa na rito ay ang dating Stardust Envoy na si Silent Walker, Supreme Emperor Fury at ang isang misteryosong lalaking pinaniniwalaang nandoon na sa itaas ng mundo, ang Dark Neros. Ngunit ang librong ito ay walang kasunod na bahagi. Ang pinagsamang Konsepto ng Tubig at apoy ay walang binatbat sa tatlong misteryo at naglalakasang konsepto ng Space, Hangin at ng Kidlat. Ang buong katotohanan ay nakatago pa rin sa kahapon at nakalimutan na ng mga nilalang ng mundong ito sa kasalukuyan, tanging ang mga nananatiling buhay hanggang ngayon ang nakakaalam ng totoong pangyayari noong nagdaang mga panahon.
"Break for Me!!!!!!!"
Sambit ng binatang si Van Grego nang malaman niya ang nangyayari sa kaniyang katawan lalo na sa kaniyang parteng utak.
Mabilis na nagliwanag ng matingkad na kulay bluish white ang buong katawan ni Van Grego at nagpakawala ng bayolenteng Spiritual Qi sa mga mapanlinlang na mga halimaw na Matured Alluring Night Green Bats.
Dahil dito ay mahigit isang daan ang nangalagas sa grupo ng mga halimaw na Matured Alluring Night Green Bats ang direktang nangamatay at nangalaglag sa itaas na bahagi ng tunnel hole.
"Hindi ko aakalaing gusto nila akong ilagay sa ilusyon at ikulong sa aking sariling kaisipan. Talagang mga walang hiyang halimaw na ito, ang misteryosong atake nila ay talagang napakabrutal pa kaysa sa normal na kamatayan!" Sambit ng binatang si Van Grego. Kaya pala ang mga naglalakihang mga buto ng mga halimaw na ito na masaaabi ni Van Grego na kung nabubuhay pa ang mga ito ay maaaring ang Cultivation Level ng mga ito ay Martial Ancestor Realm Beasts pataas. Sa kaniyang obserbasyon ay maaaring napakahina ng mga perception at mahina sa sound attack o sa Spiritual distubances ang mga ito kung saan ay maaari silang mahulog ng tuluyan sa ilusyong namumuo sa mga isipan ng mga ito. Ang talino at sikreto ng mga nilalang na mga ito ay siyang mapapasakamay ng mga dambuhalang paniking halimaw na Matured Alluring Night Green Bats na ito na experto sa anumang uri ng Sound Attack. Talagang mamamatay ang mga masasagupa ng mga ito sa kalagayang pahihirapan ka muna at ikukulong sa isip at unti-unting papatayin, talagang mas brutal pa ito kaysa sa instant death. Malas lang nila dahil ang binatang si Van Grego ang nakasalamuha at nagustuhang biktimahin ng mga halimaw na Matured Alluring Night Green Bats.
Mahigit dalawang daan na lamang ang natirang mga halimaw na Matured Alluring Night Green Bats.
"Hmmm?! Hindi maaari ito? Impossible!!!!" Nahintatakutang sambit ng binatang si Van Grego. Hindi siya maaaring magkakamali sa kaniyang nakikita sa kasalukuyan.
Ang mga natirang dalawang daan na Matured Alluring Night Green Bats ay mabilis na nagpakawala ng kakaibang tunog, napakapayapa ng tunog nito papunta sa namatay nilang kasamahan ngunit ang nakakasindak ay mabilis nilang hinigop ang lahat ng Essence Energies sa loob ng katawan ng mga kasamahan nila maging ang Beast Cores ay agad ding nangatunaw sa kakaibang pamamaraan ng mga halimaw na Matured Alluring Night Green Bats.
"Anak naman ng halimaw to oh, ano'ng klaseng wicked technique ang ginagamit ng mga Matured Alluring Night Green Bats na ito. Ginamit lang nila ang kakaibang tunog upang ubusin at sairin ang mga enerhiya sa loob ng mga nangamatay nilang kasamahan na Matured Alluring Night Green Bats rin?!" Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang hindi mapigilang namamangha siya sa kakayahan ng Matured Alluring Night Green Bats na kalaban niya.
Mabilis niyang pinalitaw ang Book Artifact sa kaniyang tabi.
"Ano bang klaseng halimaw ang Alluring Night Green Bats? Anong klaseng wicked Technique ang ginagamit ng halimaw na ito?!" Patanong na pagkakasabi ng binatang si Van Grego sa Kaniyang pagmamay-ari na Book Artifact.
"Scanning... Analyzing... Data Research Analysis... Complete! Alluring Night Green Bats is a not a Darkness Element Beasts but a Sound Type Beast under the sub-concept of Wind. It's adapt more on Caves, Tunnels and Dark Places. When it is young, they are usually feed on meats, bloods because they are carnivorous. But when it will trully matured and breakthrough to Martial Ancestor Realm Beasts, they will change the way they eat there prey. They use Sound Eating Technique to digest the essence energy. Once they will breakthrough to Earthen Realm, they can devour there enemy through releasing Sound. They are one of direct descendants of the Sound Type Saint Beasts called Devouring Jade Bat. But due to extinction, they are not capableof surviving too long and there bloodline will decline. They are naturally a Martial Evil Beasts that need to be extinguished.
Nagulat naman ang binatang si Van Grego sa kaniyang nalaman. Hindi niya aakalaing mayroong Saint Level Beasts na sa hanay ng mga paniki at ang nakakagulat ay isang Martial Evil Beasts nakahanay ito kaya hindi nakakapagtaka na pinapatay ito ng halos karamihan ng mga Righteous Cultivators o Righteous martial artists. Kaya pala masama ang pakiramdam niya rito at nakakabahala ang ganitong klaseng halimaw sapagkat napakarami ng wicked Technique at tricks ng mga ito. Hindi nakakapagtaka na napakapambihira ng pagpapalakas na ginagawa ng mga ganitong klaseng halimaw na nasa hanay ng Martial Evil Beasts. Sigurado pa rin ang binatang si Van Grego na mahihirapan siyang paslangin ang lahat ng natitirang evil beast na ito.
Agad na inihanda ng binatang si Van Grego ang kanyang sarili laban sa mga ito. Tunay na nakakabahala ang nalaman niya. At kailan pa nagkaroon ng Saint Level Beasts na Devouring Jade Bat dito? Nakikita ito ni Van Grego na napakaimposible ngunit maaari kayang may iba pang mga Saint Level Beasts, mga Warrior Beast o kaya ay mga King Level Beasts sa mundong ito sa kasalukuyan lalo na sa malawak na lugar ng Tombstone Battlefield?! Kung gayon ay may malaking posibilidad na malaki pa rin ang magiging casualties ng mga malawakang digmaan sa hinaharap. Isa ito sa kinakatakutang mangyari ng binata. Siguradong kapag mayroong mga buhay na mga nilalang na mga Saint Level Beasts (Saint Beasts) lalo na ng mga King Level Beasts (King Beast) na mababa lang ng konti sa mga God Level Beasts (God Beasts) ay siguradong magiging magulo ang mundong ito sa hinaharap. Ang uttter destruction at chaos ay hindi na talaga mapipigilan.
